Kabanata 52: Malungkot Na Ngiti.

Start from the beginning
                                    

"Natalo sya ni Binibining Clara, ang unica iha ng mga Grosvenor." Dagdag nito na talagang gumulat sa diwa ko.

Di ko namalayan na nagtayuan na pala ang balahibo ko sa kamay.

Imposible....

Diko mapigilan ang magtaka, napaka mysteryosa, sadyang kakaiba, anong klaseng nilalang kaba?

Anong sekreto ang meron ka?





CLARA POV

"Gising naba sya?"


"Hindi pa po senior,"

Naalimpungatan ako sa ingay ng dalawang taong nag uusap na sa pagkatantya ko ay nasa harapan ko lang.

Ano to? Ako na nga ang pulutan, talagang sa harapan ko pa mag kwentuhan? Harapharapan talaga!?

Kunot noo akong nag mulat nang mata at masamang tinignan sila. Ngunit agad din namang nahlaho ito ng mapagtanto kong ito ang aking kinikilalang ama sa mundong ito.

"A-Ama, anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko dito.

Umakto naman itong nagulat at kunwaring nasaktan.

"Grabe kanaman, anak ko. Masamang dalawin ang biglaang naging pilyang anak ko? Mana ka sa iyong ina. Tsk." Saad nito.

Di ko sya sinagot at ngumiti nalang dito. 

Nakangiti itong lumapit saakin tsaka ako niyakap, ilang segundo din iyon bago nya ako at sinuri ang kabouhan ng mukha ko, nang makuntento ay ibinalik nya ulit ako sa kanyang bisig.
.

Grabe ang clingy ng tatay ko. Pero okay lang

Pano nga naman ako mag rereklamo e, ang bango ng tatay ko at isa pa napaka sobrang gwapo pa nito at lakas maka james ried. Dadag mo ang  napaka init na yakap nito, Halatang hindi nya ako na miss.

Hinayaan ko nalang at yumakap  din dito pabalik....

Lumayo na ito saakin at nakangiting tinapik ang buhok ko.

Nagtataka ako nang mapansing....

Malungkot itong ngumiti.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba dito. Ni minsan sa loob ng dalawang taon, ay hindi ko ito nakitang ganito ngumiti.


Sa isang iglap ay nawala ang kaninang masayang atmospera at napalitan ng tensyon.

Pamilyar ako sa ganitong uri ng lungkot. Di ko lang matukoy.

Maigi ko syang pinagmasdan at di ko namalayan na naawa na pala ako sa kanya.

Sa kabila ng maayos at pormal na kasootan nito, sa likod ng masayahin at palangiti  nitong mukha ay nandon ang mata na puno ng pagsisis at lungkot.

Sa di malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.

Di rin ito nag abalang magsalita, at nakatingin lang saakin na parang bang natulala.

Sa kauna unahang pagkakataon, ay naranasan ko ang mangapa ng sagot. Hinawakan ko ang mga kamay nito at tumingin sa sariling mata.

Pilit na ngumiti ako dito habang nakataas pa ang dalawang kilay  bilang pagtanong kung ano ba ang problema.

Pero ngumiti lang ito saakin at umiling. Tinangal nito ang kamay nya sa pagkahawak ko at ihinihawak sa pisnge ko.

"Gusto kong mag-ingat ka palagi ha?" biglang saad nito. Di ko nagawang makasagot dahil di ko maintindihan ang sinsabi nito.

"A-Ama?"
.

"Naintindihan mo ba a-ako Clara?" saad nito bago tuluyang nabitak ang boses nito.  Huminga sy ang malalim at tikom ang bibig na tumingin saakin.

"H-Hindi kita maiintindiha--

" Clara naintindihan mo ba ako" pagputol nito sa sasabihin ko at matigas na tanong pa nito.

"Hindi! Sabihin mo saakin... Ano b-bang problema, PAPA?" malambing nang suyo ko dito.

Nakita ko namang ang biglaang pagtulo ng luha nito sa pisnge, sa di malaman na dahilan ay bigla akong nasaktan, bumigat ang pakiramdam ko nang makitang lumuluha ang magulang ko.

"P-Pa....."



"Patay na ang Lolo mo, patay na ang aking papa." mabilis na saad nito bago nag angat ng tingin sa dingding at nag pahid ng luha.

Nagtataka akong napatingin sa kanya.



Posibleng biro lang naman to hindi ba?

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now