Kabanata 30: Syn Draguel

3.3K 156 8
                                    


NAGHIWALAY na kaming tatlo at lahat! Pero di parin umaalis ang lintik na lalaking ito sa tabi ko. Ang kulit nya grabe. Nakasunod lang ito saakin habang ang mga kamay ay nasa likod ng ulo at kaswal na naglalakad. Huminto ako at hinarap sya.

"Alam mo.. Okay na ako, pwede kanang umalis." Ngumiti ako dito habang tinuturo ang daan palayo saakin. Simulyap lang sya dito at humarap ulit saakin.

"Hindi pwede." pagmamatigas nito. Inis ko syang pinagmasadan mula ulo hanggang paa at pinaramdam dito ang pagka disguto ko sa kanya ngunit kumindat lang ito saakin at ngumisi ng nakakaasar.

Nakasoot ito ng uniporme ng paaralan at napakatipuno nya tingnan, kulay pula ang buhok na may pagka messy style at ganun rin ang kulay ng mata na bumagay sa pagka chinito nito. Anglakas pa ng dating nya, paniguradong mapapatitig ang sino mang babaeng madadaanan nito. PERO masyadong red flag ang ugali, ayaw ko talaga sa makulet.

Inis nalang akong naglakad at nag isip ng paraan para makaalis sa lalaking ito. Maya maya lang ay napansin ko na mayroong pampublikong banyo para sa kababaihan kaya nagmamadali akong naglakad patungo dito at pumasok, pero ang loko ay pumasok rin dahilan para mapasigaw ako sa gulat.

"HOY! Manyakis kaba!" sigaw ko dito at pinagsuntok suntok sya. Aga naman itong sinangga ang mga kamay at natatawang pinagmasdan ako na namumula na inis.

"Binibiro lamang kita, Tama na." Natatawa paring angal nito habang umaatras. "Grabe ka naman sa manyakis binibini, sa gwapo kung to? Magagawa kopang magmanyak? Para sabihin ko sayo ako pa ang minamanyak ng mga babae!" mayabang na saad nito at kinindatan ako muli.

Napangiwi naman ako sa sinabi nya at nandidiri syang tinignan. Akmang tatalikuran ko na sya at maglalakd na ulit sa pasilyo ng may sama sa loob ng hinarang nito ang sarili sa daan.

" Hayaan mo muna akong ihatid ka sa iyong dormitoryo!" Kaswal na pahayag nito habang nakangiti.

Pinaningkitan ko naman sya ng mata at pinagkrus ang brasong hinarap sya. Nag dududa na ako e. Kanina nagpapasalamat pa ako dahil pinakalma ako nito at linayo sa gulo pero pagkatapos nun ay masyado na ata syang feeling close at kumukulit saakin, crush ba ako nito?

"May gusto ka ba saakin?" prankang tanong ko at gulat naman itong napatitig saakin. Ilang sugundo din ang tinagal nun at muli nyang kinolekta ang sarili.

"Oo gusto kita....." diretsong sagot nito at ako naman ang nagulat ata agad napanghinaan ng tuhod, tinitigan ko ito ng mabuti kung nagsisinungaling ba ito o hindi pero tanging pagiging seryoso lang ang nakita ko dito, halos di ako makapagsalita at sinisisi ang sarili kung bakit tinanong kopa!

Pero agad ding sumilay ang ngiti mula dito na wariy nag pipigil ng tawa at tinuro pa akong halos malukot na ang mukha sa pagkagulat.

"Ihatid.. Gusto kitang ihatid!" Natatawang dagdag nito at nakahinga naman ako ng maluwag, parang tanga, first tym ko pa naman makatanggap ng confession kung nagka ganon. "Ihinabilinn ka ng kuya mo sakin, dahil mawawala sya dito ng ilang araw dahil sa misyon. Takaw gulo ka raw kaya dapat bantayin ka ng mabuti." sabi nito at napaismid naman ako sa narinig.

"Alam mo bang hindi na ako bata?" sabi ko sakanya at tinawanan lang ako nito.

"Hindi!"

"Anong--17 na ako, ginoo!" halos sumigaw na ako dito para lang ipaintindi ang point ko.

"E ano ngayon, 19 na ako, BATA ka parin! "

"Argh! Mag- e 18 narin ako sunod na buwan!"

"Talaga?" Sagot nito, kunwaring interesado.

"Hindi mo ba naintindihan ha?" nang iinsultong tanong ko dito pero bagot lang utong sumagot.

"Naiintindihan ko"

"At ano namang naintindihan mo? HA! " hamon ko sa kanya habang naka pamewang.

"Na.. bagay tayo!" sabi nito na talagang ikinatahimik ko. Napakurap pa ako ng ilang beses at nakaamang ang bibig na pinagmasdan sya. Nang maka recover ay agad naman inayos ang sarili nahihiyang tumalikod. Inis ako ng sumulyap sa kanya na ngayon ay nakaupo na habang hawak ang tyan sa kakatawa. Peste talaga sya.

"Ang Sarap mo naman kasama, binibini. Nakakatawa ang expression ng iyong mukha." saad nito habang nagpapahid pa ng luha. Tang ina! Gawin ba naman akong clown. Naiinis ako sa sarili ko dahil nadali ako dun. Di ko panaman alam ang gagawin if ever totohanin nya yun.

Humarap ako dito at piangsusuntok na naman sya inis, at tawa tawa lang itong sinasangga ang mga suntok ko. Marami naring napadaan na mga estudyante at may iba pang napapatili habang kami ay pinagmamasdan. Wariy kinikilig saming dalawa. Akala ata nila magnobyo kami na nag-aasaran! Diba nila ramdam na gusto nang patayin ang lalaking to. Tch!

       

××××°×××××

Narating na namin ang tarangkahan ng dormitoryo ng kababaihan, at marami parin talagang pinagmamasdan kaming dalawa. Binati kami ng mga bantay.

"Alam mo binibini, maari mo naman kasing serysohin ang mga biro ko, depende yun sayo. Pag-iisipin ko pa ngalang kung tatanggapin ko ito" Mayabang na sabi nito sakain habang naka ngisi. Inis ko naman syang inambaan ng suntok pero tawa tawa lang itong umilag.

Pumasok ng ako sa loob ng walang lingunan. Ang sama ng loob ko grabe! Narinig ko pa itong nagpaalam sa mga bantay pero di na ako lumingon pa dahil asar na asar ako sa kanya.. Pero di ata kinaya ng konsensya ko at sumulyap parin ako dito at nakita ko namang nagulat ito dahil liningon ko pa sya. Sumilay na naman ang mapaglarong ngisi nito at nagawa pang kumindat saakin, napa irap nalang ako sa ere at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makapasok sa silid ko ay nadatnan ko si lena na naglilinis. Inirapan ko rin sya at gulat naman itong napatingin saakin at nagtataka sa inasal ko. Di ko na sya pinansin kasi damay damay na to!

Syn Draguel! Tatandaan kita. May araw karin sakin!

Boung maghapon ay di na ako pumasok sa mga klase ko dahil wala talaga ako sa wisyo at pinilit nalang ang sariling magbasa, feeling ko kasi may magaganap na naman pag lumabas pa ako. Gusto ko ng normal na araw para sa normal na klase!

Naglalakad ako palapit sa bintana, dahil may napansin akong may kumikislap sa labas. Lumapit ako dito at pilit inaaninag ang lugar na iyon at mula rito ay may nakita akong tatlong lalaki na parang nag eensayo sa pakikipag espadahan gamit ang totoong sandata. Sa ngayon kasi ay kahoy lang ang ginagamit namin sa pagsasanay kailangan ko munang makaangat sa apprentice knight na ranngo at tumutungtong sa stone rank ng ranggo.

Naiingit ako pero mas dapat lang na mas galingan ko sa paggaaral kaya binabad ko uli ang sarili sa pagbabasa at kumuha ng maraming impormasyon tungkol sa divine arts at swordsmanship.

Maya maya lang rin ay dumating ang magiging pagkain namin sa gabing ito. The best talaga ang ulam nila dito. Pero ang hina nila sa mga snacks at dessert. Magtayo kaya ako ng tindahan sa bayan, lagi namang bukas ang paaralan sa sabado at linggo e.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko at ganun din naman si lena. Agad na syang nagligpit at pinagpatuloy ang ginawa nya, nagbuburda kasi ito ng mga panloob na damit. Inatasan ko kasi syang gawin ako nito dahil hindi ako komportable sa manipis na damit at shorts. OO di uso ang panty at bra dito  kaya nagpapaligsahan sa pahabaan ng besteda ang mga babae dito. Ganun din ang ibang kalalakihan dahil minsan ay umuumbok talaga ito kaya lagi akong nakayuko sa paglakakad. Wala na akong pake kong bastos man ang dating nito sa kanila.

Mukang normal lang naman sa kanila ang mga ito dahil sa mukha naman talaga sila tumitingin at hindi sa baba. Di gaya sa dati kong mundo....  Ayaw ko nalang mag magsalita.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum