Kabanata 45: Hidden door.

2.7K 157 20
                                    

DAMIAN.

Nanatili lang itong tahimik at walang emosyong naka tingin saakin. Nailang naman akong nag iwas ng tingin.

Ito na ata ang unang pagkakataong nailang ako sa isang tao dahil lang sa may nasabi akong masakit na salita. Dati rati ay wala nman talaga akong paki alam hanggat nag sasabi lang ako ng totoo at kung ano mang satingin ko ay nararapat at tugma sa aking prinsepyo.

Dahil ganun ako hinulma bilang susunod na emperador ng emperyo.

Sa ngayon ay gusto ko syang angasan pero di ko ata magawa habang nakatingin sa kanyang mga mata.

Kakaiba ang mga matang iyon, ang lakas maka intimida,

"M-Magpahinga kalang dyan, di ako aalis." Napapikit ako at tumalikod. Gusto kong murahin ang sarili ko sa mga sinabi ko. Kung nandito lang si stevan ay baka tinatawanan na ako nun!

"Ha?..." Nagtatakang tanong ng binibini pero diko na sya liningon pa. Nagkunwari nalang akong nagmamasid sa palagid habang nakikiramdam. Maya maya lang ay Napansin kong may binulong ito sa hangin pero di ko madinig! Napatingin ako dito kasi baka mamaya nyan ay minumura na ako.

"Minumura mo ba ako?" Tanong ko dito. Sa pagkakataong to ay pilit ko nang inayos ang sariling boses.

"May narinig kaba?"

"Wala."

"Edi, hindi kita minumura." pabalang na sagot nito at sumulyap sa butas na dinaanan namin. Inis naman akong bumaling dito.

"Binibini, tinatanong kita ng maayos. Alam mo ba ang posisyon mo?" Pagbabanta ko dito ngunit nakakamanghang di man lang ito natinag at may binulong na naman sa hangin.

"Ha?.." inis na baling ko sa kanya, nag-angat naman agad ito saakin habang nanlalaki ang mga mata.

"Hatdog!" Pasigaw na sagot nya at patalikod kung umirap sakin.

Napakunot naman ang noo ko sa naging asal nito habang naglalakad palayo saakin.

Nagtataka man ay di ko parin mapigilang mangapa sa narinig na kakaibang linguaheng binigkas nito.

"H-Hat-dog... A-Ano 'yon?" Takang tanong ko dito, pero di na ito nag abalang lumingon pa at sumandal nalang sa malaking bato at pumikit.

Naiinis man pero sa hindi malamang dahilan ay natutuwa ako na magkaroon ng pagkakataong makikita  itong nagpapahinga kahit naka kunot pa ang noo.

Habang naka tingin dito ay  ngayon ko lang din nagawang suriin ang kabouhan at sitwasyon ng dalaga.

Maingat kong kinontrol ang liwanag palayo dahil nadadampian na nito ang balat nya. ;

Napansin kong marami na pala itong galos at pasa na natamo, dumudugo narin ang braso nito pero parang wala lang ito sa kanya at di na ininda pa.

Sinuri kopa ang katawan nya pababa.

At halos takpan ko na ang kabouhan nang mata ko ng makitang napunit ang parting hita ng dalaga at talagang nilantad ang kaputian nito. Mabilis kong liningon sa ibang deriksyon ang mukha ko napapikit bago bumuntong hininga.

Ang katawan ng babae ay sagrado lalo na ang ibabang parte nito, Ang ginawa kong pagtingin dito ay isang kalapastanga at kahangalan sa aking pagiging ginoo. Hindi ko naman sinasadya.

Lumapit ako dito at naupo sa tabi nya.

Mariin akong pumikit at hinubad ang roba na syang ginawa kong pantakip dito. Nakapagtatakang hindi man lang ito pumalag, mukhang tinamaan ng pagod at nakatulog.

Napaka-Impossible ng babaeng to, pano nya ngagawang magpahinga ng ganito, ngayong alam nyang nasa gitna pa sya ng practical. At nakapaloob lamang yung sa loob ng dalawang oras!

Bigla akong nataranta sa isipang iyon kaya handa na sana akong gisingin sya nang mapatigil ako.

Habang nakatingin ng diritso sa kanya.. Sa kanyang maamong natutulog na mukha. Naglakabay ang mga tingin ko sa kilay nito, matangos na ilong at sa kulay rosas nitong labi na minsan na ring nakadaupan. Bigla akong napalunok sa sariling alaala.




CLARA POV.

Nagising ako ng may narinig akong sunod sunod na pagsabog malapit sa pwesto namin. Napapikit ako bigla sa inis ng mapagtanto kong kasama ko pala ang lalaking iyon.

Lumingon ako sa dati nitong kinauupuan at nakapagtatakang wala na ito, linibot ko pa ang paningin ko  sa boung lugar, ngunit walang damian, ang narito.

Akmang tatayo na sana ako ng mapansin ko ang robang nakatakip sa ibabang parte ng katawan ko. Nagtataka ko itong pinagmasdan. Ito yung robang gamit ni damian habang linalayo ako kanina sa mga humahabol saakin..

Habang tinataas ang roba ay dumapo ang tingin ko sa braso ko. Gulat akong naoatingin sa mga sugat at pasa ko nang mapansing wala na iyon doon., na para bang walang nangyari.

Na nanaginip lang ba ako?

Sinilip ko ang soot ko sa ilalim ng roba at nadismaya ako ng makitang gusot at punit parin ito. Its not a dream! Hindi nga ako nanaginip. Totoong nandito sya kanina at linigtas ako, at tinulungan pa akong gamutin ang sugat ko?.. Pero bakit? Bakit nya naman gagawin iyon?

Wala akong makitang dahilan para gawan nya ako ng kabutihan lalo nat alam ko sa sarili na  sira na ang imahe ko sa kanya, isa nga akong mapanakit at basura ang pag uugali diba?

Diba naiinis sya saakin? Ganun din naman ako sa kanya ah! Pero bakit? Ano na naman ba tong pakitang tao nya!

Bakit ba sya ganyan? Ayokong isiping mabait sya at totoong tao pero.. hindi ito ang unang beses na nagawa nyang tumulong kahit totoong kinamumuhian na nya ako.

Ayokong tangalin ang galit ko sa ngayon dahil totoong naapakan nya ang pagkatao ko dahil wala naman syang alam sa totoong nangyari sa oras na iyon. Nagawa nyang magbitaw ng salita tungkol sa pagkatao ko na para bang napakalaki ng amabag nya sa buhay ko..

Napapikit nalang ako muli sa naisip.

Alam ko sa sarili kong naiinis ako at galit! PERO  sa ginawa nya ngayon saakin ay mukhang di maiiwasang mapawi pa ito at totoong Gusto kong saktan ang sarili dahil sa kahinaan.

Tumayo na ako at sinoot ang roba. Pinakiramdaman ko ang sarili at nagpapasalamat akong sapat na ang lakas ko para makapaglabas ng mahika.

Hinanap ko ang dina anan namin kanina at sinilip ang taas nito. Bobo ako kung aakyat ako dyan! Gawa lang kasi ito sa pinagsamang sanga ay dahon at ayoko namang pahirapan pa ang sarili ko. May nakita na akong ganitong scenario! Alam kong may hidden door dito para lagusan palabas.

Pero nakailang ikot na ako at wala akong makitang pwedeng daanan. Kaya napag disesyunan ko nalang  Lumapit  sa artificial na mystic tree nato para mag pahinga ngunit  nang humawak na ako dito p ay biglang lumampas lang ang kamay ko  at huli nang para ibalanse pa ang sarili dahil binuhos ko na ang bigat ko dahilan para mapasama ang katawan ko at gumulong ako sa loob nito.

"Tangina!" Malutong na mura ko at marahas na  liningon ang puno, pero wala na akong makitang puno at tanging isang malapad na bato nalang ang nasa harapan ko. Linibot ko ang paningin ko at napagtanto kong nasa  labas na nga talaga ako dahil mula rito ay may nakikita na akong nag hahabulan.

Dali dali akong tumayo at inakyat ang malapit na puno at linabas ang palaso ko na gawa sa kuryente ititira ko na sana ang palaso ko sa dalawang nag hahabulan, pero  nagulat ako ng bigla nalang umangat ang puno sa ere at gumawa ng malaking lindol. Agad akong tumalon pababa at eleganting nag flip sa lupa.

Mula sa deriksyon ko ay nakita ko  na ang ngayong nakatayong babae na may pulang buhok at gintong mata.  namamangha na itong nakatingin saakin.

Ngumisi naman ako dito pabalik.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now