Kabanata 8: Pagbagsak

4.5K 200 7
                                    

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nung may maramdaman akong isang mabilis na bagay at parang bumubulusok ito patungo sa direksyon ko.

Mabilis akong tumalon patalikod para ilagan ito. Nakakamanghang kaya ko parin gawin yun, pero ganon nalang ang gulat ko ng agad naman akong natumba. Peste tanggal angas! Namali kasi ako ng tayo.

Agad akong gumapang papunta sa likod ng puno ng maramdaman ko ulit ang pagtira nito, sinilip ko ang ang bagay na bumagsak at tama nga ako, isa itong pana ngunit ang nakakapagtaka ay lumiliwanag ito na parang araw..

Kunot noo kong pinagmasdan ang posisyon ng mga pana, napagtanto kung galing ito sa magkabilang deriksyon, di naman pwede na kaya nyang makalipat agad ng ganon kabilis. Marahil ay hindi ito nag iisa.

Nanatili akong nakaupo sa damuhan, pinapakiramdaman ko ang paligid at iniisip kung pano ako makakaalis sa sitwasyong ito. Di ako pwedeng mamatay ulit, pinangako ko sa sarili na dito ko ipagpapatuloy ang naiwang pangarap.

May idea akong naisip pero malaki ang tsansa na di ito gagana pero wala akong ibang mapagpipilian pa and nasa isip kulang sa ngayon ay dapat makatakas ako sa taong to.

May nakita akong malalaking magkakatabing puno sa kaliwa ko, at isang may kahabaan na sanga naman sa harapan ko, mabilis ko tong kinuha at tama nga ang naging disesyon ko, may tumarak na lumiliwanag na pana sa pwesto kung saan ang sanga kanina. Kinakabahan na ako kasi feeling ko kunting galaw ko lang ay may tutusok na sa katawan ko. Kaya dapat isagawa kuna ang plano.

Ang plano ay itatapon ko yung sanga sa kanan ko at magsisimula akong magtago sa kabilang puno. Mabilis naman ako tumakbo kaya tiwala ako sa bilis ko.

SOMEONE POV,

Dahan dahan ang naging lakad ko patungo sa pinagtataguan ng babae, hindi ko nakita ang mukha nito ngunit napaka kahina hinala ang galaw nito, dagdag mo pa yung pag ilag nya sa pana ko na syang pinakamabilis na sandata sa balat ng emperyo. Di ako makapaniwala na isang babae at bata lamang ay nagawang iwasan ito.

Biglang nawala sa hangin ang pana na dala ko, kinuha ko yung espada na nanatiling naka sabit sa bewang ko at inihanda. Pinapakiramdaman ko parin ang galaw nito.

Huminga ako ng malalaim at pinag isa ang pangdama ko sa kalikasan. Isa to sa mga kakayahan ko,kaya kong pakiramdaman ang boung paligid na hanggang labinlimang metro pa ang layo.

naririnig ko mula rito ang malakas na tibok ng puso nung babaeng inaabangan ko. Ngunit hindi dahil kinakabahan ito ay dapat na ako makampante.
Nakakaramdam ako ng kakaiba sa babaeng ito, kailangan kong mag ingat.

Matapos ang ilang sigundo ng pag iisip ay naging alerto ako nung may binato ito sa kanan na kung anong bagay, huli na nung mapagtanto na isa lang pala itong sanga at mula rito ay nakikita ko ang mabilis na pagtakabo ng babae sa kaliwa. Wala na akong magawa kundi gumamit ng kapangyarihan.

Agad kung pinaliwanag ang katawan at mabilis na tumakbo sa kanyang direksyon at sa isang iglap ay nasa harapan na ako ng babae, nagulat pa itong napatingin sa akin bago matumba.

Agad kung inamba sa kanya ang espada, nagulat man itong nag angat ng tingin ngunit kahanga hanga di man lang ito kakitaan ng konting takot.  Di ko parin hinubad ang soot kung kapa na may takip sa ulo.

"Sino ka?" Panimula ko at sinuri ang kabuuhan nya. Napakurap kurap pa ito na nagbalik balik ang tingin sa akin at sa espada. Tumingin tingin di ako sa paligid dahil baka may kasama. " At anong ginagawa mo dito?" kalmadong saad ko sa kanya.

Aaminin kong isa nga syang magandang dilag, ang maliit na mukha nito ay bumagay sa mahabang puting buhok, maputi, matangos ang ilong at may pagka nipis ang labi, pero ang nakakatawag ng pansin saakin ay ang mga mata nito, di ko alam kung nagagandahan ba ako dito o may nakikita ako sa kanya na kakilala ko.

I Got Reincarnated as Daughter of the DukeWhere stories live. Discover now