Chapter 49

8 3 0
                                    

| Chapter 49 |

I Almost Do

Ivory's POV

"Merry Christmas!" Tita Vicky shouted making the rest of the body guards, maids, and house helpers shout din. They're celebrating with their staffs at nakakatuwa lang, iyong ibang mga kasambahay nila ay wala dahil na din umuwi sakani-kanilang mga tahanan dahil pasko.

"Merry Christmas, Mom!" Sigaw ni Ethan saakin. Malayo man s'ya sa'kin dahil kalaro nya ang dalawa nyang Tito, si Vina hindi pa kami nag kaka-usap. I feel so left out dahil nahihiya pa din ako sakanila

Buti nalang Tita Vicky let me feel that i am not alone, nag kwekwentuhan lang kami at nakakatuwa dahil hindi nya binabangit ang mga nangyari dati. I am so thankful to her to do that.

"Ivory? Gusto mo pa bang kumain? Gelatin? Mango Graham?" Natawa ako bago kaagad na umiling "Don't worry, auntie, it's okay." I stated and smiled a little.

Uncle Lance are fond of Ethan too, palagay ko ay magiging sobrang spoiled si Ethan sa both sides ng family dahil una at nag iisang apo. Sana lang ay hindi s'ya masanay.

"Merry Christmas, lola!" Bati ni Ethan kay Tita Vicky, she chuckled before kissing my son's cheeks "Merry Christmas, apo. Indeed, this christmas is merry." 

Nag-si-puntahan ang mga kasambahay sa kainan, nandoon din sila Tita Vicky and Tito Lance walk towards the dining area habang buhat buhat ni Tito Lance si Ethan. Umiinom lang ako dito ng Mango Shake, kumain din ako kanina ng kaunting buttered salmon and shrimp at kaunting rice. 

Narinig ko pang nag bangayan sila Vance at Vinny 

"Vin! Let's go, let's eat!" Aya ni Vance

"No thanks, ayokong mawala ang six packs abs ko," Vance made that disgusting look kaya naman ay inilingan sya ni Vinny bago nag lakad papaalis. Umupo uli sa may coffee table at nag laptop lang.

Sa pagkaka-halata ko nag lalaro ata ng Valorant ang loko. 

"Vaughn! Kumain na uli!" Tawag ni Vina kay Vaughn na nandoon sa may garden, may kausap sa telepono. Ang pagpapa-alam nya sa'min kanina ay tungkol nanaman daw sa isang kaso. 

Naramdaman kong nag lakad sya paunta dito at nilagpasan ako. Pumunta s'ya sa dining area at siguro...kakain. 

Naiwan lang ako mag isa dito sa couch habang umiinom at hinart ang apat na taong bumati sa'kin ngayong pasko thru text and chat. 

Hindi ko namalayan na may umupo sa harap ko, may nilapag syang plato kaya napatingin ako doon

"It's a cheesecake from contis," She started talking, kumain din ng slice ng mango cheesecake.

Itinaas ko ang paningin ko at nakita syang kumakain ng cheesecake, her legs are crossed like mine's and she smiled, looking at me.

"I know you'd always like mango cheesecakes, ivory." Vina brightly smiled at me. Ngumiti nalang din ako bago kinuha ang cheesecake at kinain ito.

"Ang laki din ng pinag-bago mo, gan'yan ba talaga kapag nasa ibang bansa? Mas lalong pumapayat at gumaganda?" Napailing ako 

"You can go out of the country naman if you want, you're a millionaire." She jokingly rolled her eyes "How i wish i can, pero hindi ko maiwan ang trabaho ko," 

Formula Of Love •KTHWhere stories live. Discover now