Chapter 17

28 6 0
                                    

| Chapter 17 |

Husband In Law

Vaughn's POV

"What are we doing here again?" Napatingin ako kay Jilliana ng mag salita sya. 

Honestly hindi ko din alam, ang sabi kasi ng head atty at ang nag tayo ng firm na kinakatayuan namin ay itetreat daw nya kami ng lunch, ang sabi nya sa Racks nalang daw kaya bumaba kami sa office at pumunta dito 

Pagpasok namin sa loob ay kaagad na bumungad saamin yung waiter 

"Table for two sir?" Tanong nya habang napatingin pa kay claire na nakangiting nasa tabi ko.

"Table for uh...madami kasi kami, pwedeng long table nalang ang ilagay ninyo?" The waitress politely nodd. Nag tungo kami doon sa isang upuan na pang-apat, ang sabi ng waiter ay ididikit nalang daw yung tables pagdating ng mga kasama namin 

Pagkaupo namin ni claire saktong pumasok si Jilliana, hindi ko alam kung saan nag punta at nahuli sya 

"Si! Wait me, ang lalaki ng hakbang ninyo!" Walang gana ko lang syang binalingan ng tingin habang masama na ngayon ang tingin nya saakin

Umupo sya sa tabi ko habang si claire ay nakaupo sa may tapat ko

"Nasaan na ba sila? Ang tatagal nila," Naiinip kong sabi kay Jilliana

"Papunta na ata, wait kalang, chill." Maya maya pa, nakita ko na sila Yva at ang iba pang makasama naming Attorney's sa firm.

14 kaming abogado na nag tatrabaho sa firm na 'yon, kasama na din yung Head CEO kuno namin na si Janes. Classmate ko sya noong college, nasa lahi na nila ng pagiging abogado kaya nung naka-pasa sya sa bar exam ayan, sya na ang naging CEO ng firm na minamahala ng dad nya. 

 "Good Afternoon, Atty Lorenzo," Yve, the clerk desk greeted me. Marahan ko lang syang tinanguan saka ininom yung tubig na sinerve ng waiter.

Umupo na din yung mga abogadong kasama namin, ang iba sakanila walang secretary, saka dalawa lang ang detective namin sa firm, while meron kaming dalawang paralegal.

Dahil pa-special ang may ari ng firm namin, si Janes ang pinaka huling dumating 

"Kumpleto na ba tayo?" She smiled before seating sa may dulo.

Naka-kross lang ang dalawa kong kamay habang nakikita ang mga katrabaho ko, kulang kami ng...uh... dalawang abogado, isang paralegal, isang detective and...si Yuan. May hiring kasi sya kanina.

"Are you sure you're gonna treat us here?" Atty. Patrick, one of the attorney's asked

"Yes, why not? You all did a great job kaya," Pagod kong binalingan ng tingin si Janes 

"We all did a great job ba talaga? O baka dahil nanalo nanaman si Attorney Lorenzo sa isang mabigat na case," Atty. Katelyn Remulo, kabatch ko ata sya noong law school.

"Grabe, tingin nyo ba si Vaughn lang ang pinapaburan ko? Hindi kaya," Marahan akong bumuntong hininga bago uminom ulit ng tubig 

"Kaunti na ngalang maiisip na naming may gusto ka kay Atty. Lorenzo," Binalingan ko ng tingin si Leo one of our paralegal's. 

Wala pala kaming detective na kasama ngayon. Siguro sumama sa ibang abogadong nawala. 

"That's not a good joke, may girlfriend si Vaughn," Salita naman ni Janes habang ako ay wala lang pakealam na umiinom ng tubig ko

"Right? Jilliana?" 

"Uh..." Naramdaman kong napatingin pa saakin si Jilliana.

Napatingin ako kay Claire na nasa tapat ko, inaantay yung magiging sagot ko.

Formula Of Love •KTHजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें