Chapter 11

27 6 3
                                    

| Chapter 11 |

His Little Bean

Ivory's POV

Nakapila kami ni crystal sa labas ng office ni tita ruby dahil naka-schedule nga ang ultrasound ko ngayon, napaka-init. I think i will burst kapag hindi ako nakainom ng any refreshments!

"Where did Vina go?" I ask Crystal, nag seselpon lang sya at tila walang pakealam na mainit.

"Vina? Baka nag CR," Tipid naman nyang sagot, nagkakalukot pa din sa cellphone nya. Luckily hindi ako nag cacrave ng kahit ano. Aligaga nga din ako dahil sobra akong naiinitan, wala panamang dalang tubig si Crystal.

"Dyan kalang, malayo panaman tayo bibili lang ako ng tubig sa baba," Nakita kong agad na napakunot ang noo nya 

"Kaya mo ba? Wag na ako nalang---"

"I am not lumpo, stop it," Sinamaan ko sya ng tingin kaya napa kibit balikat nalang sya 

"Okay...we'll wait here, ingat." Tipid akong ngumiti ako sakanya bago agad na naglakad papunta sa elevator.

May watsons sa baba ng hospital, pumasok ako sa loob para bumili ng tubig. Syempre, wala naman masyadong pila kaya agad akong nakapagbayad.

Nagmamadali ako umakyat sa taas dahil baka mamaya ay turn ko na, honestly...kinakabahan ako. This is my first child, kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong itsura nya, is he or she look like me? Or look like vaughn?

Para akong nalutang habang nag lalakad kaya nabigla ako ng may mabanga ako, pareho kaming papasok sa elevator. 

"Oh---i am sorry--" Napahinto ako sa pagsasalita ng makita ang mukha nya...

"Viro?"

"Kaye?" There's a smile building up in his lips so as i, pumasok ako sa elevator at ganoon din sya. Walang laman ang elevator at kaming dalawa lang 

"Bakit ka nandito?" He asked me. Bigla akong nataranta dahil sa tinanong nya, aminin ko na ba sakanya?

"Uh...nasa oby ako," I answered. Hindi panaman kami ganoong ka-close ni Viro, at baka mamaya sabihin nya sa tatay nya. Mas lalo silang makakahanap ng butas para siraan ako, i can't trust people that easily. Hindi natin alam ang tunay na ugali ng mga ito.

"Maybe nag pa-check up ka?" Tanong nya at kaagad akong tumango---sabihin ko na ba?

"Yes, sometimes you need to pa-check up din sa oby-gyn," The awkward atmosphere is still here because of the topic

"You? Bakit nandito ka?" 

"Oh, may sinamahan lang ako. 'Yung bestfriend ko," He answered naman. Nakakapagtaka dahil nasa iisang floor lang kami, nakita ko kasi sya kaninang pinindot yung floor kung saan yung oby. 

"Nasa iisang floor lang tayo, sinamahan mo bestfriend mo sa oby or sa neou?" Saglit syang tumingin saakin 

"Uh, sinamahan lang din nya yung tita nya sa neourologist, tapos sinama nya din ako." Napatango nalang ako dahil sa isinagot nya.

Ilang secondo at nag bukas na din ang elevator, nauna akong lumabas at nag paalam sakanya.

Pagdating ko sa pila napahinto kaagad ang buong katawan ko, nakita ko si Vaughn na nakasandal sa may gilid ng pinto, nasa unahan na nakaupo sila Crystal and Vina---meaning, ako na ang sunod. 

Vaughn lick his lips before staring at me, hindi nya siguro ako namalayan. Naglakad ako papunta sakanila habang hawak hawak padin yung bottles water, uminom ako habang wala ako sa mood. 

Bigla nalang akong nawala sa wisyo ng makita ko sya, naiirita lang ako. Akala ko ba hindi sya makakasama? Nakakairita sya.

Ilang minuto ang nakalipas at tuluyan ng umalis yung pasyente ni Tita Ruby, pumasok na din kami sa loob ng tawagin kami ng secretary nya. 

"Oh! It's nice seeing you again, hijo." Bati ni Tita Ruby ng makita si Vaughn, kung kayo nice seeing him, pwes ako hindi. Nababanas ako sa pagmumukha nya, ang pinaka-magandang parte ata ng katawan nya ay ang nunal nya. Yun lang ang pinaka-gwapo sa lahat!

"Vina, you're here din." Lumapit si Vina para ibeso si Tita

"Yes, sinamahan ko lang sila ni Crystal tita. Kaso sumunod pala itong si Vaughn, kaya ayan, tatlo kaming taga-bantay kay ivory," I am pissed honestly. Bakit nandito pa 'yan si Vaughn?

"Ivory, hija. Bakit ganyan ang mukha mo?" Napatingin ako kay Tita ruby, inikot ko ang paningin sa mga kasama ko dahil malamang...napansin na din nila na para akong pinag bagsakan ng langit at lupa. Vina and Crystal are sitting there sa may bed tapos si Vaughn naman ay nakasandal ang kamay sa upuan ko

"Mood swings, tita." I simply answered, still pissed by simon's presence. 

Nag simula na ang check up, malamang kaya naiirita ako kailangan ko pa din tangalin yun dahil makikita ko na ang kauna-unahang mukha ng anak ko. I know...it maybe hard to gave birth, but i will promise i will love my child more than i love myself.

"Okay, ivory hija higa kana dyan. Kayong dalawa, tumayo muna kayo," Dahan dahan akong humiga sa higaan. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anong magiging itsura ng anak ko

"Itaas mo 'yung damit mo," Nagdadalawang isip pa 'kong itaas dahil nandyan si Vaughn. Pero itinaas ko din naman kinalaunan.

May nilagay na gel na kung ano si Tita Ruby bago nya nilagay yung something na naka-connect sa ultrasound TV---whatever it called.

Ginagalaw ni Tita Ruby ang ultrasound sa tyan ko, nakikita ko din ang gumagalaw na kung ano sa loob...parang paa...

"Oh, look! Ayan sya," 

I can't explain my feelings right now, there is something in me...i felt...

i felt happiness.

Hindi ko pa nararamdaman ang ganito dati, ngayon ko lang naramdaman kung kailan nakita ko na ang anak ko.

"Vaughn hijo, look here," Si Vaughn na walang pakealam at nakasandal lang sa gilid ay naglakad papunta saakin. I can see his face because he's close to me.

"Look at that little sprout," Doc Tamayo circled the angle 

"There, that's your future child," Napatitig ako kay Vaughn para tignan ang ekspresyon nya. 

Ang kaninang blankong mukha ay naging maamo, unti unting may bumubuong aliwalas sa ngiti nya.

He slowly smile while watching our baby, gumagalaw yung bata at nararamdaman ko.

"It's very small..." He commented 

"Yes, it is," Ate Vina answered him.

"Maliit na maliit palang 'yan, pero lalaki din sya soon," Saad naman ni Crystal na nakahawak ngayon sa may balikat ko, nasa likod sya ng ulo ko.

"It looks like a bean," Natatawa kong sambit, pinipigilan kong umiyak, nakakatuwa kasi.

"Yeah, my little bean," Napatitig ako kay Vaughn, he's smile is very genuine. Napapangiti din ako dahil sa ngiti nya, somehow it gives me warmth in my heart

Napatingin sya saakin at nakita kong nawala din ang ngiti nya ng mag-kaharap kami.

But he doesn't felt the same way

Formula Of Love •KTHWhere stories live. Discover now