CHAPTER 17

16 1 0
                                    

CHAPTER 17:
"AMUSEMENT PARK"


BANDANG alas singko na sila nakauwi, nakapag paalam na sila at nagpasalamat sa mag asawang sina Jacqueline at Jacob. Binigyan sila ng pagkain pauwi dahil wala naman daw kakain sa kanila ng pagkain nasasayang at itinatapon lang nila. Sina Jerico at Andrea ay sabay na silang umuwi dahil iisa lang naman ang ruta nila at sinadya talaga nila na iwan si Shaniqua para si Jacques ang maghatid sa kanya. Wala tuloy magawa si Shaniqua kundi sumama nalang kay Jacques. Pinasakay siya ni Jacques sa kanyang sports car hindi niya akalain na may sariling sasakyan pala ito.

"May sasakyan ka pala?" tanong ni Shaniqua sabay sakay sa loob ng kotse.

"Oo regalo sa akin ito ni Dad nung akoy grumaduate ng Senior High School." sabi ni Jacques habang nag-uumpisa na siya mag-maneho.

"Ohhh, sana all. Nahihiya na ako sa mayaman parang kinakain na ako ng kahirapan. Hahaha." napatawa din si Jacques.

"Alam mo hindi ko talaga gusto magkaroon ng kotse, pero si Dad kasi wala ako magagawa pero I like it."

"Kunwari ka pa eh tutal gustong gusto mo nga eh. Anyway thank you very much. I like your family. Nakita ko yung way ng pagmamahal nila sa akin. Nakita ko kung paano nila ako itrato bilang isang anak. Anak nga tawag sa akin ni Tita Jacqueline."

"Mabait talaga si mommy kahit kanino. Kahit yung katulong namin tinuturing niyang pamilya, kung nakikitao.si Manang Kusing, itinuring ni Mommy bilang isang ina. Kahit si Daddy mabait din siya pero medyo strikto lang."

Patuloy pa din siya nagmamaneho at nagtataka sj Shaniqua bakit parang iba ang ruta nilang pinuntahan. Itinigil ang sasakyan at ipinarada sa parking lot ng amusement park.

"Bakita tayo nandito? Akala ko ihahatid mo ako sa amin? "

"Wala lang I just want to spend more time with you bilang isang kaibigan."

Nagtataka siya bakit sa tuwing sinasabi ni Jacques na bilang isang kaibigan ay may epekto sa kanya. Parang may kumirot ng konti sa puso niya. Mga ngiti ni Jacques ay may epekto din sa kanya, simpleng tawag sa kanya may epekto din ito sa kanya.

'Totoong in love na ba ako sa kanya?' Sabi ng kanyang isipan.

"Shaniqua Latisha Ezra, bakit ang ganda ng name mo napaka unique." nagiikot ikot silang dalawa sa amusement park habang nag kekwentuhan sila.

"Ewan ko nga ba sa magulang ko kung bakit kakaiba pangalan ko. Actually ang daming nahihirapan sa pangalan ko, palibhasa yung pangalan ko pang American pronunciation. Ikaw nga eh yung name mo Jacques nung una nahihirapan ako na ipronounce kasi 'Jacwes' ang basa ko dapat pala 'Jack' I try to search it yun pala ang correct pronunciation. Bakit nga pala kayo puro J ang pangalan?"

"Mom and Dad, gusto nila na gawin ding J ang pangalan ko noong una Jacob dapat ipapangalan sa akin ni Dad, kaso si Mommy ayaw niya daw ang gusto niya ipangalan sa akin ay Jacques na galing sa pangalan niyang Jacqueline."

"Wow ang cute, my dad said kaya ginawa niyang Shaniqua dahil may SH siyang name kundi Sherwin."

"Maganda ang iyong pangalan maganda pa ang mukha. Your suits you dahil unique ka." sabat ni Jacques. Biglang nag-init ang pisngi ni Shaniqua sa sinabi ni Jacques. Biglang pumasok sa kanyang isipan na hinalikan siya bigla ni Jacques. Nagkaboyfriend siya pero hindi niya naranasan na halikan siya kundi si Jacques lang ang una.

Tumigil sila sa nagtitinda ng cotton candy, nilibre siya ni Jacques. Ang ginawa ng tindero sa cotton candy ay hugis puso at iniabot ito sa kanya.

"Magnobya ba kayong dalawa?" tanong ng tindero.

YOU ARE THE ONE (On-going)Where stories live. Discover now