CHAPTER 13

17 2 1
                                    

CHAPTER 13:
"ULAM"

NAKATAPOS na si Shaniqua magbasa. Umunat siya ng konti at simple siyang lumingon at wala sa tabi niya si Jacques.

"Nasaan na ang lalaking iyon. Masyado na ata ako nababad sa pag-aaral." Sabi niya sa kanyang sarili at ang kanyang mga katawan ay naglalagutukan.

Tumayo siya at nilapitan niya si Jerico.

"Ahmm Jerico hindi mo ba napapansin si Jacques?"

"Hindi eh, nag-aaral kasi ako kaya hindi ko napansin. Baka nasa labas labas lang iyon."

"Ahhh ganun ba sige." bumalik na siya sa kanyang upuan. Kinuha niya phone niya. Sa isip-isip niya ay tatawagan ba niya ang binata o hindi na?

Nagtataka siya sa sarili niya kung bakit ba kailangan isipin ang lalaki eh wala naman sila.

"Bakit ko nga ba siya iniisip eh wala naman ako paki sa kanya. Tsaka' malaki na iyon." maktol niya sa sarili.

Lalabas sana siya ng classroom ngunit napatama ang kanyang noo sa katawan ng isang tao.

"Shutang Ina. Ang sakit non ah."

"Shaniqua?"

"Jac-jacques?"

'sheet nakakahiya nag mura ako huhuhu.'

"So-sorry " iniiwasan siya ni Jacques pero sa talas ng kanyang mata ay napansin niya ang bangas sa mukha ni Jacques.

"Ano yan?" tanong ni Shaniqua habang hinahawakan niya ang mukha ni Jacques.

"Ano iyan?" padalawang tanong na ni Shaniqua pero hindi pa rin siya sinasagot.

"Ano nga sabi iyan?" tanong ni Shaniqua na pagalit.

"Ahhhh wala ito sugat lang ito nadapa ako kanina eh."

'Sinungaling' Sabi ng kanyang isipan.


LUMABAS NA SIYA ng gym at dumeretso siya sa Comfort Room for boys. Humarap siya sa salamin at napansin niya na may sugat siya sa mukha sa bandang mata pa. Hinawakan niya pero masakit.

"That bastard is so bullshit." gigil niyang pagkasabi sa harap ng salamin at mabilis niyang binago ang kanyang emosyon dahil may pumasok sa dalawang lalaki. Lumabas na siya ng CR at inayos niya ang kanyang sarili.

Nang nasa room na siya, pagkapasok niya ay may bumangga sa katawan niya.

"Shutang Ina" boses ni Shaniqua iyon.

"Shaniqua?"

'Tama ba naririnig ko? Nagmura ba siya?'

"Jac-jacques."

Kita ni Jacques na namumula si Shaniqua.

"So-sorry." iniwasan niya si Shaniqua at ayaw niya ipakita sa dalaga ang kanyang bangas.

'Please don't look at my face.'

"Ano yan? tanong ni Shaniqua na nakakunot ang noo habang hinahawakan ni Shaniqua mukha niya.

Malakas ang tibok ng puso niya nang inilapit ang mukha nito sa kanya.

"Ano iyan?" padalawang tanong na ito sa kanya.

'Should I tell her? Ayaw ko baka magalit siya.'

"Ano nga sabi iyan?" tanong ni Shaniqua sa kanya at pagalit ang dating.

"Ahhhh wala ito sugat lang ito nadapa ako kanina eh." pagsisinungaling niya kay Shaniqua at hindi mapakali sa kanyang mga kinikilos.

"Sa tingin mo madadapa ka ng ganyang kapasa iyang nasa mukha mo?"

YOU ARE THE ONE (On-going)Where stories live. Discover now