CHAPTER 6

17 6 4
                                    


CHAPTER 6
"THOUGHTFUL FRIEND"

NASA clinic silang tatlo upang igamot agad si Jerico dahil ang daming mga sugat sa katawan, puro pasa at galos ng dahil ni Jerimiah. Iniwan muna ni Shaniqua sina Jacques at Jerico sa clinic dahil pupuntahan niya kaibigan niya sa Building ng HM. Baka kung anong mangyari kay Andrea dahil sa insidente kanina. Ayaw niya na mapahamak ang kaibigan sa isang gulo. Maya-maya ay kasama na niya si Andrea, ikinuwento niya lahat ng nangyari kay Jerico. Hindi makapaniwala si Andrea sa mga naikuwento ni Shaniqua.

"Friend, mag-iingat ka kina Jerimiah. Hindi ka ba natatakot sa mga iyan. Pamilyang matapobre yan. Gagamitin nila pera nila para malinis ang kanilang mga kasalanan." aniya ni Andrea

"I know. Wala akong pake kahit idamay nila ako basta ikaw, hindi maaari saktan ka nila. Mahal na mahal kita my friend. " bilin ito ni Shaniqua sa kaibigan.

"Yieeee. Iloveyouuu sisss!" sabay yakao nito.

Bumalik na sila sa Clinic at nakita niya si Jacques na todo asikaso sa kaibigan.

'Very thoughtful friend siya ni Jerico.'

Nakatitig lang siya Kay Jacques sa mga kilos nito. Napatigil sa pagtitig si Shaniqua ng lumingon ito sa kanya. Her chicks getting red. Ramdam na ramdam niya ang init ng pisngi niya.

'Self, control yourself. Remember what you did last time. Shessshh. Bakit kasi ang lakas ng tama ko dito sa lalaking ito. Di naman ako ganito Kay Jerimiah ah.'

Nang tumingin si Jacques sa kanya ay agad siya nag iwas ng tingin at kunwari ay kinakausap niya si Andrea. Pero ang mata ay simple niyang tinitingnan ang lalaki kung ito'y nakatingin. Ngunit nakatingin sa kanya na may halong ngiti.

Pumasok na silang dalawa at tinanong nila kung kamusta na si Jerico at ayun naman ay pwede na makauwi. Ayus na ang kalagayan nito at napag isip isip ni Shaniqua mangyayari bukas sa Guidance office dahil nalaman ng nurse ang nangyari at malamang ay irereport niya ito kay Ms. Suriquez at kay Dean Anderson.

Lumabas na silang lahat dahil kaya na ni Jerico. Ang kanyang mga sugat ay nagamot na ni Nurse Jenny at malamang bukas ay magiging okay na.

Katabi niya si Andrea at binubulungan siya tungkol sa lalaki.

"Sis, bakit kasama natin sa pogi na iyon? Nanliligaw na ba sa iyo teh?" bulong ng kaibigan habang inaakit niya ito sa lalaki.

"Ano ka ba tumahimik ka nga nakakahiya ka. Mamaya lapitan tayo ng lukong iyan. Wala ako gusto sa kanya at hindi siya nanliligaw duh Study First

"Huwag ako sis, mga study first ka diyan halos noon nga patay na patay ka sa ex mo eh."

"Tsss, tapos na iyon wala na ako pake." biglang nagbago mood niya dahil sa sinabi ni Andrea

Totoo ang sinabi ni Andrea, patay na patay siya ex niya pero dati iyon ngayon ay hindi na. Ayaw na niya maulit ang nakaraan na dapat niyang ibaon sa lupa dahil paulit ulit nalang bumabalik sa kanyang isipan kung gaano niya kamahal si James noong panahong nagmamahalan sila.

"Ahmmm sis, Tara NM (night Market)." pagyaya ni Andrea sa kanya.

"Okay G, tara?" sagot naman ni Shaniqua.

YOU ARE THE ONE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon