CHAPTER 11

18 2 0
                                    

CHAPTER 11:
"I WILL ZIP MY MOUTH

TUMINGIN si Shaniqua sa kanyang relong pambisig. Iniisip niya na mapagalitan siya ni Sir Paul dahil mahigpit siya lalo na sa mga late. Malayo kasi ang kanilang Comfort Room sa 1st floor pa dahil 3rd floor sila. Paspas na siyang umakyat at tumakbo nalang siya ng mabilis. Nadinig niya sa labas ng pintuan na nag check na ng attendance si Sir Paul.

"Ms. Ezra." dinig niya sa kinaroroonan.

"Ms. Ezra?" ulit ni Sir Paul

"Sir Present." hingal na pagkasabi niya sa bandang pintuan.

"Where have you been?" seryosong tanong sa kanya ni Sir. Kinakabahan siya dahil baka siya ay hindi papasukin.

'Ano idadahilan ko?'

"Ahhmm sir sorry galing po ako sa Comfort Room, It's a girly Thing Po. "

Matagal bago sumagot sinSir at pinipigilan ni Shaniqua ang kanyang pagkahingal baka mapagkamalan na nagsisisnungaling siya.

"Okay, you may take your sit." Sabi ni Sir Paul at ibinalik ang attention sa pagchecheck mg attendance.

"Thank you sir." paspas siya umupo kung saan nakapwesto ang upuan.

"Saan ka galing?" tanong ni Jacques sa kanya.

"Sa CR." mabilis niyang sagot.

"Ahh" tipid naman ni Jacques.

"Muntik na ako mapagalitan at maabsent." bulong nito sa kanyang sarili.

Pinapaypay niya ang kanyang sarili dahil tagaktak ng pawis.

'Ang tagal kasi lumabas mga bruhindang iyon.'

Habang pinapaypay niya ang kanyang sarili. Napansin niya si Jacques ay nakatitig sa kanya.

'Problema mo?' iniwasan nalang niya baka mapahiya siya.

"Mr. Johannes baka naman matunaw si Shaniqua sa kakatitig mo"

"Yieeeeee " sigaw ng karamihan.

Nakaramdam ng hiya sl Shaniqua at nag-init ang kanyang mga pisngi. Napa-ubo si Jacques at inayos ang sarili. Ang mga babae panay tili na kala mo naman ay sinisilihan ang singit.

Napatingin siya Kay Jerico sa 2nd row at simple siyang inaasar.

"What." bulong ni Shaniqua Kay Jacques. Tinawanan lang siya at ibinalik ang kanyang attention sa kanyang ginagawa.

Hindi siya makalingon Kay Jacques baka iba na ang mangyari sa kanya.

Nagturo ng konti si Sir Paul at maaga sila pinadissmiss dahil may gaganaping meeting ang mga professors regarding sa activities na gagawin this Month.

BANDANG alas kuwatro na kaya oras na para umuwi. Sabay na silang lahat lumabas ng classroom. Nauna na si Shaniqua sa kanya dahil may ibang gagawin daw siya kaya no choice si Jacques kundi hayaan nalang. Paalis na siya sana ng bigla siyang pinatawag ni Coach Andrie Felix dahil may ipapagawa sa kanya upang makapasa sa pagiging basketball player. Nang nasa court na siya nakita niya coach niya. Pinagbihis siya ng pang practice na damit at buti nalang may dala extrang jersey. Dala niya short, jersey at shoes na pang basketball talaga.

YOU ARE THE ONE (On-going)Where stories live. Discover now