CHAPTER 7

25 5 9
                                    

CHAPTER 7:
"BAWAL MUNA"

TINANGHALI ng gising si Shaniqua dahil sa kakaiyak niya. Martes ngayon kaya iba naman ang schedule niya ngayong araw. May klase siya ng 8:00 am sa first period nila. Bumangon na agad siya at dumeretso na siya sa banyo para maligo. Pagkatapos ay lumabas na siya ng banyo at nagbihis. Konting pulbos lang at liptint pero maganda pa din siya.

Maya-maya ay lumabas na ng kwarto at nadatnan niya ang kanyang nanay pati si Daniel na boyfriend ng kanyang mommy . Naglalampungan ang dalawa habang hinahawakan sa puson ng Ina. Biglang kumalas pareho dahil nakita sila ni Shaniqua.

"Oh anak gising ka na pala. Akala ko 'di papasok Kasi late ka na sa school mo. Kumain ka na muna dito anak."

"Hindi na po. Malelate na ako sa school. " sabay Mano niya sa nanay niya at sinamaan niya tingin si Daniel.

"Ingat ka Shaniqua." Bilin ni Daniel. Sabay abot ng pera sa kanya. Tinanggap naman niya ito para may pambaon.

Pagkababa niya sa hagdan ay narinig niya magulang niya nag lalampungan. Rinig na rinig ng kabitbahay ang harutan. Binalewala na lang niya at pumara siya ng tricycle papunta paaralan.

Saktong nasa school na siya buti nalang madami pang estudyante. Tumingin sa relong pambisig para malaman ang oras. 6:20am. Maaga pa iyon kaya dumaan muna siya ng canteen upang bumili ng pang almusal niya. Ayaw niya kasi sumabay ng almusal sa kanyang ina habang kasama ang lalaki. Dahil tingin sa kanya ng lalaki ay parang minamanyak siya. Lagi siyang hinahawakan sa kamay kapag nag bibigay ito ng pera.

Habang kumakain siya pumasok bigla sa isipan daddy niya. Namimiss na niya daddy niya. Gusto na niya pauwiin ang daddy niya kaso nakakontrata ito na pang 5 years. Two years palang nandon daddy niya sa Dubai kaya matagal tagal pa niya ito makakasama.

Tapos na siya kumain at dumeretso na siya sa Scinatics Building na kung saan nandon ang Section Astronomy.

Nasa building na siya at umakyat siya sa hagdan patungong second floor. Narinig niya na may tumatawag sa kanya. Ang boses na iyon ay baratino. Lumingon siya at si Jacques iyon, si Mr. Weird smile Nakangiti ito sa kanya habang naglakad ito papalapit. She saw a blooming places with sparkling fireworks. Para siyang Modelo kung tingnan. Ang kilos ay napakatikas.

"Hi Shaniqua good morning. "

"Hi-hi Good morning."

Patuloy lang sila naglakad hanggang sa nakarating sa room. Nauna si Jacques at inilahad niya kamay upang paunahin muna pumasok sa loob ng room. Ladies First kung tawagin.

Tumango lang si Shaniqua ngunit may halong lakas ng tibok ng puso. Pinatigil niya muna saglit at baka mahimatay siya ng wala sa oras.

Pag-upo nilang dalawa ay kinausap siya ni Jacques.

Nagkwentuhan silang dalawa at panay oo lang siya.

'Ang daldal nito. Grabe.'

"Siya nga pala Jacques. Anong nangyari kay Jerico? Nasaan nga pala siya?" Nilibot nila pareho ang buong classroom ngunit wala pa si Jerico.

"Baka mamaya pa madating yun siguro." Sabi ni Jacques.

"Si Jerico iyon diba?" turo ni Shaniqua sa labas ng classrooom. Nakita nila si Jerico kausap si Ma'am Suriquez.

Nagkatinginan ang dalawa dahil sa nangyari kahapon. Nakatingin si Jerico sa kanilang dalawa na may halong takot at lungkot sa mukha. Umalis na si Ma'am Suriquez. Agad naman nila nilapitan si Jerico.

"Jerico, ayos ka lang ba?" tanong agad ni Jacques sa kaibigan.

"Shaniqua, Jacques natatakot ako. Natatakot ako na kapag inamin ko sa kanila nangyari kahapon kahit wala ako kasalanan baka kung anong balak gawin sa akin ni Jerimiah. Iba siya magalit. Hindi niya ako tatantanan hangga't hindi niya ako nakikitang lumpo." nangingiyak na pagkasabi ni Jerico.

YOU ARE THE ONE (On-going)Where stories live. Discover now