"Po? Hindi pa po ay este hindi po manong." nagkamali si Shaniqua sa sinabi niya.

"Babalakin ko sana."

"Ha?" then her cheeks turns to red.

"Abah siya nga, Tama iyan iho. Bagay kayong dalawa, mukha kayong foreigner."

"Hehe thank you po manong." umalis na silang dalawa at ningitian sila ng tindero.

"Bagay daw tayo sabi ni Manong. Hindi pa po sabi mo may gusto ka ba sa akin?"

"Ha? Hindi ah wala ako sinabing ganun. Nabingi ka ata." namumula na pisngi niya. Nasa unahan na niya si Jacques para tumigil sa paglalakad.

"Magsabi ka nang totoo kung hindi hahalikan kita." Her heart suddenly beat and her eyes is on Jacques. Babago lang sila magkakilala ay araw araw na siya nilalandi ni Jacques.

"Ang landi mo alis." Hindi na niya kinaya ang pagtitig niya kay Jacques at baka nakawan ulit siya ng halik.

"Ahhh gusto mo ng halik ah, sandali." inayos niya ang sintas ng sapatos at simple na bebwelo upang habulin si Shaniqua.

"Jacques masasapak kita, Isa!"

"Hindi hahalikan talaga kita, kahit ito ay crime."

"Dalawa!"

"Wait ayusin ko lang sintas ko. Maghintay ka lang."

"Jacques tumigil ka, ahhhh!" tumakbo siya dahil hinahabol siya ni Jacques para halikan siya. Inikot nilang dalawa ang buong amusement park. Nakarating silang dalawa sa fountain na kung saan hinablot niya ito si Shaniqua upang buhatin. Hawak ni Jacques ang tiyan ni Shaniqua na siyang nagsisilbing pagbuhat at umikot habang si Shaniqua nakakapit sa braso ni Jacques.

Masayang masaya sila pareho, halos nabasa na sila sa may Fountain. Ang mga ngiti nila ay tilang bumubuo ng storya nilang dalawa. Tila mga ngiti nila ay daig nila ang bituin na kumikinang sa kilig. Tawa at kakulitan nilang dalawa ay siyang nagbibigay sa kanila ng magandang storya.

NAKAUPO si Shaniqua sa lamesang bato habang inaayos ang kanyang sarili. Bumili si Jacques ng tissue para ipahid at punasan ang mga basa sa kanilang mga damit. Umuwi na din sila dahil kailangan na nilang umuwi. Nasa tapat na sila ng bahay na kung saan nakatira si Shaniqua.

"Jacques salamat ha. Thank you for making me happy again." pasalamat ito ni Shaniqua kay Jacques at sabay hinalikan ito sa pisngi. Ito ang pagkakataon niyang gawin kay Jacques dahil ang paghalik na iyon ay isang pasasalamat.

Iniwan na niya si Jacques sa labas ng bahay nila at isinara na niya ang gate. Napasandal siya sa gate at hinawakan niya dibdib niya na malakas ang kabog ng kanyang puso. Hindi mawala ngiti sa labi simula ng nakilala niya si Jacques.

Pumasok na siya ng kwarto at dumeretso siya sa kanyang study table. Kinuha niya ang kanyang secret notebook at doon niya sinusulat ang mga nangyayari sa kanyang buhay.

'Handa na ba ako iharap ang definition of love?'

Habang nakatulala sa kisame hindi mawala wala sa kanyang isipan na nangyari sa kanilang dalawa ni Jacques. Buong araw niya nababalutan na ng saya at isa pa mas nakakahiya ang kanyang ginawa nung hinalikan niya si Jacques sa pisngi.

Tumunog ang phone niya at mukhang may text iyon.

JACQUES
- Hey I just arrived at home ( ◜‿◝ )♡

SHANIQUA
-Okay thank you again ෆ╹ .̮ ╹ෆ

JACQUES
- Goodnight ('ε` )

SHANIQUA
- Yeh good night.

YOU ARE THE ONE (On-going)Where stories live. Discover now