Lagi naman akong wala sa bahay buong araw kasi bukod sa pagiging racer may mga shop akong pinapatakbo at mina-manage na connected din sa pagiging racer ko, like a car and motorcycle parts, the gears and many more kaya solo niya ang bahay. But lagi ko naman pinapadaanan kina Colt ang bahay ko para i-check siya.

"I-i-i was..." Sabi niya at bahagyang iniwas saaken ang tingin kaya nag-antay pa ako ng sasabihin niya. "Nadagdagan lang ang hiya ko" mahinang sabi niya na halos pabulong na nga pero narinig ko pa rin.

"Diba sabi ko sa'yo–"

"Yes! The hell you always says that I shouldn't be shy but... I'm just hiding my shame by being grumpy all the time in front of you but, I'm really ashamed because everything you do is for my own good, to make me feel comfortable in your house and here it is... I'm really humiliated right now" sabi niya at  bigla na lang namula lahat ng mukha niya bago siya tumalikod saaken para itago 'yon.

Tatawa sana ako kaso baka mas lalong mahiya at mainis din saaken kaya pinisil ko ang ilong ko at naitikom ko muna ang dalawa kong bibig para pigilan ngumiti bago ako nagsalita.

"Nasobrahan ba ako sa bait?" Pabiro kong tanong sakanya.

"Yes! And it's killing me" sabi niya habang nakatalikod pa rin saaken kaya hindi ko maitago ang ngiti ko sa labi.

"What should I do, then?" Tanong ko sakanya.

"Why are you asking me? I don't know what to do neither" sabi niya bago humarap saaken at seryosi na ulit ang mukha niya bago ako inirapan at naunang naglakad kaya natawa ako bago sumunod sakanya sa paglalakad. "If I could buy a condo, I literally live there. Aishh" rinig kong bulong niya.

"Do I make you feel uncomfortable?" Tanong ko sakanya habang nasa likod niya ako.

Hindi niya naman ako sinagot at nagpatuloy lang sa paglalakad kaya napakamot na lang ako sa batok.

Ano gagawin ko?

"Hindi... Hindi lang talaga ako sanay na may taong may pakialam saaken" rinig kong sabi niya sa mahinang boses.

Huminto naman kami pareho ng makarating kami sa harap ng pintuan ng dressing room bago ko siya hinarap.

"If you feel uncomfortable staying at my house, pwede kitang kuhanan ng condo–"

"Why?" Putol niya sa sasabihin ko kaya medyo nagulat ako dahil bigla din siyang lumapit saaken kaya napatingin ako sa paligid dahil medyo napatingin saamen ang ilang staff.

"Why?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

Pasimple din siyang tumingin sa paligid namen bago bumuntong hininga at tinignan ako ng masama.

"Stop being nice to me!" Medyo naiirita niyang sabi kaya kumunot ang dalawa kong noo at nagtataka pa rin siyang tinignan.

Hindi ko maintindihan ang babaeng 'to jusme.

"Why? Bakit? Ano ba ginawa ko sa'yo?" Tanong ko.

"You're making me crazy! Aish! Bakit mo ko kukuhanan ng condo? I can do it myself but I just can't ok" frustrated niyang sabi kaya napahilot naman ako sa sintido ko ng wala sa oras.

Hindi ko alam kung baliw ba ang isang 'to o ano, pero jusme! Matigas din ang ulo neto.

"Sabi mo nahihiya ka? And you're uncomfortable–"

"That's it! 'wag mo na dagdagan ang nararamdaman kong hiya... please lang. Kaya kong solusyunan 'to" sabi niya at pulang-pula na ang mukha niya ngayon na parang gusto na magpalamon sa pader sa likod niya.

O-k?

Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang akong tinawag nung isa sa mga staff kaya pareho kaming napatingin sakanya.

"We'll begin after three minutes, sir" sabi niya kaya tinanguan ko siya at ibinalik ang tingin kay Brielle.

"We'll talk later, tara–"

"Maghihintay na lang ako dito sa loob–"

"Dave is here, he can go inside this room anytime he wants. So mas maganda ng sumama ka na saaken sa loob" putol ko din sa sasabihin niya at sinuot sa ulo niya ang suot kong sumbrero at lumingo sa dinaanan namen kanina. "Asan na kaya 'yon?" Bulong ko sa sarili.

"Huh?" Rinig kong tanong niya saakne kaya tinignan ko ulit siya.

"Ahh may inaantay kasi akong dumating, malapit na 'yon. Sandali lang ah" sabi ko at nagpalinga-linga ulit sa paligid hanggang sa makita ko ng ang blonde niyang buhok kaya itinaas ko ang kanan kong kamay para makita niya ako.

"Hey! Pasensya na at nataglan" Nakangiti niyang sabi saaken ng huminto siya sa harapan namen. "Siya ba 'yon?" Tanong niya sabay tingin kay Brielle.

"Yup. Brielle, this is Yvonne Monreal, my friend. Yvonne this is, Brielle" pakilala ko sakanilang dalawa sa isa't isa at nakipagkamay naman sakanya si Yvonne.

"Hi! Hindi mo sinabi na ganito ang mga type mo" pang-aasar niya saaken at tinawanan ako kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Nasaan si Vanessa?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nasa loob na raw, kaya tara na" sabi niya at biglang nilapitan si Brielle at inakbayan. "Ang bango ahh, amoy baby" sabi niya at nilingon ako kaya pinandilatan ko ulit siya ng mata.

"Lumayo ka nga sakanya–"

"Hep! Hep! Hep!" Pigil niya saaken at huminto muna sa paglalakad at iniharang niya ang katawan niya kay Brielle kaya sinakaan ko siya ng tingin. "Maraming tao, makontento ka na sa ganyang distansya, ako na bahala sakanya" sabi niya sa malumanay na boses.

"Umayos ka, gugulpihin kita kapag may ginawa kang masama jan kay, twenty nine" banta ko sakanya.

Eto kasing babaeng 'to hindi ko malaman kung babae pa ba o lalake na, jusme.

"Twenty nine?" Nagtataka niya tanong.

Inikot ko naman ang mga mata ko at nilagpasan silang dalawa. "Ibalik mo siya saaken mamaya" sabi ko sakanya at kumaway ng patalikod sakanila.

Nagpumilit silang dalawa ni Vanessa na sumahan si Brielle, dahil gusto din daw nila makita. Tch.

Nagsimula ang show at masyadong seryoso ang paligid lalo na nung pumasok si Dave at umupo ng 'di kalayuan sa pwesto ko. Napapatingin din ako sa pwesto kung saan nakaupo sina Brielle at mabuti na lang at dinadaldal siya nung dalawa at hindi masyado natutuon ang tingin saamen.

Patapos na ang segment nang sa huling pagkakataon ay nagkatinginan kami ni Dave, at kitang-kita ko ang ngisi sa mga labi niya.

Mukha ng may mga masamang balak.

Race Of LoveWhere stories live. Discover now