"Para kasing tanga, eh! Kung anu-ano naririnig mo!" inis na sabi ni Thunder.

"Narinig mo rin naman 'di ba? Tsaka bakit namumutla ka? It's just a cat!"

"Ewan ko sa'yo! Murahin kita,eh," inis na sagot ni Thunder. "Tara na. Baka kung ano pang marinig mo ulit. Mahuhuli pa tayo, eh."

Mabilis muling tumakbo ang dalawa papunta sa kwarto ni Ariston. Hindi na kumatok pa si Thunder at pagpihit niya ng door knob ay kusang bumukas ang pinto. Bumungad kaagad sa kanila si Lucas na nakasalampak sa sahig sa gilid ng kama, may hawak na baso at kaharap ang laptop. At kahit may problema ay tuloy pa rin ang talpakan.

Katabi naman ni Lucas si Perry na pinapanood naman ang ginagawa ni Lucas. At sa gitnang lamesa ay nakapatong ang isang bote ng mamahaling whiskey.

Sa isang gilid naman ng kwarto ay naroon sila Eli, Beau at Patrick. Sa harapan ni Beau ay ang napakaraming pagkain at ang naiwang bukas na ref ni Ariston. Nagkalat rin ang balot ng mga chichirya sa sahig. Bukas din ang ilang cabinet ni Ariston kung saan may mga nakatagong pagkain. Iilan lang silang nandoon, at halos wala pa silang kalahating oras, pero para ng dinaanan ng bagyo ang kwarto.

"Where is Ariston?" tanong ni Thiago sa mga naroon.

"Hindi ko rin alam, paps. Si Eli ang nagbukas ng kwarto eh," sagot ni Lucas.

"Maybe he's with Deyanne. You know..." sabat naman ni Eli na iniikot-ikot ang laman ng baso na hawak.

"Baka pumi-first base na," sabat naman ni Beau sabay subo ng chicharon na isinawsaw niya sa sukang pinakurat na puno ng sili. Sinundan iyon ng tawanan ng lahat maliban kay Perry na inambahan pa si Beau na babatuhin ng baso.

"He'll not do that. He is such a gentle man," komento ni Perry.

"Whatever," sabi ni Thiago. "Ang mahalaga ngayon, safe ang e-sabong at safe tayo."

"Oo nga,paps. Saan mo ba narinig 'yong tungkol sa raid?" tanong ni Lucas.

Hindi naman kaagad sumagot si Thunder. Kumuha ito ng baso at nilagyan iyon ng whiskey. Iniabot niya iyon kay Thiago at pagkatapos ay kumukha siya ng sa kanya.

"Some members of our fraternity study here as well. And they are aware of everything that's happening here. Hanggang nabanggit nila iyong tungkol sa raid na gagawin ng SSG sa e-sabong. I asked them about the intel, pero hindi ko sinabi na involve tayo doon." sabi ni Thunder. "Kaya don't worry. Hindi tayo mahuhuli. Unless, may kumantang isa mula sa grupong ito."

Natahimik ang buong kwarto at nagkatinginan ang bawat isang naroon. At pagkatapos ay sumabog ang isang malakas na tawanan.

"As if, someone here will do that," sabi ni Patrick na isang bote ng beer naman ang hawak.

"True," pagsang-ayon ni Perry. "Kapag nalaglag ang isa sa atin dito, malamang damay damay na."

Napabuntong hininga si Thiago. Umupo siya sa isang upuang sabay inom sa hawak na baso. "One for all, all for one, huh?" mahina niyang sabi.

"Yup! One for all, all for one!" sigaw ni Thunder sabay taas ng baso na sinagot naman ng lahat ng naroon ng malakas na pagsigaw at pagtaas din ng kani-kanilang mga baso.

Na sinundan naman ng biglang pagbukas ng pintuan.

Napalingon ang lahat sa pintuan. Natigilan ang lahat ng nasa kwarto habang nakataas pa rin ang mga kamay na may hawak na baso ng alak. Si Lucas ay mabilis na isinara ang laptop at itinulak iyon sa ilalim ng kama. At bakas sa namutlang mga mukha nila ang kaba.

"What the... what are you guys doing here?" tanging naitanong ni Ariston. Mabuti na lang at siya lang pala ang nagbukas ng pinto. Nakahinga ng maluwag ang lahat. Mabilis naman na tumayo si Thunder at isinara ang pinto ng kwarto.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Where stories live. Discover now