Dahan dahan kong naramdaman na nananinigas na sa kaba ang buong katawan ko.

Bumalik kaya ako sa taong 1893? o panaginip lang ito?

Agad akong napabangon at napatayo wala sa wisyo nang biglang bumukas ang pinto.
Isa-isa kong naramdaman ang pagtibok ng puso ko sa hindi alam na paraan. Unti-unti ko itong nakikitang bumubukas at tumambad sakin ay isang babae.

"Magandang umaga po binibini, paumanhin po kung na bigla po kayo sa akin pero naghihintay na po sila sa labas"aniya

Marahan naman akong napatango sa kanya at tatanongin ko pa sana siya nang tumalikod na siya at umalis.

Tss

"Aaaaaarffh!"

Agad namang lumapit sakin si Bogart nang tumayo na ako. Namiss niya talaga ako at kilala niya parin ako. Lalabas na sana ako nang mahagilap ng mata ko ang isang puting papel na naksabit sa pinto. May nakasulat dito pero bakit naka...

————————————————
랍 마리고 카 모나 하? 나사 라밧 랑 아크, 사 다이닝 카랑 보몬타 알아써?
- 세코
————————————————

Isa isa namang kumunot ang noo ko dahil sa nakaukit sa papel na hindi naman maintindihan. Mahilig ako sa Korean Foods kaya palagi kong kinakain Ramen sa taon ko. Marunong naman ako magbasa ng hangul pero ito ay di ko masyadong gets!

Parang wala sa grammar lahat ng nakasulat dito. Ulit kong binasa at....
Agad naman lumaki ang mata ko nang mabasa ko ulit lahat.

Love maligo ka muna ha? Nasa labas lang ako sa dining kalang pumunta arrasseo?
- Seco

Seco?

Hindi ko alam kung matatawa ako o iiyak dahil tama nga hinala ko. Nandito nga siya pero wala talaga sa grammar yung hangul dahil naka hangul ito pero nakatagalog naman. Dahan dahan ko namang naramdaman na napangisi ako dahil sa simpleng sulat niya. Nandito si Dust, makikita ko na ulit siya?

Parang kinakabahan ako sa iniisip ko.

NANDITO NGA BA SI DUST?

Parang hindi ako makapaniwala. Ilang minuto pa akong tulala bago ko napagisipang tumayo na.

Pumunta nalang ako ng cr dito at tsaka naligo na at pagkatapos ay may nakita din akong damit sa kama. Sino kaya naglagay niyan dito?

Isang simple lavender dress ang sinuot ko at sinuot ko din ang sandal na nasa kama. Nag-ayos din ako sa salamin habang inaalala ang ginawang makeup sakin ni Dust. Dito din yun nangyari. Sinusuklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Bagay din pala sakin ang ganitong klaseng damit? napangisi nalang ako sa iniisip ko.

Pagkatapos ay lumabas na ako, kabisado ko pa ang hallway papuntang labas kaya naging madali para sakin papunta roon. Hindi ko rin maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko parang naghahalo-halo na lahat. Hindi ko rin maiwasan mapatingin sa mga palad kong kanina pa nanginginig sa kaba. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kung makikita ko siya ulit.

Hindi sa kalayuan ay naririnig ko na ang mga boses na pamilyar sa akin. Habang lumalapit ako ay domodoble ang kabang nararamdaman ko. Kanina pa ako nakangiti at hindi ko rin alam kung bakit. Dahil ba na makikita ko na siya? Hindi ko din alam. Hindi ko alam kung anong gagawin kapag makita ko ulit siya.

Malapit na ako sa dining room at naririnig ko na ang boses ng isang babae na pamilyar sa akin.

"Napakanda ng umaga kay ganda mo din Ija, ikaw lang ba mag-isa ang pumunta rito?" aniya ng boses ng isang matandang lalaki.

NERD SPARKS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon