Chapter 13: Group Chat Confession

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos ng opening ceremony, dinala na kami sa room kung saan ang waiting area habang hindi pa kami mag-perform. Dahil malas ako sa bunutan, hindi ako ang bumunot. Second to the last ang group namin. Kami na lang ng mga kasama ko at representatives galing sa iba’t-ibang school ang nandoon dahil hindi naman namin kasama ang mga mentor namin. Bawal din nilang panoorin ang performance namin kaya sa hiwalay sila ng room sa amin.

Tahimik lang ako pero kapag kinakausap ako ng mga kasama ko, kinakausap ko agad sila. Napapangiti na lang ako kapag pinapalakas nila ang loob ng isa’t-isa. May ibang representatives na maiingay din kaya ’yong ibang friendly, kinakausap kami.

Ilang sandali pa, apat na grupo na ang lumabas ng room. Inabot na kami ng lunch break. Binisita kami ng mentor namin at pinilit kaming bumaba kahit ayaw namin kumain. Binigyan niya kami ng pera at bumili raw kami sa canteen.

“Parang ’di ko feel kumain, ate. Kinakabahan ako,” sabi ni Angel sa akin.

Napailing ako. “Kumain pa rin tayo. Baka matagalan pa. Marami pang group ang hindi pa tapos kaya baka abutin tayo ng hapon.”

Pinauna ko na silang bumaba sa hagdan. Kasabay namins ang ilang estudyante sa school dahil break time din nila. Pagkarating namin sa canteen, maraming tao. Pinapili ko na lang sila ng pagkain at inumin nila na madadala namin sa room dahil masyado nang maraming tao sa loob ng canteen. Isang order ng burger steak at kanin na lang ang inorder ko. Bumili na rin ako ng tubig. 

Paakyat na kami sa building nang biglang may tumawag sa apelyido ko. “Bunsay!”

Nanlaki ang mga mata ko. “Trixie!”

Mabilis siyang pumunta sa akin at niyakap ako. “Kunusta ka na, ’be? Dito pala kayo lalaban.”

“Ah… oo. Hindi ko alam na nandito ka.”

Ahead sa akin ng isang taon si Trixie. Malamang dito siya nag-senior high. Kahit kaunti lang ang interaksiyon namin noon sa school, isa pa rin siya naging parte ng high school life ko. Kung hindi niya naging boyfriend ang naging crush ko noong Grade 9 at ang pinangarap kong maging last dance noon, baka crush ko pa rin iyon. Nagtampo pa nga ako sa kaniya dahil alam niya naman crush ko si Viel pero pinatulan niya pa.

Matagal na iyon. Nakalimutan ko nga nga. Isa pa, may bago na akong crush. Bumuntong-hininga ako para mabawasan ang pag-iinit ng pisngi ko. Naalala ko na naman si Ceejay.

“Sige, uuna na kami, Trixie. Sa susunod na lang…”

Niyakap ulit ako ni Trixie. “Sama ka sa pinsan ko. Bumisita ka sa amin, ah? I miss you.”

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pag-akyat. Nahiya tuloy ako sa grupo ko. Hinintay pa nila ako. “Pasensiya na…”

“Okay lang, ’te. Wow! Sana all! Sikat! Kanina may sumisigaw rin sa apelyido mo sa taas,” ani Chanty.

“Hindi naman.” Mahina akong tumawa at napailing. May isang nakakilala sa akin dito dahil naging kapitbahay ko noon. Hindi ko rin alam na dito pala siya pumapasok.

Pagkarating sa waiting area, nagsimula na kaming kumain. Unti-unting nababawasan ang mga kasama naming grupo kaya pagkatapos naming kumain, nag-freshen up na kami. Nang tinawag na ang grupo bago kami, nananlangin na kami. Ako na ang nag-lead. Hiniling ko sa Kaniya na sana maging maayos ang aming gagawin.

Nang tinawag na ang pangalan ng school namin, agad na kaming sumunod sa facilitator. Pinapunta kami sa isang room at nakasalubong pa namin ang grupo bago kami. Mukha silang taranta at kabado habang hawak ang folder kung nasaan ang piyesa. 

Nang makapasok kami, binigay na sa amin ang piyesa. May sampung minuto lang kami para i-practice iyon. Pagkabuklat ko ng folder, para akong binagsakan ng langit at lupa nang makita kung gaano kahaba iyon. Isang talumpati at tiyak akong hindi kaya iyon ng limang minuto.

My Happy CrushWhere stories live. Discover now