CHAPTER 16:

3.8K 97 1
                                    

Hindi natulog si Aj mag damag sa takot na muli nanamang mawawala si Arbie.

Kahit mabigat na ang takulap ng kanyang mga mata dahil sa antok ay pinag lalabanan niya, idagdag pa ang ilang gabing puyat. Pinag mamasdan niya ang maamong mukha ni Arbie, inabot na siya ng umaga na ganuon.

Nag pasya siyang ipikit ang mga mata ngunit hindi siya matutulog, isiniksik pa niya ang mukha sa leeg ni Arbie at hinigpitan ang pag kakayakap.

Nakagising si Arbie na sobrang sakit ang ulo, kakapain sana niya ang kanyang nuo ng hindi niya agad maiangat ang kamay dahil tila may nakadagan, iminulat niya ang mga mata at ganuon na lang ang gulat niya na ang taong tinakasan niya ngayon ay nakayakap sa kanya, hindi lang basta yakap kundi nakadantay pa ang mga paa sa kanyang hita

Naramdaman naman ni Aj na gising na si Arbie.

"Bhie gising ka ba pala?" ani Aj ngunit hindi parin tinatanggal ang pag kakayakap sa nobya.

"Anung ginagawa mo dito? paano ka nakapasok?" ani Arbie at pinililit tanggalin ang braso ni aaj sa pag kakayakap sa kanya.

"Bhie mag usap tayo! hindi ko kaya ng wala ka!' ani Aj.

"Umalis kana, mula ngayon tinatapos ko kung anu man ang namamagitan sa atin!" matigas na sabi ni Arbie.

"Sa tingin mo ganun lang kadali iyun, nag kakamali ka Bhie dahil kahit ipag tulakan mo ako palayo dito lang ako sa tabi mo, mahal na mahal kita!"

"Mahirap lang ako Aj, kahit kelan hindi maaaring mag pantay ang langit at lupa!" ani Arbie.

"Wala akong paki alam, basta ang alam ko lang nahal kita at tanggap ko lahat sa iyo, yung narinig mo sa CD Bhie drama lang iyun, hindi totoo kaya plesae ?" nag susumamong pakiusap ni Aj.

"Buo na ang pasya ko itigil na natin ito!"

Parang bomba sa pandinig ni Aj ang mga binibitawang kataga ni Arbie at hindi niya mapigilang hindi mapaluha,.

"BE MY LOVE, ARBIE? please I beg you! mahalin mo rin ako katulad ng pag mamahal ko sayo!" ani Aj na lumuhod pa kay Arbie.

"Tama na ang drama Aj, sa tingin mo maniniwala ako kaagad sa pinag sasabi mo? alam ko naman na mas sasaya ka pag wala na ako,dahil hindi pa nga tayo kasal pinag tataksilan mo na ako!" ani Arbie na di na napigilan ang sarili.

Maang naman si Aj sa sinabi ni Arbie.

"Bhie mula ng mag sama tayo hindi pa kita pinag taksilan, ikaw lang ang minamahal ko,.nag iisang babae dito sa buhay ko!" ani Aj.

"Sinungaling! sinu yong babae na nakita kong kasama mo at todo alalay ka pa?"

Napakunot nuo si Aj na nag punas ng luha sa mata.

"Sinung babae ang sinasabi wala akong babae, ikaw lang ang babae ko, kung dahilan mo lang iyan para lubayan na kita nag kakamali ka!" ani Aj na seryosong nakatingin kay Arbie.

"Wag ka ng mag maang maangan, yung babae na kasama mo nuong nag punta kayo store na pinapatayo mo!" lumuluhang sabi ni Arbie.

Parang duon naman natauhan si Aj.

"Ah si Carmina yon Bhie,may business kasi kami na pinag uusapan!" ani Aj.

"Ah business pala ha? kaya nag sinungaling ka sa akin sabi mo kila Jayson ka pupunta? Aj anu pa ba ang hindi ko alam sayo ha? naguguluhan na ako, hindi ko alam kong maniniwala ako sayo!" ani Arbie na napaupo dahil bigla siyang nanghina.

Napayuko na lang si Aj, hindi niya alam kung sasabihin na ba niya kay Arbie kung sinu si Carmina oh hayaan na lang muna.

Nilapitan ni Aj si Arbie at ikinulong sa mga bisig.

"Wag mo ng paniwalaan ang lahat, isa lang ang hiling ko at hangad ko na paniwalaan mo Bhie, iyon ay ang mahal na mahal kita!" ani Aj habang yakap kayap ang umiiyak na si Arbie.

Hindi na rin napigilan ni Arbie na mapayakap kay Aj.

Dahil aminin man niya oh hindi namimis na niya ito ng sobra, sa ilang gabi lang na hindi niya ito kasama para na siyang sinasakal, na unti unting 'di makahinga.

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Where stories live. Discover now