CHAPTER 12:

3.7K 92 1
                                    

Nag tungo muna si Arbie sa Mansyon ng mga Alarcon kila Ella upang mag paalam ng maayus.

"Naman, ikaw sabi mo ayaw mo mag asawa ng mayaman bakit ngayon ikakasal ka na! Friend nakaka inggit ka!" ani Dilyn kay Arbie.

"Wala eh napasubo na saka mahal ko si Aj mag papakipot pa ba ako?" ani Arbie.

-------

"Welcome to the family Arbie!" ani Ella.

"Salamat ate"

"Oh siya masaya ako para sa inyo,at balita ko may ipinapatayong grocery store si Aj malapit sa tahanan ng mga trabahador,thats a nice idea, hindi ka ma boboring kahit may asawa ka na dahil may pag kakaabalhan ka na" nakangiting sabi ni Ella.

Kimi namang yumuko si Arbie.

Lumipas ang mga linggo ng pag sasama nila Aj at Arbie napapadalas ang pag alis nito na hindi sinasabi sa kanya.

"Bhie malapit na ang kasal natin isang linggo na lang na mahigit saka patapos na rin yung grocery store mo" ani Aj saka niyakap ng patalikod ai Arbie.

"Oo nga! Salamat ha, nga pala saan ka ba lagi nag pupunta?" tanung ni Aj.

"Ah wala sa mga barkada lang,upang makapag paalam at maimbita sa kasal natin" sagot ni Aj na hindi makatingin sa mata ni Arbie.

"Humarap si Arbie at tinitigan si Aj, may nililihim ka sa akin alam ko,nararamdaman ko!" pangungulit ni Arbie.

"Wala nga matulog na lang tayo at aalis nanaman ako bukas,.pupunta ako kila Jayson!" ani Aj.

Nag dududang sumunod si Arbie kay Aj na nahiga sa kama.

Kinaumagahan wala nanaman si Aj.

"Saan kaya nag punta nanaman iyun? Totoo kaya na sa kaibigan lang, hay alam kong mahal ako ni Aj, pero bakit ramdam ko na may inililihim siya" ani Arbie sa sarili.

Binalewala na lamang niya ang nasa isip at nag tungo sa ipinapatayong grocery ni Aj para sa kanya.

Nilakad lang niya dahil malapit lang naman at ng makapag excersise narin siya.

Ngunit napatigil siya ng makita niya si Aj na may kasamang babae ng mga sandaling iyun sa ipinapatayo nitong tindahan at inalalayan pa nitong makapasok sa sasakyan.

Parang hindi kayang ihakbang ni Arbie ang mga paa, namanhid ang buo niyamg katawan at nag unahang tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata.

Napag pasyahan na lamang niyang umuwi at mag kulong sa kwarto nila ni Aj.

"Tama hindi ako dapat mag isip ng king anu ano? Mahal ako ni Aj!" ani Arbie sa sarili upang mabawasan ang bigat na dinadala sa dibdib.

Ngunit kahit anung gawin niyang pag wawaglit pilit parin pumapasok sa isip ang nakita, at pinapatay siya ng selos

Sino ang kasama ni Aj ay hindi niya kilala isa lang ang alam niya nag sinungaling si Aj ang sabi nito pupunta kay Jayson ngunit hindi naman si Jayson ang kasama kundi iba naman.

------

"Hey Aj Alarcon sigurado ka na ba diyan sa plano mo? Hindi ba nag dududa ang nobya mo dahil parati kang wala?"

"Wag mo siyang alalahanin, malaki tiwala nuon sa akin kaya bago pa iyun mag duda kailangan tapos na ang plano!" sagot naman ni Aj.

Ngumiti naman ng matamis ang babae.

"Sisuguraduhin kong masisiyahan ka!" sagot nito.

Dahil nababagot na si Arbie pinakailaman niyang buksan ang isa sa mga dvd player ni Aj.

Para maba

wasan ang bigat ng kanyang dibdib gusto niyang idaan sa music.

Sakto namang may cd ng nakasalang kaya iyun na lamang ang kanyang in play.

Sa umpisa gumaan ang kanyang dibdib dahil sa nakakatuwang tugtugin ng matapos ang kanya akala niya tapos na ngunit biglang nag salita si Aj.

Nagimbal si Arbie sa naririnig na halos hindi na niya kayanin, parang gustong sumabog ng kanyang dibdib.

Nanginginig ang mga tuhod ni Arbie na umupo sa kama,hindi niya inaasahan na kaya ni Aj sabihin ang ganuon hindi siya makapaniwala na si Aj ang nag sasalita sa sa in play niyang CD.

Tanging hagulgol na lamamg ang kanyang nagawa, anu pa nga ba ang magagawa niya? Kundi ang magising sa katotohanan na ang isang Aj Alarcon ay pantasya lang na hindi pwedeng maging katotohanan, nag pakatanga siya, nag pauto at iyun ay hindi na mauulit pa,

Isinilid niya ang mga gamit niya sa bag, tama na ang pag kukunwari, nakabuo na siya ng disisyon, siguro nga 'di sila para sa isat isa, ngunit nangangamba siya paano kung mag dalang tao siya? Paano na ang magiging anak niya? Paano niya ito bubuhayin?

Gulong gulo ang isip ni Arbie ng mga sandaling iyun.

Kung sinunod lang sana ang kanyang pananaw di sana siya ngayon nasadlak sa ganiting sitwasyon....

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Where stories live. Discover now