CHAPTER 4:

4.1K 100 2
                                    

Napangiti si Randy kapagdakay napahagalpak ng tawa.

"Oh pinsan bakit ka tumatawa?" tanung ni Aj.

"Wala may naalala lang ako," sagot ni Randy.

"Anu umpisahan mo na ang moves mo, habang maraming audience para di makatanggi" spanggagatong ni Randy.

Nag bukas muna ng softdriks si Aj at inabot kay Arbie ang isa kasama ang straw.

Nag bukas din siya ng para sa kanya at sumipsip muna saka matamis na ngumiti kay Arbie.

"Mga kasama, paano po ba ang mag tapat ng pag ibig sa babaeng inyong napupusuan?" ani Aj.

Tawanan at ka biruan naman ang sagot ng mga ito.

"Ganito po yun senyorito, pag mahal ka po ng babae mahahalata naman po niya na may gusto ka rin sa kanya, depende na lang po kung manhid si girl," sagot ng isang babae na kabilang sa nag tatanim.

Halos di naman malunok ni Arbie ang kanyang iniinum.

"Eh paano mo sasabihin sa kanya na mahal mo siya ng hindi magagalit?"

"Hahaha! senyorito sa dami po ng mga chika babes ninyo imposible na hindi mo alam?" sagot ng isang binata.

Tatawa tawa si Randy, gusto niyang batukan ang pinsan nanduon na nga paligoy ligoy pa.

"Sige na mag tatapat na ako,"

Bumaling si Aj kay Arbie, tila parang mga teenager naman ang mga trabahante na kinikilig.

"Bhie! mahal kita!" ani Aj.

Kinontrol muna ni Arbie ang sarili ayaw niyang madala sa eksena kaya idinaan niya sa tawa.

Humagalpak ng tawa si Arbie.

"Pati ba naman ako pinag pra practisan mo?" ani Arbie na di mapuknat ang pag tawa.

Bigla naman natigilan si Aj at ang pagkapahiya ay idinaan na lang din sa tawa para hindi halata.

"Ikaw naman hanep ka talaga! sinakyan mo na lang sana, para alam ko naman kung paano ang reaksyon ng babaeng pag tatapatan ko!" ani Aj.

Bigla namang nalito ang mga trabahante buong akala nila si Arbie ang tinutukoy ni Aj.

Gusto na talagang batukan ni Randy ang stilo ng pinsan.

"Kahit ako pag ganyan ang pag tatapat mo hindi ako maniniwala, iisipin ko ginugoodtime mo lang ako, tapos sa bandang huli binawi mo pa!" bulong na sermon ni Randy.

"Pinsan sabi mo biglaan anu ang mali sa ginawa ko?"

"Ngayon ka pa naging tanga pag dating kay Arbie pinsan, hindi yan ang ibig kong sabihin!" gigil na sabi ni Randy.

"Eh anu pala?" tanung ni Aj.

Napapailing naman si Arbie sa dalawa na parang bubuyog.

"Puntahan mo ako sa garden ko bukas at tuturuan kita sa ngayon uuwi na ako, baka hinihintay na ako ng mahal kong si Daniela, baka makapag tanim kami ngayon," pilyong sabi ni Randy.

Nang makaalis si Randy lumusong na ulit sila Arbie para mag tanim, katabi nito si Aj.

"Uy Bhie, ikaw naman pinag tawanan mo lang ako!" ungot ni Aj.

"Ay seryoso kaba nun? di kasi kapani paniwala saka ikaw mahal ako? suntok sa buwan Aj dahil ang mahirap 'di pwedeng umibig sa mayaman!" sagot ni Arbie saka binilisan mag tanim gumawa siya ng plot para kay Aj at kinulong ito duon.

"Yan tamnan mo yan para hindi ako ang pinag tri tripan mo," ngising sabi ni Arbie.

"Oo na! manhid!" bulong ni Aj.

Matapos mag tanim nila Arbie at Aj halos di na msihakbang ni.Aj ang kanyamg mga paa dahil sa pananakit ng mga binti at balakang isama pa ang likod, suma tutal buo niyang katawan masakit.

Ni hindi na rin niya kayang sumakay sa kabayo upang umuwi kaya tinawagan na lamang niya si Cj para siya ay sunduin.

Nakaramdam naman ng awa si Arbie. Nanguha siya ng bimpo at binasa saka ipinunas sa mukha ni.Aj.

"Ikaw kasi kung anu ang nakain mo at sumabak ka dito, anu uulit ka pa?" ani Arbie habang nililinis ang mukha ni Aj.

Para namang biglang sumigla ang katawan ni Aj.

Gustong gusto niya ang ginagawang pag pupunas ni Arbie sa kanya, at kahit lalaki siya di niya naiwasang kiligin.

Pag katapos linisin ni Arbie ang mukha ni Aj may kinuha siyang extra t shirt, buti na lang yung t shirt niyang big size ang idinala.

"Itaas mo yang kamay mo!" utos ni Arbie.

Dumunod naman si Aj.

Walang sabi sabingbtinanggal ni Arbie ang t shirt ni Aj.

Halos mapalunok si Arbie sa mauumbok na muscle ng binata.

Hindi siya nag pahalata na epektado ipinasuot niya kay Aj ang t shirt niya.

"Wag kang mag alala malinis yan saka wala akong sakit sa balat!"

"Ang sarap mo sigurong mag mahal?" wala sa loob na sagot ni Aj.

"Oh yaan oh kuhang kuha ko! ang sweet mo naman sister in law, pati sa pag punas ng mukha at pag tanggal ng damit ng kapatid ko, yan may remembrance na kayo sa akin," ani Cj na bakuhanan pala sila ng litrato.

"Kanina ka pa tol?" ani Aj na di makapaniwala dahil kakatawag lang niya sa kapatid.

"Oo naman di mo ba alam nanfuon lang ako sa puno na iyun oh pinapanuod ko kayo, kaya sorry kabayo lang din ang sakay ko mag lakad ka na lang pauwi sa atin malapit lanh naman!" ani Cj na nakatawa.

"Loko ka nakikita mo na ngang di ako makahakbang pag lalakarin mo pa ako?" ani Aj.

Nakangisi namang sumagot si Cj.

"Kaya mo yan! saka may kabayo ka, yan na lang sakyan mo, pwede ka ng umuwi at mag pahinga ako na mag hahatid kay Arbie" ani Cj.

"Mag lalakad na lang ako," sagot ni Arbie na nahihiya.

"No! kaya ko pa naman eh, nawala na nga ang sakit kaya pwede na kitang ihatid!" mabilis pa sa alas kwarto na sabi ni Aj.

"Sigurado ka?" alanganing tanung ni Arbie.

"Oo naman!" sagot ni Aj saka tumayo at pilit ideretso ang lakad upang kunin ang kanyang kabayo.

Gustong humagalpak ng tawa ni Cj, iba talaga ang nagagawa ng pag ibig sa kapatid eh siya kaya anu naman kaya.

Napapailing ito habang pinapanuod ang kapatid at si Arbie.

Pag kahatid ni Aj si Arbie sa kanila para na siyang lantang gulay.

Dagli dagli diyang naligo at nahiga sa kama.

Dahil sa pagod hindi na niya nagawang mag hapunan, tuloy tuloy din ang kanyang tulog.

Kinabukasan hindi na niya maigalaw ang huong katawan dahil sa sobrang pananakit.

Naalala niya ang ituturo ng pinsang si Randy ngunit paano siya makakapunta duon kung hindi siya makabangon dahil daig pa niya ang hinambalos at binugbog.

"Awwwts hirap pala ng kalagayan ng mahal ko! ganito pala ang nararamdaman ng mga mahirap na mag hapon sa gitna ng bukid, hayssst ayaw ko ng maranasan pa ito ni Arbie!" ani Aj sa isipan.

Dahan dahan siyang bumangon at daig pa ang nanganak kung mag lakad, para lang bagong tuli na hindi maideretso ang lakad......

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora