CHAPTER 3:

4.7K 98 2
                                    

Lumabas si Manang Lai upang hanapin ang dalawa,baka napag tripan nanaman ng mga ito ang tawas na binili niya, nakita naman kaagad niya ang mga ito sa lilim ng puno.

"Arbie, Dilyn! kayo talagang.mga bata kayo! bakit pinake alaman nanaman ninyo.yung tawas ko sa lababo?" ani Manang Lai.

"Aba manang hindi.namin ginagalaw ang tawas mo---" napatigil si Dilyn at napatingin kay Aj.

Alanganing ngiti ang itinugon nito.

"Sorry manang akala ko asukal!" hinging paumanhin ni Aj.

Lalo namang sinamid si Alrea at Arbie, kaya naman pala at tawas na ang nainum nila.

"Sorry di ko sinasadya!" ani Aj at hinagod ang likod ni Arbie.

Nag tungo naman kaagad sa loob si Dilyn upang ikuha ng tubig si Alrea dahil pulang pula na ito kakaubo. Nasalubong niya si Ella at sinabi ang nangyari. Agad namang nag tungo sa labas si Ella upang silipin ang pamangkin at kita nga nitong pulang pula na ito kakaubo.

Pinayuko ni Ella si Alrea at pilit na pinasuka, dahil doktor siya alam niya ang paraan kung paano mabilisang maisuka ni Alrea ang nainum.

"Ikaw Aj, next time baho mo idulog ang isang bagay dapat tikman mo muna, alam mo ba ang magiging epekto nito kung hindi kaagad naagapan?" sermon ni Ella sa pinsan.

Napakamot naman ng ulo si Aj.

"At ikaw na bata ka kahit talaga pilya ka, makita mo isusumbong kita sa mama mo, nag sumbong ang isang katiwala sa tito Daniel mo ba sumakay ka raw sa kabayo ng papa mo at pinatalon mo daw, hindi lang yun muntik ka na daw mahulog buti huminto si Delaila!" sermon ni Ella aa pamangkin.

"Tita! promise di na po mauulit wag ka lang mag sumbong!" ani Alrea at pinag hahalikan ang pisngi ng tiyahin.

"Fine! pero wag mo ng uulitin ha!" ani Ella.

Napapangiti naman si Arbie aa kakulitan ni Alrea.

"Sorry ha! di ko sinasadya!" bulong naman ni Aj kay Arbie na nahihiya sa kapalpakang nagawa.

----------

Kinabukasan nag tungo ang kapatid ni Arbie na Joana sa Mansyon.

"Ate si tatay may sakit, hindi naman pwede si nanay na pumunta sa taniman ng palay para lang makumpleto ang araw ni tatay dahil alam mo naman si nanay hindi pwede mainitan, kung ako naman ang lulusong walang mag aalaga sa kanila," ika ng kapatid.

"Alam mo.namang may trabaho ako baka hindi.ako payagan ni ma'am Ella"

"Ate kahit dalawang lingo lang, saka nag aaral pa ako at ako rin tumitingin sa kanila, pag natapos ang dalawang lingo pwede ka ng bumalik dito ako na bahala sa lahat, need lang talaga na may subtitute si tatay sa bukid,"

"Maiintindihan naman siguro iyun ng mga Alarcon, eh may sakit nga si tatay!"

"Ate nakakahiya baka isipin nila inaabuso natin ang kabaitan nila,"

"Okay! akala ko naman ligtas na ako sa pag tatanim di pa pala?" bulong ni Arbie.

Nag paalam si Arbie kay Daniel at Ella at pinayagan naman siya ng mga ito.

"Pwede namang saka na lang pumasok ang ama mo!" ani Ella.

"Nakakahiya naman kasi ate ang dami na.ninyong naitulong sa pamilya namin, pati sa pag aaral ng kapatid ko kayo ang nag totustos!"

Napabuntong hininga na lamang si Ella saka ngumiti.

Nakaalis na si Arbie ng dumating si.Aj.

"Dilyn asan yung kasama mo?"

"Baka nasa bukid na nag tatanim, nag paalam kila ate na siya daw muna ang papalit sa amang may sakit, kaya malamang baka nasa taniman n iyun ng palay. Nag mamadali namang sumakay si Aj sa kabayo at sumunodnsa bukid, agad nan niyang nakita si Arbie na may hawak na punla.ng palaynat nag tatanim kasama ng iba pang trabahante.

Inililis ni.Aj ang pantalon at lumusong din sa putikan.

"Anung ginagawa mo dito?"

"Mag papaturo mag tanim, bakit masama ba?" sagot ni Aj.

"Mang Ruben paano po ba mag tamim ng palay? sinusungitan po ako ng dalaga dito na pag papaturuan ko sana?" pasaring ni Aj.

Arbie roll her eyes!

"Naku senyorito madudumihan po kayo!" nag aalangang sagot ni Mang Ruben.

"Okay lang po yunMang Ruben wala pong kaso yun, gusto ko pong matuto." sagot ng binata.

Napakamot naman sa ulo si Mang Ruben.

"Oh s'ya Arbie turuan mo si senyorito at ako naman ay mag hahakot ng punla," ika ni Mang Ruben.

"Eh bakit pa kasi nag punta ka rito?" nayayamot na sabi ni Arbie kay Aj.

"Gusto ko lang ma expirience mag tanim kasama ka, so paano ba ganito ba?" ani Aj na halos ibaon ang punlang palay na hawak n'ya.

"Wag ganyan wag mong ibaon lahat dahil mabubulok,.ganito tignan mo gawa ko, hawakan mo sa ugat at bahagya mo lang ibaon, sa ugat mo hawakan wag sa puno para di maputol," ani Arbie.

Tuwang tuwa naman si Aj na sumunod,.at dahil nag tuturo pa lamang siya puno na ng putik ang mukha niya at maging ang damit niya ay tumutulo na dahil nabasa na ito ng putik.

"Hahaha, pag tapat tapatin mo maliliut lang amg kudrado,ang lalayo ng pagitan ng tanim mo, kailangan ko pang ulitin," ani Arbie.

"Hahaha, sarap palang mag tanim enjoy, teka wala bang miryenda?" tanung ni Aj na nakaramdam ng gutom.

Nag tawanan naman lahat ng nakarinig.

"Sandali may tatawagan lang ako para mag hatid ng meryenda," ani Aj.

Tinawagan ni Aj si Randy. Hindi nag tagal dumating si Randy sakay ang pic up.

Limang case ng softdrinks at tig iisang burger naman para sa kanilang lahat.

Tawa ng tawa si Randy ng makita ang itsura ng pinsan na mukhang mamaw.

"Paanu ka kakain niyan pati bibig mo may putik?" tanung ni Randy.

Natatawa na nahihiya naman si Arbie.

Bumulong si Randy kay Aj.

"Napasagot mo na ba?" tanung nito.

"Hindi pa insan matigas eh, hindi naniniwala sa akin," bulong din ni Aj.

"Kulang ka lang sa diskarte, teka nag tapat ka naba talaga? baka naman paligoy ligoy ka pa, daanin mo na sa biglaan." utos ni Randy.

"Sounds good sige insan," nakangiting sagot ni Aj.

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin