CHAPTER 11:

4K 93 2
                                    

Ako na ang bahala dito ka lang!" ani Aj kay Arbie at dagli dagling nag bihis upang babain si Joana.

"Magandang gabi senyorito, gusto ko sanang tanungin kung nasaan na ang ate ko?'

Napakamot sa ulo si Aj.

"Kwan kasi, ganito yun, muntik ng malunod ang ate mo, hindi ko muna siya iniuwi sa inyo para makapag pahinga siya ng maayos hanggang sa pareho na pala kaming nakatulog, pasensya na ha nakalimutan kitang tawagan or i text manlang, ihahatid ko na lang siya bukas!" paliwanag ni Aj.

Hindi muna sinabi ni Aj na mamamanhikan na sila bukas dahil baka kung anu pa ang isipin ng mga magulang ni Arbie.

"Ganun ba senyorito sige po mauna na po ako, sa uulitin po sana wsg mo po kaming kalimutang i text!" ani Joana.

"Sandali, ihatid na kita sa inyo!" ani Aj.

Kinuha ni Aj ang kanyang kotse at inihatid nga si Joana.

Nang makita ni Arbie si Joana na pasakay sa kotse ni Aj alam na niyang ihahatid ito ng binata.

Napabuntong hininga na lamang si Arbie saka natulog muli.

----------

Pinong halik sa labi at sa mukha ang nakapag pagising kay Arbie.

"Bhie, gusto kong magtanim," pilyong sabi ni Aj.

"Nag tanim ka na nga kanina! Oh anu ang sabi ni Joana?"

"Maaga daw kitang ihatid bukas, at siyempre hindi ko gagawin yun dahil mag papaluto ako ng maraming pag kain para idala natin a bahay ninyo para mamamanhikan na kami!" ani Aj saka siniil ng halik si Arbie.

"Bhie gusto mo ba uling maranasan ang heaven?" ani Aj na idinadampi dampi ang labi sa labi ni Arbie.

"Nakasampa ka na nga at nakadagan sa akin mag tatanung ka pa!" ingos na sagot ni Arbie

Napangisi naman si Aj, at inumpisahan na ngang ibiyahe sa geaven ang mahal niyang si Arbie.

Kinabukasan nag tungo nga ang pamilya ni Aj upang mamanhikan sa mga magulang ni Arbie.

"Hindi yata namin alam na may nobyo ka na anak at ito pa palang si senyorito Aj?" takang tanung ng ama ni Arbie.

"Eh kasi po itay ikinahihiya yata ako ni Arbiebkaya hindi po niya ako maipakilala sa inyo!" agaw ni Aj.

"Aba anak, dapat nga matuwa ka dahil kahit mahirap lang tayo tanggap ka ng nobyo mo!' ika naman ng ama ni Arbie.

"Tay hindi naman po sa.. "

"Tignan po ninyo tay mangangatwiran pa po iyan ako nanaman ang aawayin mamaya!" ika nanaman ni Aj.

Nandidilat ang mga mata ni Arbie sa mga kasinungalingang sinasabi ni Aj.

"Ah Tay pasensya na po kung biglaan po ang pamamanhikan namin, kasi ng muntikan ng malunod si Bhie kahapon duon ko po na realize na hindi ko po pala kaya na mawala siya sa buhay ko,.malingat lang po siya saglit hinahanap hanap ko na!" wika ni Aj.

Di naman mapigilan ni Arbie na kiligin, lalo na si Joana na nakikinig sa pinag uusapan ng mga bisita.

"Nagulat lang ako iho, ang bilis naman yata?" ika naman ng ina ni Arbie.

"Naku balae, hindi lang mabilis kundi umaalikabok pa sa sobrang tulin, pero anung magagawa natin mahal nila ang isat isa!" sabat ni Mariano ang ama ni Aj.

Nag tawanan ang mga naruron dahul sa birong iyon ni Mariano.

"So kailan ang plano ninyong mag pakasal?" tanung ng ama ni Arbie na di Mang Ponseng.

"Bukas po sana kung maaari?" sagot ni Aj.

Lahat ng naruon na tutungga ng juice na idinulog ni Joana ay napabuga.

"What? Bukas na agad? Agad agad?" ani Joana na di makapaniwala.

"Naku naman iho, hindi kana yata marunong mag preno?" nanlalaki ang mata ni Carina na tanung sa anak.

"Joke lang po! Kayo naman di na mabiro!" ani Aj na natatawa sa bakikitang reaksyon ng mga naruon.

Nakahinga naman ng maluwag si Arbie akala niya bukas na nga talaga.

"So pwede bang kami na lang ang mag disisyon, kung maari sa isang buwan na lang para maiayus ng maayus ang dapat asikasuhin," ani Mariano.

"Kayo ang bahala Balae"" sagot naman ng ama ni Arbie.

"Isang bwan? Tagal naman dad?" reklamo ni Aj.

"Mag hintay ka malapit na yun, lagi ka ba lang si biglaan buti na lang wala kaming sakit sa puso ng mommy mo!" ani Mariano.

Napapakamot na lang sa ulo si Aj na tumingin kay Arbie upang humingi ng saklolo.

"Wala pong problema sa akin kahit kelan!" sagot naman ni Arbie na ikinalaylay ng balikat ni Aj.

----------

"Ayaw mo ba na maikasal na tayo kaagad?" tanung ni Aj.

"Gusto pero wag naman yung ura urada aba Aj, para kang buhawi kaya!"

"Gusto ko lang po na makasal na tayo kaagad! Oh siya kumuha ka na ng gamit mo at uuwi na tayo sa Mansyon, aba hindi ako papayag na maiwan ka dito!" ani Aj.

"Pero.."

"Wala ng pero pero!, oh baka gusto mong sabihin ko sa kanila na nakabiyahe na tayo sa heaven para wala ng hadlang sa pag sama mo sa bahay?"

"Wag mo nga akong tinatakot di ako baniniwala kaya mo yang sabihin?"

"Wanna try? Okay!" ani Aj at pumasok muli sa loob.

"Tay, isasama ko na po si Arbie sa Mansyon dahil..."

Hindi na natapos ni Aj ang sasabihin ng sundan siya ni Arbie at binigyan ng nag babantang tingin.

"Dahil?" tanung ni Mang Ponseng.

"Dahil marami po akong gagawin duon tay, may mga aayusin po ako sa kwarto ni Aj at tuloy mag papa alam na po ako kay ate Ella!" sabad ni Arbie.

"Okay anak kung iyan ang pasya mo tutal matanda ka na at alam mo na ang ginagawa mo!" sagot ni Mang Ponseng.

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Where stories live. Discover now