CHAPTER 13:

3.6K 93 2
                                    

Nay, alis na po tayo dito hindi na po ako mag papakasal kay Aj, wala na pong kasalang magaganap" ani Arbie.

"Anak naman anu ba ang problema mo bakit ka nag kakaganyan?" tanung ni Mang Ponseng.

"Hindi ko po pala kayang pakasalan si Aj" sagot ni Arbie, at kung maaari lang ayaw na niyang ipaalam sa mga magulang ang dahilan dahil sigurado siyang masasaktan lang ang mga ito.

"Alam ba ni Aj na umuwi ka dito?" tanung ng ina.

"Hindi po kaya nga po sinasabi ko ng bilisan ninyo mag impake para makaalis na tayo ng sa ganun hindi na tayo maabutan pa ni Aj"

"Kung gusto mo anak ikaw na lamang ang umalis dito lang kami ng nanay mo,.wala kaming alam sa siyudad at dito na rin kami tumanda" wika ni Mang Ponseng.

Dahan dahang umupo si Arbie sa kawayang upuan nila na nanduon, hindi talaga niya makumbinsi ang mga magulang na umalis.

Tinawagan ni Arbie si Dilyn.

"Friend may kakilala ka ba na pwedeng matuluyan sa Manila?" tanung ni Arbie.

"Ha?bakit?" naguguluhang tanung din ni Dilyn.

"Mahabang kwento,pwede bang magkita tayo sa Crossing sa Cabanatuan saka ko ipapaliwanag sa iyo!" ani Arbie.

Naguguluhan man si Dilyn nag paalam siya kay Daniel at Ella na may bibilhin lamang, buti na lang nag kataong nasa bahay ang dalawa.

---------

"Anu ba ang problema mo friend?" tanung ni Dilyn ng makitang may dalang bag si Arbie.

"Bakit?"

Ipinaliwanag naman ni Arbie ang lahat walang labis walang kulang.

Tahimik lang si Dilyn na nakikinig at nag iisip ng magandang maipapayo.

"Okay duon ka muna sa bahay bakasyunan ng kaibigan ko, mainam nga na makapag isip la muna ng maayus, taggapin mo ang pera na ito pandagdag sa gagastusin mo, yung susi ng bahay nasa bandang kaliwa nakalagay sa maliit na paso sa may tabi ng gate!" ani Dilyn.

"Sigurado ka na sa kaibigan mo yun?"

"Oo kaya wag ng maraming tanung at ksilangan ko na ring umuwi,mag iinat ka dun!" sabi ni Dilyn at ibinigay ang address.

Nang makarating sa Manila sa Arbie ibinigay niya sa taxi driver ang address ng bahay na tinutukoy ni Dilyn, ngunit napa nganga siya ng papasok ito sa residential at puro malalaki ang bahay.

"Ang yaman naman pala ng kaibigan ni Dilyn!" ani Arbie sa sarili.

Nagulat pa siya sa driver ng taxi ng sabihin nito kung mag kanu ang bayad.

"Manung 1000pesos ang laki naman po?" angal ni Arbie.

"Eh miss,.ang layo dito sa manila lahat may bayad," sagot ng taxi driver.

Nag tungo si Arbie sa sinabi ni Dilyn na kinariroonan ng susi at nakita nga niya.

Sobrang napahanga si Arbie sa ganda ng bahay at laki nito, pag pasok niya nakita niya ang malaking larawan ni Dilyn na nasa kwadro.

"Ayus ang kaibigan ni Dilyn, talagang naka display pa ang larawan niya dito, siguro close talaga sila!" ani Arbie.

Inayus ni Arbie ang gamit at namili ng kwarto na uukupahin, inabala rin niya ang sarili sa pag lilinis upang di sumagi sa isip ang suliranin.

Samantala,

"Nay, Tay, nag mamakaawa po ako sa inyo,.ituro po ninyo kung nasaan si Arbie, hindi ko po alam kung bakit bigla na lamang siyang umalis ng walang paalam!" nag susumamong pakiusap ni Aj sa mga magulang ni Arbie.

"Pasensya na anak hindi namin alam ang sabi niya tatawag siya pag may nahanap na siyang matutuluyan," sagot ni Mang Ponseng.

"Ganun po ba tay, pag tumawag po, sabihin po ninyo agad sa akin!" ani Aj.

Tuliro si Aj ng mga sandaling iyun parang gusto niyang mag wala, mahal na mahal niya si Arbie, kanina pa siya paikot ikot sa kwarto niya baka may iniwang sulat ang dalaga ngunit bigo siyang matagpuan kahit kapiranggot na papel wala.

Pasalampak siyang umupo sa kama at iniisip kung may nagawa ba siyang ikinagalit ni Arbie ngunit wala siyang maisip.

Napasulyap si Aj sa kanyang DVD at napansin niyang naka ilaw iyon biglang kumabog ang ksnyang dibdib,hindi kaya narinig ni Arbie ang nasa loob ng CD na iyun?

Napasuntok sa pader si Aj na halos ikadugo ng kanyang kamay saka napahilamos sa mukha.

"Shit! ka Aj ang tanga tanga mo, dapat nuon pa lang itinapon mo na iyang CD na yan!" paninisi ni Aj sa sarili.

Inis na hinablot ni Aj ang DVD player saka ibinalibag.

Nanlulumo siya, ngayon hindi niya alam kung saan hahanapin ang mahal niya para makapag paliwanag.

Para siyang pinag bagsakan ng langit at lupa, napaupo siya sa sahig at parang batang umiyak.

Mabilis namang nag tungo sa kwarto ni Aj ang mama nito na si Carina at amang si Mariano.

"Iho anung nangyayari sayo?" tanung ng hinang at niyakap ang anak.

"Iniwan na niya ako ma!" humahagulgol na sabi ni Aj.

"But why?" takang tanung ni Mariano.

"Because of that bullshit CD" ani Aj.

Pinulot ni Mariano ang CD na tumilansik sa DVD at balak nitong i play sa ibaba.

"Ma, hindi totoo ang nasa CD na yan, iyan ang last na perform namin sa tiatro! ma mahal ko si Arbie kahit mahirap pa siya!" umiiyak na sabi ni Aj.

"Anu ba ang pinag sasabi mo iho?"

"Yung sinabi ko diyan, drama lang po iyun hindi po iyun totoo, iyon ang last na ginawa namin nuong collage bago grumaduate!" ani Aj.

"Okay naniniwala kami sayo ng daddy mo, ayusin mo ang sarili mo at gusto naming pakinggaan ng daddy mo yang sinasabi mo, sa ibaba na namin pakikinggan dahil warak nabyang DVD mo, aayusin natin ito nak ha! papatulong tayo kay Algun at Jocelyn para mahanap si Arbie.

BE MY LOVE, ARBIE By: Lorgee Rhy (complete)Where stories live. Discover now