Chapter 04

1.5K 30 0
                                    

Marahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa pagtama ng repleksiyon ng araw sa sliding door ng kwarto galing veranda. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, makapal na kumot ang bumabalot sa 'kin at tila may suot pa akong medyas.

"Coleen?" Agad na lumapit si Manang Celia na hindi ko alam kung saan nanggaling na mabilis akong inalalayan sa pag-upo sa kama.

"Kaya ko po," mahinang usal ko. Ang totoo nga ay naiinitan na ang katawan ko hindi katulad kagabi na ramdam na ramdam ko ang lamig hanggang buto. "Paano ho ako nakarating dito?" Tanong ko kay Manang Celia dahil ang natatandaan ko ay nasa labas ako ng bahay kagabi at dinadama ang lamig dala ng malakas na ulan.

"Paanong nakarating dito? Dito sa kwarto?" Tumango ako kay Manang Celia na nagtataka ang mukha. "Bakit? Hindi ka ba rito natulog?" Kumunot ang noo nito. "Inutusan ako ng asawa mo na tingnan ka, lumipas na ang tanghali hindi ka pa rin bumabangon. Ano bang nangyari sa 'yo? Sa inyo ng asawa mo?" Umupo si Manang Celia sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Pagdating ko rito kaninang umaga, si Sir Conrad ang naabutan ko na pababa ng hagdan, may dala pa ngang palanggana at may nakalublob na bimpo."

"Nasaan po siya?" Tumayo ako at doon ko nakita na may suot akong panjama at maluwag na damit, damit ni Conrad at ang medyas nitong itim.

"Nag-away ba kayo kagabi ng asawa mo?" Nilingon ko si Manang Celia na inaayos ang bedsheet ng kama. "Ang daming ibinabang kalat ang asawa mo kanina, may mga piraso ring basag na salamin." Bumagsak ang balikat ko dahil sa nangyari kagabi. "Ayos ka lang ba, hija?" Napaiwas ako ng tingin kasunod ang pagpatak ng luha na mabilis kong pinahid.

"P-puwede po bang iwan niyo muna ako Manang?" Nakatalikod kong sambit dahil sa ayaw kong makita ako ni Manang Celia na umiiyak, maaawa lang ito sa 'kin at ayaw ko na kinakaawaan ako. Narinig ko ang pagsara ng pinto, napahangos ako nang malalim bago tumungo sa veranda para magpahangin.

Hindi ko pa kayang harapin si Conrad dahil nakakatuwang isipin na natatandaan ko ng malinaw ang mga sinabi nito sa 'kin kagabi na hanggang ngayon ay kumukurot sa dibdib ko.

"How I wish I could kill you..."

Napapikit ako dahil sa naririnig ko na naman ang sinabi ni Conrad sa 'kin kagabi. Kaya niya ba talagang gawin iyon? Kaya niya ba talagang patayin ako, ako na asawa niya? Napahawak ako sa railings ng veranda at tumingin sa dagat na may kalakihan ang mga alon. Nanliit ang mga mata ko dahil nakita ko si Conrad na naka-upo sa buhangin at nakatingin sa dagat. Biyernes ngayon kaya nagtataka ako kung bakit nandito ngayon si Conrad, kadalasan ay araw ng linggo lang siya hindi umaalis.

Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa pagkalam nito, nakaramdam ako ng gutom kaya napagdesisyunan kong bumaba para kumain. Pagdating ko sa kusina, agad akong inasikaso ni Manang Celia, pinaghain ako nito.

"Ito sabaw, initin ko lang. Naabutan ko lang ito kaninang umaga rito sa kusina, ito rin ang inulam ni Sir kaninang tanghali. Ikaw ba ang nagluto nito?" Nakatalikod na tanong ni Manang Celia habang binubuhay ang kalan.

"Hindi po," tugon ko at nilingon ako ni Manang Celia.

"Ang asawa mo?" Hindi makapaniwalang sambit ni Manang Celia. "Aba, himala." Habol nito. Pagkalipas ng ilang minuto, inilapag ni Manang Celia ang mainit na sabaw, kumuha ako ng kutsara at tumikim ng konti. Pamilyar ang lasa kaya muli akong tumikim.

Kasabay nang pagbagsak ko sa semento sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan at bago tuluyang magsara ang mga mata ko, nakita ko ang pagbukas ng pinto at ang mabilis na pagtakbo ni Conrad pabalik sa gawi ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na sinasabayan nang pagkirot ng dibdib-nasasaktan, at kahit nakapikit na ang mga mata ko hindi pa rin ito maawat sa pagluha. Hanggang sa maramdaman ko na may mga kamay na bumuhat sa 'kin.

On His Painful Cage | COMPLETEDWhere stories live. Discover now