Chapter 11: Sunsets

Start from the beginning
                                    

Pagkatapos ng practice namin para sa competition, umuwi na si Lance habang bumalik naman sa classrooms sina Chanty at Angela. Sa journ room naman ako umakyat. Abala na naman sila sa mga ginagawa nila. Pumasok ako sa loob. Wala si Ma’am Francheska kaya kay Ella na lang ako humingi ng fact sheet. Binaba ko na lang ang bag ko roon at kumuha ng papel at ballpen. Kinuha ko na rin ang organization shirt ko para makapagbihis.

Bumaba ako sa ground floor para makapagbanyo nang makasalubong ko sina Kenneth at Ceejay na nag-uusong ng lalagyang may lamang mga hard hat. 

“Hi, Bunsay! Si Ceejay oh!” pang-aasar ni Kenneth.

Tumawa na lang ako sa pang-aasar niya. “Bakit kayo nagbubuhat niyan?”

“Trip kami ni Sir Jeffrey ngayon, kami tuloy napagbuhat papunta sa hazard room sa halip na mga bata niya,” reklamo pa ni Kenneth.

Mahina akong tumawa. Katapat na namin ang hazard room kaya hinintay ko muna silang mailagay iyon sa loob. 

Naunang lumabas si Ceejay at tiningnan niya ang hawak ko. “Duty?”

Marahan akong tumango. Naka-journ shirt si Ceejay. Hindi pa dumarating ang sa akin kaya wala pa akong katulad ng damit niya. Muli siyang tumingin sa akin at mas taimtim na sa pagkakataong iyon.

Ilang sandali pa, si Kenneth naman ang lumabas. “Duty ka? ’Di ba, may training tayo sa journ?”

“Pagsasabayin ko na lang. Dadaan na lang ako s journ room para ipasa ang mga gawa ko. May mga babantayan naman akong mga klase kaya doon na lang ako gagawa.”

“Kumain ka na ba?”

Umawang ang bibig ko sa biglang tanong na iyon ni Ceejay. Nag-init ang pisngi ko nang tumawa si Kenneth at inasar kaming dalawa. Bakit niya ba naman kasi tatanungin kung kumain na ako? Pakialam niya ba sa estado ng sikmura ko?

“Sabagay nga naman, malapit nang mag-alas tres. Meryenda ba, Ceejay?” nanunuksong tanong ni Kenneth.

Nang tumingin ako kay Ceejay, umiwas siya ng tingin. “Lunch ang tinutukoy ko. Second to the last subject siya nang ma-excuse sa klase ’tapos ngayong alas dos lang siya nakabalik at dumiretso pa sa journ room. Just thinking of possibilities…”

Anong possibilities na mga pinagsasabi niya? Okay ang sikmura ko. Pinakain kami ng mentor namin dahil kasama ’yon sa budget para sa mga representative. 

Kaya lagi kaming inaasar kasi kahit personal, ganito siya. Naiinis ako pero alam ko namang biro lang lahat para sa kaniya. Handa akong sumakay sa trip niya sa chat pero hindi sa personal, hindi sa mga pagkakataong kaharap ko siya.

“Kumain na ako, Ceejay…”

Natapos na ang usapan namin ng ganoon lang. Ako na ang unang nagpaalam sa kanila. Kailangan din naman nilang umakyat pa sa journ room.

Nang kuhanin ko sa teacher ang ipagagawa niya sa estudyante niya, parang mas lalo akong nawalan ng energy. Sa fourth floor ako na-assign maging student teacher ng Grade 8 na magugulo. Pag-akyat ko pa lang, nagsisigawan na ang iba at nasa hallway na ang iba. Isa-isa ko pa sila pinapasok na parang mga bata.

“Magandang hapon, ako ang pinadala ni Mrs. Vin para bantayan kayo. May ipapagawa sila sa inyo kaya maupo na kayo,” anunsiyo ko.

As usual, maingay sila, palagi ko na lang sinasaway. Mas makulit ang mga lalaking sa likod. May isang hindi nakikinig kaya kinuha ko muna ang ukelele niya. Ibabalik ko rin naman kapag nakapagpasa siya sa akin ng gawain.

Nang medyo kalma na, umupo na rin ako at binasa ang fact sheet. Nagsimula na rin akong magsulat ng editorial. Tapos na ako nang mag-ingay na naman sila.

“Tahimik!”

Mga tapos na ang iba kaya nagtayuan na sila at diretso sa labas pagkatapos magpasa. Napatayo ako sa sobrang inis. “Sinabi ko bang lumabas kayo, ha?”

Nag-react naman ang mas isip-bata pang mga kaklase. Napakamot ang lalaki at bumalik sa kaniyang upuan. Tumatahimik naman sila pero madalas, bigla na lang mag-iingay. Mayroon pang mga makukulit at madalas magtanong. Wala naman akong ibang ginagawa kaya sumasagot na lang ako.

“Marunong kang tumugtog, ma’am?” 

Tumango ako. “Oo, gitara…”

“Sa ukelele, marunong ka?” 

Tumayo ako at bahagyang umupo sa lamesa. Kinuha ko ang ukelele. May alam naman akong chords sa ukelele dahil parang sa gitara rin naman, mas madali nga lang dito.

Tumugtog ako sa harap nila. Napangiti ako nang tumahimik sila. May mga nag-iingay pa rin pero nakikinig naman sa akin. Matagal na akong hindi tumutugtog ng gitara kaya hindi ko alam kung sanay pa ako. Nawala na nga ang mga kalyo ko sa daliri. 

“Wise men say…” Mahina akong natawa at tumigil. Bakit parang ang lambing ng boses ko? Nakakadiri.

“Tuloy mo, ma’am! Ganda!”

“Only fool rush in… but I can’t help falling in love with you.”

Tumatama ang sinag ng papalubog na araw sa mga daliri ko. Parang ang lapit ng asul na ulap na naging kahel na sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang hangin mula sa bukas na bintana lalo pa at nasa fourth floor ang room. Umangat ang paningin ko mula sa ukelele. Napangiti ako habang kumakanta. Para akong nagpapatulog ng mga bata.

Take my hand. Take my whole life too…” 

Mapait akong napangiti at itinigil ang pag-strum. Matagal ko nang tinalikuran ang pagkanta. Hindi na dapat ako nagpapakitang-gilas sa iba.

Inabot ko ang ukelele sa babae at kinuha ang mga gamit. “Time na. Alis na ako. Hintayin n’yo na lang ang next teacher ninyo.”

“Bitin kami!”

Mahina akong tumawa at nagpaalam sa kanila. Muntik na akong mapatalon nang makitang nakasandal sa railings si Ceejay. Kalalabas ko lang ng room. Hindi ko inasahang makikita ko siya.

“Kanina ka pa ba diyan? Anong kailangan mo?”

Marahang siyang umiling. “Kinukuha ni Ella ’yong gawa mo.”

Mabilis ko namang inabot sa kaniya pati ’yong fact sheet. Napalunok ako. Hindi ko siya matingnan nang diretso. Narinig niya kaya akong kumanta kanina? Nakakahiya.

Sabay na kaming bumaba, siya sa second floor, ako sa third floor. Akala ko, diretso na ang pagbaba niya pero nang tinawag niya ang pangalan ko bago ako makapasok ng room, mukhang lutang na naman ako sa mga susunod kong hahawakang klase.

“Jessa Mae, I feel lucky today…”

Tumaas ang mga kilay ko. Humigpit ang hawak ko sa mga gamit sa kamay ko. “H-ha?”

Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi niya at napailing na para bang hindi siya makapaniwala. “I just… watched a beautiful scenery today than the sunset.”

My Happy CrushWhere stories live. Discover now