Agad akong lumapit kay Yuri para yakapin siya. Tinanggap niya 'yon at niyakap din ako. Alam kong marami siyang pinagdadaanan ngayon. May mga bagay na hindi pa niya naaayos hindi lang sa sarili niya pero pati na rin sa mga pamilya niya. Pero heto siya at handa pa ring tumulong sa 'kin. 

Ang sama ko ba dahil pinag-isipan ko siya ng masama? Masama ba ko dahil pumasok sa isip ko na baka may balak siyang patayin si Keifer dahil sa papel na nakuha ko sa gamit niya? Ang sama ko ba dahil pinadududahan ko siya? 

Alam kong mabuting tao siya kaya nahihirapan talaga akong tanggapin ang mga nangyayari sa kanya.

Gusto kong malaman ang totoo, dahil ayokong husgahan siya sa kakarampot na bagay na alam ko.

"Malaki ang kasalanan ko sa 'yo. Gusto kong makabawi sa mga nagawa ko," bulong niya sa 'kin at hinalikan ako sa ulo. "I regret forcing you to be with me, to be my fiancée. Dapat inalam ko muna ang kalagayan mo."

Umiling ako. "Pareho tayong my mali do'n."

"See? That's what I'm talking about," sabi ni Percy kaya tinignan namin siya bago ako bumitaw sa pagkakayakap. "Isantabi muna natin for the sake of Jay-Jay. I'm definitely with Yuri. . . only for Jay-Jay."

"I'm always willing to do everything for my girl," sabi ni Keifer at hindi ko maiwasang mapangiti.

Tinignan naming lahat si Aries na parang ayaw pang pumayag sa pinagkakasundaan ng tatlo. Tumingin siya sa 'kin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"For the sake of my sister, pero kung hindi tungkol sa kanya wag niyong asahan na magiging okay tayong lahat."

Matigas pa rin loob niya talaga.

"Pwede na, pwede na," sabi ni Percy habang tumatango. "Kesa naman hindi tayo magkasundo-sundo. Pag-usapan natin ngayon ang gagawin."

Napatingin ako kay Keifer nang makita kong nakalahad ang kamay niya sa 'kin. Tinanggap ko naman bago niya ko hatakin palapit sa kanya at halikan sa noo. Inakbayan niya pa ko pero agad na hinampas ni Aries ang kamay niya kaya napabitaw siya. 

"Hindi kasama yang paglandi mo sa kapatid ko," gigil na sabi niya at sinenyasahan akong lumapit sa kanya.

Lumapit naman ako habang nakanguso. Pinandilatan niya ko ng mga mata na para bang sinasabi na 'Manahimik ka dyan'. Umoo na lang ako at tumayo sa tabi niya. 

Napakasungit akala mo naman walang jowa.

Humarap ako kay Percy na kasalukuyang binababa ang mga hawak sa lamesa.

"So, ganito. . ." panimula ni Percy at lahat kami sinugurong nasa kanya lang ang atensyon.

Lumapit pa si Yuri para marinig ng maayos ang sasabihin niya. Seryoso kaming naghihintay dahil mukang may plano na siya. Kagaya nga ng sinabi ko minsan lang siyang magseryoso kaya malamang na marami siyang gustong ibahagi sa 'min.

"Dadalhin natin si Jay-Jay. . . sa mental hospital," sabi niya at napahagulgol ako ng iyak.

Tangina naman!

Sunod-sunod ang pagmumura ng kapatid ko. Hahablutin na sana ni Keifer si Percy pero inawat kagad siya ni Yuri. Nagsimula kaming magkagulo at halos hindi na magkarinigan dahil sa sabay-sabay na pagsasalita. 

"Malala na ba ko para dalhin sa mental?" umiiyak na tanong ko.

"You son of a btch! Maraming kabaliwan ang kapatid ko pero normal pa rin yan!" galit na sabi ni Aries.

Ay wow! Salamat sa pagtatanggol.

"Ang tino-tino ng usapan!" inis na sabi ni Yuri habang inaawat pa rin si Keifer.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now