"Alam mo bang pwede kaming mamatay dyan sa air freshener mo?" inis na tanong ko.

"Sis, mas nakakamatay pa rin amoy ng hininga mo,"

Ay gago, paalala mo pa!

Bwisit talaga 'to! Nasipilyuhan ko na ang bibig ko tapos meron pa rin siyang naaamoy.

"Hiyang-hiya naman ako sa amoy ng tae mo!"

"Yes, mahiya ka sa amoy ng gwapo," mayabang na sagot niya.

Initsa ko ang paa ko para sipain siya pero humakbang lang siya palayo para makaiwas. Tinawanan pa niya ko. Hahabulin ko pa sana siya ng isang sipa pero tinawag ako ni Keifer na umagaw ng atensyon ko.

Husay talaga mang-inis.

"Are you okay?" tanong sa 'kin ni Keifer.

Kinusot ko ang isang mata ko bago siya harapin. "Okay naman, makati lang 'to."

Ginamit niya ang dulo ng shirt niya para punasan ang mga mata ko. 

"Ako din, punasan mo mga mata ko. Sumasakit kasi dahil sa kalandian niyo," may inis na sabi ni Percy habang nilalapit ang muka kay Keifer.

"Fvck off," sagot naman ng Hari sa kanya.

Bahagya lang naman tumawa ang step-brother ko. Nagpamaywang pa siya habang tinitignan kaming lahat. Nang makaayos kami lalo na si Aries tsaka siya nagsalita. 

"Kalmado na kayo? Wala ng mag-aaway?" tanong niya at tumingin naman kami sa kanya. "Pwede ba, kapag tungkol sa kalagayan ni Jay-Jay kumalma kayo? Lalo na kayong dalawa," sabay turo kay Keifer at Aries.

Umiwas naman ng tingin ang dalawa. Syempre hindi nila matatanggi na sila talaga lagi ang may issue at mabilis magkainitan ng ulo. Kahit ano naman yatang dahilan ikakagalit nila. Kahit nga yata alikabok pag-aawayan pa nila.

Hindi ko naman sila masisisi.

Ang dami nilang pinagdaanan. Nagkaroon ng malaking lamat ang pagkakaibigan nila, nasira ang tiwala sa isa't-isa at wala man lang maayos na pag-uusap mula sa pagitan nila.

"Para kanino ba 'tong problemang sinusubukan niyong solusyunan?" seryosong tanong ni Percy.

Kapag talaga nags-seryoso siya naninibago ako. Hindi ko maiwasang isipin na galit siya. Pwede ring hindi kasi bagay sa kanya.

"Learn to set aside your issues. This is for the sake of your sister. . . " sabi niya kay Aries. "And your girlfriend," sabi niya kay Keifer.

Tumaas ang isang kilay ng kapatid ko. Parang may pumitik sa pasensya niya at mukang kinagalit ang sinabi ni Percy.

"G-Girlfriend who? They're not fvcking dating. My sister is no one's girlfriend. Don't you ever say that. She's not Keifer's girlfriend," sunod-sunod na sabi niya at parang gusto ng sugurin si Percy.

Ito na naman nga.

"Kasasabi ko lang kumalma!" sagot ni Percy pero hindi siya pinakinggan ni Aries. "May space kasi 'yon, girl, space, friend!"

"Enough with the jokes," sabi ni Yuri kaya napatingin kami sa kanya. "Percy is right. We should all set asides our personal issues to each other. Pare-pareho lang naman tayo ng gusto, ang malaman ang lagay ni Jay-Jay at matulungan siya. I'm willing to deal with it later, kayo ba? Who's with me?"

Si Yuri na mapagpasensya. 

Isa rin siyang naapektuhan at nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan kay Aries. Madalas umiiwas siya sa kapatid ko pero ito siya ngayon at handang isang tabi ang gulo nila at hindi pagkakasundo. Hindi ko maiwasang, nakakalambot ng puso. Parang mamon.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora