Ay, talaga nga naman.

Hindi talaga pwedeng hindi sila magpapaligsahan. Nauwi na nga sa pagtatalo. Syempre sasagot pa rin 'tong Hari dahil nga hindi siya papayag na malamangan.

"Of course! I'm always better than you!"

Sumagot na nga. Kundi dahil kay Yuri na naiipit na ngayon sa kanila malamang kanina pa sila nag pang-abot. Pero mukang gigil na talaga sila sa isa't-isa. 

Tinangka ni Aries na lumapit para itulak si Keifer pero si Yuri ang natulak niya. Mabuti na lang at hindi malakas ang pagkakabagsak niya, agad ko rin siyang nilapitan. Gumanti naman ang Hari, mabilis niyang nahablot ang kapatid ko at may pwersang itinulak. Hindi siya tumumba pero sapat ng dahilan 'yon para magsimula silang magsuntukan.

"Hoy! Hoy!" sita ko habang tinutulungan si Yuri.

Umamba na ng suntok si Aries pero bago pa tumama 'yon may nag-spray ng air freshener sa 'min. Oo, sa 'ming lahat, kasama ako.

Tangina. Napakahusay naman talaga.

Agad akong napapikit at tinakpan ang muka ko gamit ang mga kamay ko. Humapdi ang mga mata ko at halos hindi ako makahinga dahil sa amoy. Mabango naman sana kundi lang sa mismong pagmumuka namin ini-spray.

"Ayan, air freshener para ma-fresh ang utak niyo," sabi ni Percy at walang tigil sa pag-spray.

"Stop! Stop it!" galit na sabi ni Aries.

"It burns my eyes!" sigaw ni Keifer.

"What the hell! Stop it Percy!" si Yuri na nasa tabi ko lang at halatang hirap na ring huminga dahil sa sunod-sunod na pag-ubo.

"Tama na!" mangiyak-ngiyak na sabi ko.

Buti na lang at parang naubusan na ng laman ang bote. Kanina pa niya kasi ini-spray ang laman no'n sa CR buhat ng dumating siya at ngayon tuluyan nang nawalan ng laman. Inalog-alog niya pa 'yon at tinangkang pindutin ulit.

"Ay ubos na," sabi pa niya.

Kanya-kanya kami ng punas sa mga muka namin at pag-ubo para lang mawala ang epekto ng ginawa ni Percy sa 'min. Nalalasahan ko sa dila ko ang paet kahit hindi ko naman nalanghap ng direkta lahat.

Kainis. Buti sana kung masarap ang lasa.

"What the fvck Percy!" dinig kong sabi ni Yuri.

"You wasted the whole bottle just to piss us off!" galit na sabi ni Keifer.

"Sulit naman, edi natahimik kayo?"

"Kaso mata at baga naman namin ang nadali! Ayusin mo naman!" inis na sabi ko habang unti-unting dinidilat ang mga mata.

Dinig ko ang patuloy na pag-ubo ni Aries. Nakaramdam ako ng kaba dahil parang nahihirapan na siyang huminga. Nang makadilat ng maayos agad ko siyang nilapitan. Hindi ko maiwasang matakot lalo na't may tama ang baga niya...Na kagagawan ko.

"Aries," tawag ko sa kanya. 

Itinuro niya ang lalamunan at sumenyas ng inumin gamit ang kamay. Nakuha ko naman ang ibig nyang sibihin kaya agad akong kumuha ng miniral water sa lamesa. Binuksan ko 'yon at inabot sa kapatid ko.

Bahagya siyang nakaginhawa pero panay pa rin ang ubo. "Damn, that itch my throat."

Buti naman at yun lang epekto sa kanya.

Hinarap ko ang step-brother kong ini-spray ang natitirang laman ng bote sa katawan niya. Akala yata niya ginhawa sa ilong ang amoy no'n, kahit mabago masakit kaya sa pang-amoy.

Ang Mutya ng Section E (Book 3)Where stories live. Discover now