Gusto niyang matawa ng makarinig ng nagmamartsang yabag palayo sa kanila.

Akmang paghihiwalayan niya ang mga labi nila ni Dark ng yakapin siya ng binata at mas pinalalim pa ang halik na pinagsasaluhan nila. Dark's tongue slid inside her mouth and she moaned at the sensation it made her feel. Napayakap siya sa leeg nito habang mainit silang naghahalikan.

Mas naging mainit at mapusok ang halik na pinagsasaluhan nila ni Dark ng bigla nalang nilang narinig ang boses ni Ikov.

"Your highness." Tumikhim ito. "Breakfast is ready."

Nakangiting pinakawalan kaagad ni Dark ang mga labi niya at matiim ang mga matang tinitigan siya. "Yes, Ikov. We're coming."

Ikov left and Dark kissed her passionately again. Buong puso naman niyang tinugon iyon. Kissing Dark was like a necessity now. Hindi kompleto ang araw niya kapag hindi natitikman ang mga labi nito. And it was scaring her. Nakikinita na niyang darating ang araw na hindi na niya kakayaning mawalay pa kay Dark.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ni Dark, magkahawak kamay silang naglakad patungo sa kumedor kung saan naroon na naghihintay ang pamilya ni Dark.

They shared an amazing breakfast. Mababait ang mga auntie at uncle ni Dark. Minu-minuto ay tinutudyo sila. Syempre pa, hindi pahuhuli si mama Nikola na panay ang tanong kung may laman na bang tagapagmana ang tiyan niya. She would just blush and stay silent. Si Dark naman, pangiti-ngiti lang at hindi nagkokomento.

Pagkatapos ng agahan, dinala siya ni Dark sa rooftop ng palasyo kung saan may helicopter doon na naghihintay sa kanila.

"Get in," ani Dark at binuksan ang pinto ng helicopter. "Mamamasyal tayo."

"Mamamasyal tapos naka Helicopter?" Manghang tanong niya.

Dark smiled. "Just get in, agápi mou."

Kaagad namang sumunod si Anniza at sumakay sa Helicopter. Nang makaupo na siya ng maayos, sumakay na si Dark at nilagyan siya ng helmet. Magtatanong sana siya kung para saan ang helmet habang papataas ang helicopter ng magsalita si Dark.

"Naririnig mo ako?" Tanong nito na ikinagulat niya dahil narinig niya ang boses nito sa loob ng helmet. Nginitian siya ng binata ng makita ang gulat na ekspresyon sa mukha niya. "May nakalagay na mini-microphone at mini-speaker sa loob ng helmet para magkarinigan tayo. Maingay kasi, e."

Naatango-tango siya. "Ahh.."

Nasa himpapawid na ngayon ang helicopter at may nakikita siyang kabundukan at kagubatan sa ilalim. The mountain looked breathtaking. Talagang napaawang ang labi niya ng makita ang napakagandang kulay berdeng kabundukan.

Tinuro ni Dark ang kabundukan na tinititigan niya. "That's the Rodopi Mountain Range. And beside that is the Saos Mountain Range that covers the Samothrace Island. They said that the Samothrace Island is the island of the great gods. Naroon sa isla na iyon ang sikat na Statue ni Goddess Nike. Nakahimlay ang isla ng Samothrace sa Aegean's sea, one of the most famous sea where there are vast of archeological finds in the world."

Napatitig siya kay Dark. Nakatingin ito sa Rodopi Mountain Range habang nagsasalita.

Dark was really something. Gwapo, mayaman, mapagmahal, sweet at maramimg alam. Pero sa likod ng perpektong Dark Montero, nagtatago ang nakakatakot nitong ugali kapag nagagalit ito at iyon ang hindi perpekto sa binata. Pero hindi man ito perpekto sa iba, para sa kanya, perpekto pa rin si Dark. His imperfection made him who he was. At iyon ang lalaking minahal niya.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

Napakurap-kurap siya at nagtama ang mga mata nila ni Dark. Nakatingin na pala ito sa kaniya.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroWhere stories live. Discover now