CHAPTER 11

2.3M 44.2K 12.4K
                                    

 CHAPTER 11

HINDI makatulog si Anniza kahit anong pilit niya. Magkadikit ang mga hubad nilang katawan ni Dark habang yakap siya nito at siya naman ay nakaunan sa braso nito. Sinusuklay pa rin nito ang buhok niya pero hindi siya dinadalaw ng antok.

Ito ang unang pagkakataon na may lalaki siyang makakasamang matulog sa kama niya at hindi siya mapakali.

Anniza was thinking hard of what to say to Dark when she remembered the conversation back at the dining room earlier.

"Bakit mo 'yon ginawa?" Basag niya sa katahimikang bumabalot sa kanila at patagilid na nahiga para makaharap siya kay Dark. "Ten million ang pagkakabili mo sa lupa. Bakit five million mo lang pinagbili sa amin?"

Dark continued brushing her hair. "Honestly?"

Hinuli niya ang mga mata nito. "Yes."

Parang nagdalaawang isip pa ito bago sumagot. "I want to be in your parent's good side, Anniza."

Nagtataka siyang nagtanong. "Bakit naman?"

"Sa akin nalang 'yon," anito saka misteryusong ngumiti.

Pinaikot niya ang mga mata. "Ewan ko sayo. Hindi ka matinong kausap."

"Paano ako titino e baliw na baliw nga ako sayo?"

Ilang segundo siyang natigilan kapagkuwan ay naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya. "A-Anong s-sabi mo?"

"Ayoko nang ulitin," natatawang sabi ni Dark at pinangigilan ang pisngi niya. "Nakakahiya."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit ngayon ka pa nahiya? Hindi ka nga nahiya nang halikan mo ako sa maraming tao Tapos ngayon mahihiya ka?"

Kaagad na sumama ang mukha ni Dark saka napailing. "Hayan na naman tayo sa mataba ka at dapat akong mahiya na kasama ka." Masuyo nitong sinapo ang mukha niya at pinakatitigan siya sa mga mata. "Anniza, hindi ako nahihiya na kasama ka. I could kiss you in front of so many people and I wouldn't care less what they think. Kasi sa mga mata ko, ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko."

Umiling siya, hindi siya naniniwala. "Hindi ko matatanggap iyang sinasabi mo hangga't hindi ako nagiging sexy."

Bumuga ng marahas na hangin si Dark. "Anniza, maganda ka. Bakit ba hindi mo yun matanggap?"

"Kasi hindi ako sexy," diin niya.

Dark puffed a breath again. "Fine." Irritation filled his voice. "You want to be sexy? Mag gym tayong dalawa. Sasamahan kita."

Napamulagat siya. "Talaga? Pero nakakahiya mag gym kasi maraming nakatingin sa akin tapos—"

"Mas sarili akong gym sa bahay, puwede mong gamitin 'yon."

Natigilan siya at may pagdududang tumitig sa binata. "Tutulungan mo talaga akong magpa-sexy? Like Megan Fox sexy?"

Gumuhit ang iritasyon sa mukha nito. "I like Anniza Gonzales body better. Pero kung iyan ang gusto mo, sige mag gym tayo. Pero may isa akong tanong bago kita tulungan sa kabaliwan mong pagpapapayat."

Nagsaubong ang kilay niya, may kaunti siyang kabang naramdaman sa itatanong nito. "Ano?"

"Bakit mo 'to ginagawa?"

Natigilan siya. Bakit nga ba? She had tons of reasons. Pero ang talagang pinakamabigat niyang rason sa pagpapapayat ay ang kagustuhan niyang matanggap sa lipunan. Dahil kahit ano pa ang sabihin ni Dark, magka-iba pa rin ang trato sa mataba at payat.

"Gusto kong pumayat kasi—" Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Kasi gusto kong matanggap nila ako. Gusto ko na mahalin din ako ng totoo. Sa tingin ko kasi makukuha ko lang ang kagustuhan kong iyon kapag pumayat ako. Dahil sa karanasan ko kay Paul, natutunan kong size na pala ang basehan ng pag-ibig ngayon. At halata naman, palaging may plus points kapag sexy. Masakit man aminin, pero ganoon na siguro ang mga tao ngayon, kapag may magandang mukha at sexy, napakadali para sa kanila na pagbigyan at asikasuhin ito ng may respeto. Pero kapag plus size, parang napakahirap sa kanila na asikasUhin kami. I always feel it, you know, being degraded because of I'm a plus size. So please, help me." Nangungusap ang mga mata niya.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon