CHAPTER 2

2.2M 44.7K 14.9K
                                    

CHAPTER 2

PARANG nauupos na kandila na umupo si Anniza sa katapat na upuan ni Dark. Hiyang-hiya siya sa sarili at pinagdarasal niya na sana bumuka ang lupa at nang mailibing niya ang sarili sa sobrang kahihiyan.

"Well?"

Hindi siya makatingin kay Dark. "A-Anong well?"

Huminga ng malalim ang binata. "What are we going to do now?"

"Hindi ako buntis," mabilis niyang sabi sa isiping makakatulong iyon para umalis na ang lalaki.

"At paano ka naman nakakasiguro?"

"Basta. Ano... kasi ... basta. 'Yon na 'yon."

Ilang segundo itong natahimik bago nagsalita ulit. "Look at me, Anniza."

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa binata. "A-Ano ba ang kailangan mo sakin?" Pinaghalong kaba at hiya ang nararamdaman niya. "Oo, may nangyari satin pero kailangan bang gawing big deal 'yon? One night stand happens all the time, Mr. Montero."

Mataman siya nitong tinitigan na walang emosyon ang mukha. Para itong galit kasi nakatiim ang bagang nito pero wala naman siyang mabasa sa mga mata nito.

"Yeah, one night stand does happen all the time," sang-ayon nito na tumango pa. "Fine. I won't make it a big deal about it."

Pilit niyang nginitian ang binata. "Salamat. Nangyari lang naman 'yon kasi lasing ako at lasing ka. I'm sure kung nasa matino akong pag-iisip, hinding-hindi ako makikipagtalik sayo at ganoon ka rin naman."

A strange emotion crossed his eyes. "Oh, okay." Inginuso nito ang pagkain na ini-recommend niya rito. "Eat up. Para sayo yan."

Napatingin siya sa pagkaing paborito niya. Naglalaway na siya pero kailangan niyang pumayat para makita ng Paul na 'yon kung sino ang niloko nito.

Umiling siya. "Ayoko."

Kumunot ang nuo nito. "At bakit?"

"Kasi, d-diet ako," nahihiya niyang pag-amin kasi wala namang nangyayari sa pagda-diet niya.

Parang hindi ito makapaniwalang natawa. "For real?"

Tumango siya pero ang gusto niyang gawin ay irapan ito. Bakit ba nagdududa ito na on diet siya? Dahil ba hindi pa rin nababawasan ang timbang niya?

Tumayo si Dark sa kinauupuan at umupo sa katabi niyang silya. Halos mapugto ang hininga niya dahil sa sobrang lapit nito. She smelled his manly scent which seemed to seduce her to lean in closer to him. Hindi maiwasang maalala niya ang nangyari sa kanila kagabi na parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa isip niya.

Good God! Stop it, brain!

Itinulak ni Dark ang pinggan na may lamang pagkain patungo sa harapan niya. "Eat up. I order that for you. Huwag mong sayangin. Maraming bata ngayon ang walang makain tapos ikaw na may nagbibigay ng pagkain ay on a diet?"

She looked at Dark disapprovingly. "Ayoko nga. Nag da-diet ako at ayokong kainin 'yan. Tataba ako lalo."

Dark raked an appreciable look over her body. "Hindi ka naman mataba. Malaman ka lang. Ilan ba ang timbang mo?"

Napanganga siya. She was horrified at that question. "A-Anong... b-bakit ba pati yan pinakikialaman mo? That's personal!"

Amusement danced in his eyes. "Personal? We already got personal last night."

Kasing pula ng ketchup ang mga pisngi niya dahil sa sinabi nito. She could perfectly remember how they got personal last night.

"P-Pati ba n-naman din 'yon?" Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Kailangan mo ba talagang sabihin 'yon?"

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon