Chapter 9: Thank You I

97 3 0
                                    

Chapter 9

Abby POV:

Kakarating ko lang pala. Nandito na ako sa bahay ngayon. Palagi ko nga palang iniisip ang sinabi ni Kezia. Dapat ko ngang pasalamatan si Xander. Pero pano?

(-_-)

Ang hirap naman neto. Paano ko ba dapat pasalamatan ang taong yun?  Ni hindi ko nga alam kong anong mga ayaw at gusto nun. Ayoko namang magtanong. Di ko kaya yun.

(ISIP-ISIP)

" Miss? Ano pong gusto niyong kainin mamaya? " tanong nung maid 

" Kainin? " 

Hmm.. Kainin? Alam ko na! 

" PAGKAIN! " sigaw ko

" Oo Miss! Ano pong pagkain ang gusto niyo? "

" Ahhh! Hindi. Gusto ko ako ang magluluto! Ihanda niyo nalang ang kitchen room " sabi ko

" Opo Miss " 

Tama nga ako! If you want to thank someone, pagkain lang ang sagot. 

:)

Pero teka! Hindi ko alam kung ano ang ayaw at gusto niya. Paano ba ito? Tatanungin ko? 

" Miss! May tumatawag po sa telepono. Si Miss Kezia po "

*

[Hello] 

[Hey! May nakalimutan ka]

[Huh? Anong nakalimutan ko?]

[Yung autograph notebook mo. Ikaw kasi! Kung anu-anong iniisip mo kaya nawala sa isip mo yung autograph notebook]

[Ganun ba? Cge jan muna yan. May gagawin pa kase ako e at salamat din pala sayo Kezia you just gave me a hint. Bye]

[Wai--]

END CALL

Salamat talaga sayo Kezia. Now I know kung papano ko malalaman kung ano ang mga ayaw at gusto ni Xander.

Pupunta muna ako sa room ko at magbibihis. Dapat ko nang gawin ito ng maayos.

***

*tok-tok*

" Teka sandali " 

" Pwede magtanong? " sabi ko

 " You're already asking " sagot ni sungit

" Ahhmm, eto kasi eh "

Hindi ko kaya 'to. Parang nawala yung courage ko. Nakakahiya eh.

" What? I don't have much time to play games with you "

" Catch! " sabay hagis ko sa  notebook

Tinignan niya lang ito na para bang nagtatanong kung ano ang gagawin. Sana naman pumayag siya. 

" An autograph? What's this for? "

" Could you please sign the autograph? Project kasi sa school " sabi ko

" Project? What kind of project? "

" Basta! Cge na "

" Alright " sagot nito

" Talaga? "

Our Sweet Romance [ ON-GOING ]Where stories live. Discover now