13

146 26 1
                                    

Noong sumunod na araw na yon ay as expected, wala na naman akong maramdaman na kahit anong masakit sa katawan ko.

Lumabas ako ng kwarto only to open the door for my parents. They barged inside our apartment. It was a relief dahil ginawa nila iyon noong ako lang ang tao sa bahay.

"Anong ginagawa niyo rito?" mahinahon kong tanong pagkabukas ko ng pinto.

They were banging the door so I had to get it kaagad.

Hindi ko pa man pinapatuloy ay hinawi na nila ang kamay ko, violently. My mom started searching every drawer sa sala namin.

"Ma, ano ba?!!" sigaw ko sa kanila.

Tiningnan niya ako. Kita ko ang panginginig ng labi niya dahil sa gigil.

"Saan mo dinala ang pera ng tatay mo?" nanggigigil na tanong niya sa akin.

Kumunot ang noo ko ngunit ang galit at kita pa rin sa mga mata ko.

"Anong pera?" tanong ko sa kanya.

Tiningnan ko si Papa na ngayon ay nakahalukipkip at hindi makatingin sa akin.

"Pa," tawag ko sa kaniya. "Anong pera ang sinasabi ni Mama, Pa?"

"Huwag ka nang magmaang maangan pa," kinuha muli ni mama ang atensiyon ko. "Sabi ng Papa mo ay ibinigay niya sa'yo ang perang napanalunan niya sa sabong kaya ilabas mo na!"

"Ano?!"

I don't know what shocked me. The fact na sinabi ni papa na nagbibigay siya sa akin ng pera kahit hindi o ang pagsusugal ni Papa?

"Ano po ba ang tingin niyo sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Na mukha akong pera?! Not! Hindi ako ganon at mas lalong hindi ako nabibigyan ni Papa ng pera dahil siya ang humihingi sa akin!"

Hinarap ko si Papa.

"Pa, magsalita ka naman!" pagmamakaawa ko dito. "Ni hindi ko nga alam na nagsusugal ka na tapos pupunta kayo dito at paghahanapan ako ng pera?"

Napaatras ako ng isang hakbang. Napapikit ako.

"Simula nung umalis ako sa bahay para sa pangarap ko ay wala na akong natanggap na pera mula sa inyo. Ako ang bumuhay sa sarili ko! I had to get multiple jobs just to get through college!"

"Pinili mo yan!" sumbat ni Mama. "You made your choice even when the consequences of your decision was very clear!"

"Because that was my dream!"

Alam kong bastos pero kahit ngayon lang... I want to defend myself from them. They want something that can only make them happy. They're selfish.

"Sabi ko gagawan ko ng paraan ma! Suportahan niyo lang ako! That was all I needed but you were too selfish to give me that!"

"You wanted to feel happiness all fo yourself! Naisip niyo ba yung gusto ko ma? Naisip niyo ba na baka kaya mas pinili ko ang pangarap ko ay dahil sa doon ako masaya? I was able to give you money, ma! Dahil sa pinili ko ay napapadalhan ko kayo. Ano pa bang kulang ma?"

Sinampal niya ako but I didn't move. Not even a single inch. I was hurt multiple times and now I'm numb.

"Bastos ka."

Wala akong makitang luha o kahit anong pagsisisi sa nga mata niya. It was pure rage.

"Yun lang ba ang halaga ko sa inyo ma? Tagabigay ng pera? And the moment na hindi ako makapagbigay..." tiningnan ko si papa. "Pagbibintangan niyo na ako ng kung ano-ano?"

"Reina, tama na yan," biglang saway ni papa kay nama.

The corner of my lips rose from a thin line. Unti-unti akong natawa. I laughed like a devil.

"Ngayon pa, Pa?" tanong ko dito. "Now that everything's a mess?"

Hindi siya makatingin sa akin.

"Umuwi na lang po kayo..." nanghihinang sabi ko sa kanila.

When did this chaos started? Saan ba talaga nagsimula ang galit nila sakin? Is their rage for me that deep that they can lie just so they could defame me and have more reasons why they should disowned me? Again?

"Yung pera..." si mama

"W-wala sa kaniya, Reina..." si Papa.

Tumalikod na ako sa kanila. I feel so exhausted. Both physically and mentally.

Anak ba talaga nila ako? Am I really a part of their family? Bakit ganoon sila sakin? Ano bang nagawa kong mali? Am I really the problem? Anong mali sa akin? Anong hindi nila gusto sa akin?

Would everything change kapag binago ko ang sarili ko para sa kanila? Would they love me if susundin ko na sila?

I wanted to be successful just to prove them that I was worthy of their love and support. Pero bakit nga ba?

Why do I have to prove myself to them?

Those were the thoughts I left in my mind that night. I wrote my journal and was able to sleep, thanks to crying.

The next day, it was like nothing happened. Masama ulit ang pakiramdam ko nang magising and Drea was taking care of me too. Wala na ang gulong mga gamit sa sala dahil sa pagtatalo namin nina mama kahapon. I know I didn't clean them. Alam ko din na hindi uuwi si Drea pero bakit nandito siya?

Days like that repeated itself. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nangyayari.

I will wake up as soon as i fell asleep nang walang nararamdamang bigat sa pakiramdam. Mag-c-code at gagawa ng gawaing bahay. Tapos the next day, gigising na masama na naman ang pakiramdam, may sakit, nilalagnat.

Unti-unti ay nasasanay na ako. I just did what I usually do. Siguro ay talagang paliban liban lang ng araw ang lagnat ko.

Yun nga ba talaga?

Alter: GlitchWhere stories live. Discover now