Last Chapter

6.2K 158 30
                                    

"Maglaro kayo nitong water gun dahilan para mabasa kayong dalawa." photographer

Tumango kaming dalawa ni Julia at kinuha na yung water gun..

Nagtatawanan (peke) habang naglalaro kami. Basang basa na nga kami eh. Tapos nagkaakbayan habang tumatawa.

Tapos.

Minadali ko na para makakain na ako. Nagugutom na ako.

"Girlfriend ka ba ni Dj?" tanong niya sa akin

"Hindi." simpleng sagot ko tapos pumasok na sa cottage namin at naligo.

Habang nasa photoshoot kanina sila Nathalia at Krishna, napansin ko na sobrang close nila. Nagtatawanan. Nakakangitian. Para silang magkarelasyon. Lalo na at 'Dj' pa ang tawag ni Julia kay Dj.

Nakakainis tuloy para sa akin

Julia Barreto. Siguro nga hindi ko lang nalaman na may gf na si Dj. Pero kung meron mang sila, bat di sinabi sa akin nung apat?

Pagkalabas ko ng cr, nagbihis na agad ako tapos may pumasok dito sa kwarto ko. Pasalamat siya tapos na akong magbihis. Magsusuklay nalang ako

"Hi Kath!" babae lang pala =___=

"Hello" humarap ako sa salamin habang nagsusuklay. Nakakawalang gana pag nasa harap ko siya

"Kamusta si Dj? I mean, anong pinaggagawa niya habang wala ako?" so kayo nga? Tsk

"Nagsusungit parin."

"Weh? Sayo?"

"Oo"

"Nakahanap na pala yung ulol na yun"

"Ha? Anong sinabi mo?" nagsasalita ba to habang nakatalikod ako?

"Kelan ka pa sinungitan nun?"

"Matagal na. Simula nung nakilala ko siya" teka nga. Bat ko ba sinasabi lahat sa babaeng to?

"Ahhhhhhhh..." mahaba niyang sinabi, "Sige. Alis na ako. Sunod ka nalang ha" tumango nalang ako sa sinabi niya tapos umalis na siya

Nakacrop top ako tas shorts. Tas beach slippers. Kesa naman magheels ako sa buhangin diba? Edi nagmumukha na akong tanga dun

Pagkalabas ko ng kwarto ko, nakita ko si Quen na nakasandal sa pader. "Oy. Sinong hinihintay mo?" tanong ko sa kanya

"Ikaw. Malamang"

"Ako nalang ba mag isa dito?" tumingin ako sa paligid at napansin kong wala na nga sila

"Tara na?" ngumiti ako sa kanya at nakisabay na nga sa paglalakad, "Buti nalang pala at hindi sila lumalapit sayo para magpapicture. Maiiwan na naman ako sa ere" sabi niya sa akin

"Hahahaha. Ikaw kasi eh. Sumali ka na. O magstart ka sa modeling. Gusto mo, ako ang magsabi?"

"Wag na. Kakahiya sayo"

"Pero gusto mo?" umiwas siya ng tingin at ngumiti. Hahahaha. Sabi na nga ba--

"Oww.. aray"

"Kath. Ayos ka lang?" tanong niya sa akin at umupo sa harap ko

Tinignan ko yung paa ko. Tama. Namamaga "Sprain. I think" natapilok pa kasi ako. Naman! Bat ngayon pa?

Hinawakan ni Quen yung ankle ko kaya napadaing ako, "O-oyy! I-ibaba mo ako! K-kaya k-ko naman eh! Quen!" sinong magugulat pag bigla ka nalang binuhat ng basta.

At bridal style pa >/////< Pinagtitinginan na kami ng mga tao

Maya maya pa, pumasok kami sa cottage at pinupo. Kinuha niya yung first aid tapos lumuhod sa harap ko.

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon