Chapter 46

3.5K 105 4
                                    

Recess na. Pilit akong kinakausap ni Quen pero ayoko. Hindi ko kasi kaya eh. Lalo na at tungkol sa kanya yung pinag uusapan dito.

"Kath naman eh. Tungkol ba to sa atin?" pilit niya akong hinahabol hanggang sa napaadpad kami sa hallway na walang tayo

Hinarangan niya ako kaya napatigil ako, "Sabihin mo na Kath. Promise. Hindi ako masasaktan sa sasabihin mo" sabi niya at nagtaas pa ng kamay

"Sure ka?" sabi niya hindi daw eh. Tumango tango siya bilang sagot

Napabuntong hininga ako, "Hindi ko kaya Quen. Ayoko na dinadamay ka. Gusto kong gawin ito ng mag isa-nang walang ginagamit na tao"

Akala ko sisigawan niya ako at sasabihin na 'Kath! Gusto ko! Please..' pero hindi.

Isang ngiti ang natanggap ko mula sa kanya, "Alam ko naman eh." napakunot yung noo ko sa sinasabi niya. Ginulo niya yung buhok ko at inakbayan

"Naisip ko rin kasi yang sinasabi mo. Kung gusto kita, pero iba ang gusto mo-"

"Mawawala din"

"Okay okay. Fine *taas ng dalawang kamay* Gusto ko na ring mawala itong nararamdaman ko para sayo" tumigil siya sa paglalakad tapos humarap sa akin

"Alam ko na masakit para sa akin. Magkaibigan nalang tayo Kath. Pero hindi ganun kaclose. Kasi.." nagkibit balikat siya, "Alam mo naman ako. Kapag napapalapit sa babae, nahuhulog yung loob ko sa kanya"

"Lalayuan mo na ako?"

"Correction. Magmomove on na ako sayo"

Napatawa kami pareho sa sinabi niya, "Paano ba yan?" tinignan ko yung dinadaanan namin, "Salamat Quen ha. Sa lahat ng oras na binigay mo sa akin. To be honest, nakakalimutan ko si Dj at Liza kapag kasama kita. Pero... wala parin eh."

"Hahahaha! Hayaan mo na yun. Laro tayo?"

"Huh?"

"Kung sino ang mas mauna sa atin na mawala ang nararamdaman niya, mabibigyan ng latest model ng phone" nakangiting sinabi niya at tumaas taas pa yung kilay niya kaya napaisip ako. Hmmm.. lates model ng phone?

"Game! Laos na yung phone ko eh. Hahahaha!" napatawa nalang din siya sa sinabi ko, "So.. ilang days?"

"Hanggang Friday"

"Eh?! Apat na araw lang yun eh" hinampas ko pa yung balikat niya

"Challenge nga eh"

"Oo na! Ano rules?"

"Walang rules. Basta paunahan tayo na umabot sa 0% ang nararamdaman natin. Well ako, meron pang 85% na natitira"

"Ang laki naman agad ng nabawas" pagbibiro ko sa kanya

"Eh hinampas mo kasi ako eh" nagpout pa siya niyan. Hahaha

"Ako.. uhmm.. siguro mga.." napahawak ako sa dibdib ko, "75%. This past few days kasi, hindi ko na siya iniisip"

"Andaya naman. Ako palagi kitang kasama"

"Okay. Magtawagan nalang tayo para malaman ang percent natin. Okay ba yun?" nagthumbs up pa ako sabay ngiti sa kanya

"Okay!" then nagthumbs up siya.

Maganda to! Paunahan para makaprating sa 0%? Game!

***

89%

Yan ang akin ngayon.

Wahhh! Kakasimula palang ng game namin! Eh kasi naman,

Flashback

"Okay ka na ba Kath? Yung pisngi mo?" tapos hinawakan niya yung pisngi ko at chineck kung okay na

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon