Chapter 15

4.7K 128 3
                                    

Kung tanungin ko nalang kaya sina Daezen? Ehhh! Imposible naman kasi. Yun? Sa sungit na yun?! Iww lang. Magpapakamatay nalang ata ako dahil sa kasungitan nun sa akin

"Uyyyy... sige na... sabihin mo na kung bakit" pagpipilit sa akin ni Seth

"Wala nga. Okay?"

"Hindi kami kontento sa sagot mo" sabi ni Katsumi at nagpout pa. Eh ano naman ang aasahan nila sa akin?

Okay na nga eh. Tapos binalik ulit nila sa dati yung topic -__-

Yung tungkol sa pagsikat nila. Kung bakit ko raw natanong -__-

"Kasi ayokong malaman nila na naninirahan kayo dito sa bahay para lang bantayan ako na sinabi ni mama at papa. Okay na?" tuloy tuloy na sinabi ko, "Ang kulit."

Natahimik sila sa sinabi ko. Okkkkaaayyy. Sana hindi ko nalang sinabi. Ayan tuloy... naguilty. Tsk. Tanga ka talaga kahit kelan Kath

"Hindi naman namin sasabihin eh" napaangat ako ng tingin sa sinabi ni Katsumi. Napangiti ako dahil sa naintindihan niya yung magiging kalagayan ko pag nangyari yung di ko inaasahan

"Tama! At kapag sumikat kami, hindi ka namin kakalimutan" sabi ni Lester na sobrang hyper. So may balak talaga sila..

Baka nga unang araw palang.. wala na, "Opkurs lab ka namin Kath!" Seth

"Love na love na love" Jc. Tapos tumingin tingin pa sila kay sungit.

"Tsk"

"Sungit talaga" sabi ko. Oo sinabi ko. Hindi na bulong. Ako? Matatakot sa sungit na yan?

"Ano itong sinasabi ni Enrique" sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Kinapkapan ko yung bulsa ko nang wala yung cellphone

"Akin yan!" lumapit ako sa kanya na nasa sofa at pilit na kinu kuha yung cellphone ko mula sa kanya

"Kaya pala wala sinusuway mo kami dahil sa gusto ka niya" ngumisi siya kaya mas lalo akong nainis

Tinataas niya yung cellphone ko kaya mas lalong hindi ko maabot. Dahil ba sa matangkad siya? Aba! Maliit ako pero kayang kaya ko siyang lusutan!

"Ehem.. ehem."

"Di na namalayan na nakahiga na sa sofa at magkapatong"

"Heart heart"

"KathNiel forever!"

Agad kaming tumayo at nag ayos. At yun na yung pagkakataon kong kunin yung cellphone ko sa kanya

"Magnanakaw!"

"Gurang!"

"Pangit!"

"Mas pangit ka!"

"Mas pangit ka kaya! Pati ugali mo! Sungit!"

Binubuka niya yung bibig niya pero walang lumalabas na isang salita kaya napangisi ako, "Talo." tapos nagbelat pa ako sa kanya

Tama ang instict mo Kathryn. Imposibleng magkagusto ka diyan sa sungit na pangit na yan.

Pagtingin ko sa facebook ko, nakita ko na may nagsend ng message kay Enrique.

"Hindi kita gusto. Ang pangit pangit mo. Layuan mo na ako kasi ayokong makipagkaibigan sayo"

Letchugas naman oh!

"Hindi mo lang ninakaw ang phone ko! Nagsend ka pa ng message kay Enrique gamit ang account ko!" sigaw ko sa kanya. Natahimik naman yun apat

"Eh nilalapitan ka nun eh--"

"Para makipagkaibigan! Pero wala na siyang magawa kasi nandyan kayo na hinaharangan siya! Tapos nagsend ka pa ng ganito na siguradong nakasakit sa damdamin niya!" galit na galit na sigaw ko sa kanya. Hindi naman tungkol sa paggamit niya ng phone ko eh. Tsk. Litsi naman oh

"Ganyan na ba talaga ugali mo? Yung iniisip mo lang ang sarili mo? Oo hindi na niya ako lalapitan pero hindi mo ba naisip na nasaktan siya sa sinabi mo?! Bahala kayo sa mga buhay niyo! Mga tang*na naman oh!"

Umakyat na ako sa hagdan, "Lagot ka bregs. Nagalit siya. Kaw kasi eh. Napagag* mo rin. Damay damay na naman tayo diyan"

*blag!*

Malakas kong isinara yung pinto at humiga sa kama ko. Yung ang ganda ganda na nga ng mood namin kanina tapos dakilang panira na naman siya. Nakapagsalita pa ako ng masama dahil sa ginawa nya. Tss

Hindi naman sa as in concern ako sa Enrique na yun. Nakasakit kasi ng damdamin na yun dahil kang sa akin. Gusto lang naman makipagkaibigan yung tao tapos ganun ang sinabi sa kanya.

Kakausapin ko nalang siya bukas

***

"Enrique!" pagtatawag ko sa kanya. Mabuti nalang at hindi humarang yung limang itlog na yun. Tsk. Isa lang naman ang dahilan nun... yung ginawa ko kahapon.

Napansin niya ako. Kaso binilisan niya yung paglalakad niya kaya tumakbo na ako at hinarangan siya, "Sorry. Hindi ako yung nagsend sayo yun" sabi ko sa kanya habang hinihingal.

"Okay lang naman eh. Yung hindi mo pagpansin sa--"

"I already made my mind. Tinatanggap ko na" engot ka kapag hindi mo nagets

"Yung alin?" napatampal ako ng noo dahil sa kaengotan niya, "Joke lang. Toh naman oh" tapos pinisil niya yung pisngi ko. Natulala ako sa ginawa niya. Kasi wala pang gumagawa sa akin ng ganun

"Tara sa canteen?" pag aaya niya. Tumango naman ako dahil sa dinaanan na ako ng gutom, "Libre ko. Kasi tinanggap mo naman yung hiling ko" ngumiti ako ng pilit at nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen

"Bakit wala ata yung limang kasama mo?" natatawang sinabi niya. Napaiwas nalang ako ng tingin at hindi sumagot

Pagkapasok namin sa canteen, pinagusapan na kami agad

"Bakit magkasama sila?"

"Bakit hindi niya kasama ang Parking 5?"

"Nag away ba sila?"

Oo! Dahil doon sa sungit na yun, nadamay yang mga kaibigan niya! Mga gunggong

"Anong gusto mong ulam?" tanong ni Enrique habang nakapila.

"Parang yung sayo nalang" sabi ko. Tumango naman siya at nag order na nang lunch namin.

Hindi nga lang ako sanay na walang nagsusungit at walang tawanan sa paligid ko. Tsk. Kasalanan nila. Lalo na yung sungit na pangit na yun.

"Kath." sabi ni Enrique. Sinundan ko siya na maghanap ng upuan at umupo naman kami sa nahanap niya

"Sorry.." panimula niya kaya napakunot yung noo ko

"Anong sorry? Eh wala ka namang nagawang kasalanan" sabi ko habang pinupunasan yung kutsara at tinidor

"Kasi mukhang ako yata ang dahilan kung bakit kayo nag aaway" natahimik nalang ako. Ako na guilty. Pero kahit siya ang dahilan, wala rin namang mangyayari eh. Kami ang pinakagitna ng away na yun. May nadamay lang kasi

"Okay ka lang?" tumango ako at tinapos nalang ang kinakain ko.

"Ang ganda mo talaga Kathryn no?" nabilaukan ako sa sinabi niya. Agad niya akong inabutan ng tubig at ininom ko naman yun agad.

"May mali ba sa sinabi ko?"

"Oo. Bulag ka yata eh. Hindi ako maganda" sabi ko sa kanya at tumigil na sa pagkain. Baka mabilaukan na naman ako sa sasabihin niya maya maya

"Oo kaya. Magaganda talaga ang nasa Perfect 5" tama yung desisyon kong hindi na kumain. Kung ano ano kasi ang sinasabi eh. Pare pareho sila nina Lelay at Magui

"Pero alam mo Kath.." napatingin ako ng diretso sa kanya. Naging seryoso na kasi yung boses niya.

"Kahit hanggang kaibigan nalang ako.. hindi parin mawawala ang pagkagusto ko sayo"

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon