Chapter 18

4.4K 120 6
                                    

Pabalik balik ako sa mga lyrics na nababasa ko. Wahhh! Halo halo naman eh! Hindi ako makapili. Tapos bukas pa ipeperform. Paano na yan?! Huhuhu

"Ayan" sabi ni sungit at binigay yung notebook niya sa akin. Nagsusungit na naman siya -__-

Binasa ko yung naisulat niya. Lahat ng binigay nang classmates namin, nandun lahat sa sinabi niya. Wow lang ha.

Teka..

O/////O

Pareho kami ng inisiip! Yung iniisip ko kanina lang! Yung tungkol sa nabasa ko!

Mind reader ba siya? ~.~

"Sungit." tumingin siya sa akin with his oh-so-sungit-face -___-

"Pwede magparequest?" hindi siya sumagot. Napabuntong hininga ako.

Hay. Kahit ngayong araw lang naman diba? Tapos mag susungit na naman siya bukas sa akin. Para sa project no?

"Wag mo muna akong susungitan para madaling matapos ito. Kahit ngayon lang. Para ngayon ka lang din maging gwapo"

***

Hmmm... hmmm.. teka.. Ano ulit?! Nakalimutan ko na eh. Ganito yata. Mali..

(Ayoko naman kasing magtanong sa kanya no. Nakakahiya.) Sobra na kasi yung pagiging mabait niya. Aba! Dapat lang kasi once in a blue lang yan nangyayari!

"Gatas oh" sabi niya sabay abot ng gatas sa akin. Kinuha ko naman yun at nilapag sa may table at kumuha ulit ng tono

"Pangit na lasa niya kapag hindi mainit" ngumiti nalang ako ng pilit at tinignan yung lyrics na nagawa na namin

Maayos na yung lyrics at yung tono. Yung hindi lang namin magawa eh yung chords na ibabagay sa tono. Tsaka yung beat. Wahh! Pagod na ako! Inaatok na rin eh

"Hindi ba pwedeng ipagpabukas na natin to?" sabi ko sa kanya at nag unat unat.

"Bukas na yun magaganap. Hindi na pwede"

"Ehh? Inaatok na ako *yawn*" natawa ako sa sariling reaksyon ko. Okay na rin sa akin yung pag aarte niya na mabait. Hindi ko akalain na sobra sobra yung ipapakita niya.

Tumigil siya sa ginagawa niya kaya nagulat ako, "Ganito nalang. Uhmm..." tumingin siya sa malayo, "Matulog ka na para ako nalang ang gagawa. Okay? Kakanta ka nalang bukas at ako magigitara"

"Eh?! Hindi pwede! Nangangati yung kamay ko pag hindi ako naggitara!"

"Kung hindi ka matutulog sisirain ko gitara mo" banta niya sa akin. Bumabalik na kaya siya sa pagkasungit niya?

"May pambili ako!" ganti ko sa kanya at nagbelat sa kanya

"Diba sabi mo ngayong araw lang ako magiging mabait?" napabuntong hininga siya at tinuro yung wall clock. Malapit nang mag twelve

"Matutulog ka o susungitan kita!?" ayan! Sabi na nga ba nawawala na yung spell pag 12. Hahaha. De joke lang

"Oo na! Ito na nga oh!" umakyat na ako sa hagdan, "Sungit talaga"

Dumapa agad ako sa kama ko at unti unting bumagsak yung mga pilikmata ko dahil sa antok at pagod

Pero napamulat ako nang marealize kong...

Nakangiti ako

***

Nakalimutan ko! Nakalimutan ko!!

Mali.. hindi ko nakalimutan. Yey!

Ha?! Ano ulit yung ikalawa?

"Chill ka lang Kath. Bilhan kita ng milk tea?" sinamaan ko ng tingin si Jc. Nag iisip ako eh!

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon