Chapter 55

4.8K 102 2
                                    

"Hay sa wakas! Nakatulog ako ng maayos at regained na ang lakas ko!" sabi ni Krishna at nag unat unat pa ng kamay. Tapos lumundag lundag sa kama -___-

"Hoy! Baka masira yan" Mae

"Bakit? Ganun na ba siya kataba? Pfft" Daezen

"Hoy! H-hindi kaya ako mataba! Tsaka, modeling ako no. Hindi pwedeng tumaba ako!" pagtatanggol niya sa sarili niya at umiling iling pa. Namumula na nga sa hiya eh.

Ang pagkaka alam ko kasi, kagabi, marami siyang kinain pagkatapos nung concert namin dahil sa pagod. Buti nga hindi nabangungot dahil natulog siya agad eh

"Ikaw lang ba modeling?! Ha Krishna?!" Nathalia

Naging succesful yung concert namin kagabi. Sobrang saya talaga. Limang fans namin ngayon ang trending dahil sa, nakayakap siya sa amin, nakaselfie, naka authograph. Lahat na ng pwedeng gawin sa artista once in a lifetime mong makasama

"Dalian niyo niyo dahil mag eempake pa tayo at pupunta sa venue natin." oo. Agad agad, model na. Hay. Hindi pa masyadong regained yung lakas ko eh. Pero trabaho kasi.

"Oo na!" Mae habang kinuha na yung maleta niya at nagsimulang mag empake, "Excited lang kasi sasama yung lima at si Quen. Tsk" rinig kong bulong niya akay binatukan ko siya

"Ako pa excited kahit kayo?! Ha?!"

"Sabi ko nga. Hehe"

Yup. Sasama sa amin yung lima, at si Quen sa venue/beach kasi pasummer nalang din daw. Pero nabuking ko sila na, magbibigay sila ng advance birthday party/debut para sa akin -___- Si Dj yung tipo na mabubuking mo talaga pag may surprise siya.

"Buti nalang napatawad ka nila no--"

"Para makasama niyo sila. Ganern?" pagpuputol ko sa sinasabi ni Daezen. Kaya ayun, tumahimik nalang siya

"Kahit naman napatawad ka nila Kath, hinding hindi magbabago ang pagtingin ko sa Carlito na yun! Argh!" binto niya yung mga hanger sa may sulok tapos kumalma na ulit at nag empake

Hay nako. LQ. Sa love din naman sila mahuhulog eh. Yang pag aaway nilang yan ang magdadala sa kapayapaan ng pag ibig. Naks. Hahaha

"Oy nagtext sa akin si Lester. Sabi niya, 'Pakisabi kay Mae na siya ang Mae-hawak sa puso ko' Aish. Corny" Daezen. Bat ba hindi niya nalang sinabi--

"Kalma lang Mae! Wahhh! Wag kang humampas-- Aray! Sabi ko na nga ba eh!" ako -___- Paano ba naman kasi, nagtatalon talon pa. Tapos sa huli, nahampas niya ako sa kilig niya

Si Lester talaga. Pag bumanat, wagas. Pero di niya alam, nasasaktan kami sa mga banat niya. -___- May hampas kasi eh! T^T

"Tara!" sigaw ni Krishna. Napatingin ako sa hawak niyang maleta at bag

Nakabukas yung zipper tapos labas labas pa yung mga damit na halatang nagmamadali siya. =____=

"Sino ngayon ang excited?" bulong ko at kinuha na rin yung naempake kong damit sa may maleta

"Ano ba theme?" tanong ni Daezen habang naglalakad kami papunta sa elevator. Again, disguised kami -___- "Oww! Sakit nun ah! Bat ka ba nambabatok Natha-Lia?!"

"Nagtanong ka pa! Beach nga diba?! Kesa naman magpajama tayo? Hello?!"

"Hi-- aray. Sabi ko nga -___-" Mae

"So magsusuot pala tayo ng bikini" bulong ko at pinpindot na yung elevator. Nagbukas naman yun agad at pumasok na kaming lima.

Hindi ako sanay na magbikini. Lalo na at bakasyon na ngayon kaya sigurado akong maraming tao sa mga beach. Lalo na sa pupuntahan namin. Syempre marami ding nakaalam ng venue nung photoshoot namin. Kaya... maraming manonood sa amin

5 Handsome Guys in my HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon