Kabanata 1

39 4 0
                                    

II

Second person POV

Simone Soledad Ibañez

Monday

NASAAN na ba ang babaitang 'yon at bakit hindi sumasagot sa tawag ko kanina pa? Dumating na si Prof. Rolan, unattended pa rin siya. Naka-off ba telepono 'non? Ako ang malilintikan nito dahil malapit ako sa kanya, tiyak na ako ang pagbubuntungan ng galit ng nagliliyab naming propesor. 

Alam niyang may short test kami ngayon tapos ngayon pa siya liliban sa klase?

Nakakapagtaka lang dahil ni isang beses, hindi lumiliban ng klase si Farida. Alam naman niya ang obligasyon niya bilang estudyante. Huling balita ko sa kanya ay umuwi siya ng probinsiya para bumisita sa bahay-ampunan, kahapon ko pa nga kinukulit na magkuwento pero walang reply.

Tinuon ko ang atensyon ko kay Professor Rolan. Umagang-umaga pa lang, kita sa mukha niya na wala siya sa mood. Lagi na lang siyang ganyan tuwing umaga kaya sanay na kami.

Ibinagsak niya ang dalawang makakapal na libro sa mesa niya na nagdulot ng malakas na ingay para mapatili ang iba. Puyat na nga ang iba sa 'min dahil sa sunod-sunod na bigayan ng school work, tapos sa susunod na linggo, prelims pa namin.

Bahala na kung hindi man makapasok ngayon si Farida, baka naman may sakit 'yon kaya lumiban.

"Let's begin with the attendance." Umayos ako ng upo nang magsimula na si Prof.

At 'di nga ako nagkamali nang apelyido na ni Farida ang natawag dahil ngayon ay nakakunot na ang magkabilang pares ng kilay ni Prof.

"First day of the week, De Guzman is nowhere?" Umangat ang tingin niya sa akin.

"Ibañez, you're aware that this test I'm about to tackle in this class holds half of your grades. So you should know De Guzman could lose such a big score. Report to me later the reason of her absence since you're the closest to her." Napatango na lang ako at bumuntong-hininga.

"Yes, Prof. I'm aware po. Her phone is unreachable so–"

"I said, later. Hindi ba?" Natahimik ako at yumuko, tanging tango na lang ulit ang tugon ko.

***

Natapos ang klase nang walang balita kay Farida. Nag-aalala na 'ko ro'n, baka kung ano nang nangyari sa kanya. Alam ko naman hindi magtatampo 'yon sa akin para ipagsawalang-kibo ako ng ganito. Tsaka isa pa, kung may sakit man siya, ipapa-alam niya sa 'kin.

Sa ngayon, iba na talaga ang kutob ko kaya naisipan kong pumunta sa apartment niya.

Pumasok ako ng elevator nang makarating na 'ko sa apartment complex na inuupahan niya. Nang bumukas ay deretsyo lang ako pero napatigil ako nang makita ang isang lalaki mula sa 'di kalayuan, sa harap lang ng apartment ng kaibigan ko.

Nakasuot siya ng branded na damit, itim na long sleeve button up at itim na pang-ibaba. Pananamit pa lang, malakas ang dating. Matangkad ito at mukhang galing sa mayamang pamilya.

Kausap niya ang sumpunging landlord ng paupahang ito. Pero nagtataka ako dahil hawak niya ay isang malaking duffle bag na siguradong naglalaman ng maraming gamit. Ngayon ko lang din siya nakita rito kaya hindi siya pamilyar sa akin.

Nais ko sanang lumapit pero narinig ko ang sinabi niya sa landlord na ikinainis naman nito.

"I'll keep this duplicate key. Just in case she still need something from her apartment." Nilagay ng lalaki ang susi sa kanyang bulsa. Nakatalikod ito sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha.

"Hindi pwede. Yan na lang ang natitirang duplicate ko. At tsaka lahat ng apartamento rito, dapat may sarili akong susi. Pa'no kung nawala ang susi niya at wala siyang makuhang duplicate sa akin?" Nakapamewang na sabi ng matanda.

"She already lost it, that's why I used your spare key, tanda."  Aalis na sana ang lalaki pero hinarang ito ng matandang babae na landlord at hinawakan ang braso nito. Halata ang inis nito sa lalaki lalo na nang tawagin siya sa paraang iyon.

"Kahit na. Ako ang nagma-may-ari rito. Kaya pagmamay-ari ko pa rin ang mga pauhapahan sa bawat palapag. Kung gusto mo, magpagawa ka nalang ng duplicate ng susi na 'yan kung sakaling may ipapakuha pa siya."

Malalim na napabuntong-hininga ang lalaki dahil sa ginawang paghawak sa kanya ng matanda. Galit siya at halatang nagpipigil lang.

"If spare key is your problem, I'll make sure to return it to you the next time I come here."

Tinabig niya ang kamay nito at tuluyang umalis.

Sino naman pinag-usapan nilang dalawa?

Kakausapin ko sana ang matanda pero hindi kami magkasundo dahil medyo may pagka-strikta ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at kakatok na sana sa pintuan ng apartment ng kaibigan ko pero nahagip ako nito at lumapit.

"Nandito ka na naman, Soledad? Napapadalas ka yata ng punta, e wala na si Farida d'yan."

Kumunot ang noo ko.

Ano? Wala siya rito?

"Anong wala po ang ibig ninyong sabihin?" Humarap ako sa kanya.

"Yung lalaki kanina. Pinsan 'iyon ni Farida. Ayon! Kinuha ang mga gamit ng kaibigan mo, pati ang duplicate kong susi. Doon na raw muna kasi siya pansamantala titira at babalik na lang ulit dito kung may kukunin pa."

Dito na ako kinutuban ng masama.

Wala siyang kamag-anak dito sa Maynila kaya kanino naman pupunta 'yon?

Hindi ko na pinansin ang sinabi ng landlord at tumakbo ako papunta sa elevator, nagbabakasakaling mahabol ang misteryosong lalaki na iyon. Pero sa kasamaang palad, ayaw magbukas at nakapaskil ang signage—'under maintenance'.

Aba't paano inaayos 'e kakasakay ko lang dito kanina?

Dahil sa pagmamadali ay sinipat ko na lang ang daan pababa ng hagdan. Binilisan ko dahil baka 'di ko na maabutan ang nasabing pinsan ng kaibigan ko.

Nakakapagod. Dama ko ang lakas ng tibok ng puso dahil sa paglalakad at kaba.

Kaba na hindi ko maintindihan.

Pagkababa ko sa huling palapag ay hinabol ng mga mata ko ang likod ng lalaki papasok sa isang itim na Audi matapos ilagay ang duffel bag sa trunk na posibleng naglalaman ng mga gamit ni Farida.

"Sandali!" Tumakbo ako papalapit dito pero napahinto din lamang dahil sa paghihingalo. Pero huli na dahil kumaripas paalis ang kotse.

@s x a i s l e

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 09 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Private TownTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang