Chapter 5

3 3 0
                                    

Matinding kaba at takot ang naramdaman ni Patrisha nang mga sandaling iyon lalo pa at kasama niya ang kanyang anak. Gusto sana niyang tumakbo ng mabilis habang karga niya ang anak pero hindi niya alam kung paano niya pakikilusin ng mabilis ang kanyang mga paa, hanggang sa...

"Ikaw ang masasaktan kung hindi mo siya bibitiwan."

Mabilis na napalingon si Patrisha mula sa kanyang likuran sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. At doon ay nakita niya ang isang pamilyar na bulto. Agad na bumitaw naman mula sa pagkakahawak ang lalaki sa kanya dahil sa biglaang pagdating at pagsasalita ng tao na iyon. Nakita niya din ang sunod-sunod na paglunok nito na para bang labis itong natatakot ngayon sa pagdating ng kung sino.

"H-Hindi ko alam na kakilala mo pala siya. Pasensya na!" saad ng lalaki bago ito mabilis na kumilos paalis sa kanilang harapan at sumakay sa loob ng sasakyan kasama ang kasamahan nito.

"Okay lang ba kayo, Miss?" tanong ng lalaking nagpaalis sa dalawang lalaking nanggugulo kay Patrisha.

"Ikaw?" kunot-noong tanong naman ni Patrisha dito. Kilala niya ang lalaking ito at hindi siya maaaring magkamali.

"Ako?" Tila ang lalaki naman ay para bang walang kaalam-alam at hindi siya nakikilala.

"Oo, Ikaw. Ikaw na naman? Anong ginagawa mo dito? Teka... don't tell me... sinusundan mo ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Patrisha sa lalaki saka niya hinigpitan ang pagkakakarga sa kanyang anak. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay ang lalaking nakaengkwentro niya noong gabing magpunta siya sa bar sa Manila. Ito ang lalaking dalawang beses niyang nakabunggo na sa huli ay tumulong din sa kanya noon para tigilan siya ng mga bastos na foreigner na nangungulit sa kanya. Kahit na lasing siya nang gabi na iyon ay bumalik siya sa katinuan dahil sa lalaking ito kaya hinding-hindi niya maaaring malimutan iyon.

"Who is he, Mommy?" pagkuwan ay tanong ni Eros sa kanya.

Mabilis namang napabalin ang tingin ng lalaki sa kanyang anak. Napalunok siya nang manatiling tahimik lamang ang lalaki habang nakatingin lamang kay Eros, kaya naman mabilis na lamang siyang tumalikod dito. Pero pagkuwan ay mabilis din siyang pinigilan ng lalaki sa paglayo.

"Sandali—"

"Stalker ka ba?" Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nito dahil sa mabilis na pagputol niya dito.

"Miss Patrisha!" Kapwa silang napalingon mula sa isang maedad na lalaki na papalapit sa kanila. At nang mamukhaan niya kung sino ito ay...

"Mang Ben?" untag niya.

"Ako nga po, Miss Patrisha! Nakakatuwa naman at natatandaan mo pa po ako." Kilala ni Patrisha ang maedad na lalaki sapagkat ito ang katiwala at ang kasambahay ng Lolo niyang si Don Carlo. Bata pa lamang siya noon nang matandaan niyang nagtatrabaho ito sa kanyang Lolo. "Pasensya na po kayo kung ngayon lamang kami nakarating. Nasiraan kasi kami ng sasakyan kanina. At pagkadating naman dito ay agad akong tinawag ng kalikasan kaya napilitan akong maghanap muna ng banyo. Mabuti na lamang at mabilis kayong nakita nitong pamangkin ko."

"H-Huh?"

Ipinatong ni Mang Ben ang kamay nito sa balikat ng lalaking pinagbibintangan niyang stalker niya saka ito muling nagsalita, "Pamangkin ko po pala. Si Archer Sebastian. Driver at bodyguard din po siya ng lolo mo," pagpapakilala ni Mang Ben sa kanya sa lalaking nasa harapan niya.

Literal na napanganga si Patrisha dahil sa pagkapahiya sa lalaking pinagbintangan niyang stalker niya. What a coincidence nga naman! Maiisip niya ba naman kasing driver at bodyguard ito ng lolo niya gayong una niya itong nakita sa bar sa Manila!

"P-Pamangkin niyo po pala siya," mahina at nahihiyang sambit niya.

"Opo," tugon ni Mang Ben saka ito mabilis na nakangiting bumalin sa kanyang anak. "Ito na po ba ang anak ninyo?"

Her Indecent LoveWhere stories live. Discover now