Chapter 4

3 3 0
                                    

"She is with us, Bro!"

Kumabog sa kaba at takot ang dibdib ni Patrisha nang maabutan siya ng tatlong lalaking nangungulit sa kanya. At dahil doon ay wala sa sariling napahigpit ang hawak niya sa damit ng lalaking muli niyang nakabunggo at umalalay sa kanya. Na tila mabilis naman siyang nabasa nito kaya mahina siyang tinanong nito, "Kilala mo ba sila, Miss?"

Walang kahit na anong salita ang lumabas sa mga labi ni Patrisha nang mga sandaling iyon dahil sa kaba at takot na kanyang nararamdaman. Kaya naman tanging pag-iling lamang ang kanyang nagawa at naitugon sa estrangherong kadikit niya. Kumpara naman kasi sa tatlong lalaking nangungulit sa kanya ay mas katiwa-tiwala ang itsura ng lalaking nakabunggo niya. Dahil ito din ang lalaking nakaengkwentro niya sa loob ng bar kanina.

"Okay. Huwag kang mag-alala, ako ang bahala sa iyo," mahinang sabi ng lalaki sa kanya saka siya nito marahang hinila patago sa likuran nito at hinarap ang tatlong lalaki. "Sa tingin ko ay nagkakamali kayo, dahil ako ang kasama niya—" Hindi na nagawang maituloy pa ng lalaki ang sinasabi nito dahil hindi sinasadyang masuka ni Patrisha sa likuran nito. Muli na naman kasing naramdaman ni Patrisha ang labis na pagkahilo kasabay ng kung anong pag-ikot sa tiyan niya.

Napangiwi ang mukha ng tatlong lalaki at bahagyang napaatras nang makita ang madumi at ang maamoy na pagsuka ni Patrisha sa likuran ng lalaki. Napapikit naman ng mariin ang estrangherong lalaki na siyang nagtatanggol kay Patrisha at sa huli ay napahigit na lamang ng malalim na paghinga. Sa isang iglap ay tuluyan na nga ding nawala ang tatlong lalaki sa kanilang harapan.

"I'm sorry!" nahihiya at nahihilong sambit ni Patrisha pagkatapos niyang masukahan ang likuran ng estrangherong lalaki.

Hinarap siya ng lalaki na wala man lang kabakas-bakas ng inis o galit sa mukha nito dahil sa nagawa niya dito. At sa halip ay kalmado lamang na hinubad nito ang suot nitong leather jacket na nasukahan niya.

"It's okay, Miss. Ayos ka lang ba? Nahihilo ka pa ba? Sinong bang kasama mo dito?" Literal na natulala at napanganga si Patrisha sa lalaking nasa harapan niya na sa halip na magalit ay nagawa pa nitong mag-alala para sa kanya. "Miss?"

"Huh?"

"Okay, ganito na lang. Sabihin mo na lang sa akin kung saan ka nakatira, para maisakay kita at maipahatid sa taxi driver."

Sa halip na sumagot ay bigla na lamang siyang sininok habang nakatitig pa rin sa estrangherong lalaking nasa harapan niya. Kasabay din no'n ang kakaibang pagkabog ng kanyang dibdib sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Hindi tuloy niya alam kung dala pa rin ba ito ng kanyang labis na kalasingan.

Aaminin niyang gwapo ang estrangherong lalaki na nasa harapan niya. Malaki ang pangangatawan nito na bumabagay sa kayumangging kulay ng balat nito. His chest and shoulders are broad, and he has a perfectly pointed nose. Marami naman na siyang nakita at nakilalang gwapong lalaki sa buong buhay niya, ngunit hindi niya alam kung bakit tila may kakaiba sa lalaking ito na nasa kanyang harapan ngayon, na siyang nakakapagpa bighani sa kanya.

"Miss?"

"Huh?" Hindi naman niya maiwasang hindi mapatitig sa maganda at malalim na pagtitig ng mga kulay tsokolateng mga mata nito sa kanya.

"Saan ka nakatira?" muling tanong ng estranghero sa kanya.

"Sa'yo."

"Huh?" kunot-noong tanong ng lalaki sa kanya.

"A-Ang ibig kong sabihin... sa malayo," palusot na lamang niya sa kanyang pagkapahiya. "Hindi mo na ako kailangang isakay pa. Kaya ko naman na ang sarili ko. Salamat at pasensya ka na."

"Sigurado ka ba, Miss?"

Mabilis na tumango si Patrisha dito kasabay ng mabilis din niyang pagsagot, "Oo naman!" At pagkuwan ay napatingin siya sa hawak nitong leather jacket na nasukahan niya. Hindi man niya magawang magsalita ay bumalatay naman sa kanyang mukha ang labis na pagkapahiya at paghingi ng patawad sa abalang naidulot niya na mabilis namang nabasa ng lalaki.

Her Indecent LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon