Chapter 2

5 3 0
                                    

"Promise me, Baby, that you will behave in your Papa's house, okay?" mabuting bilin ni Patrisha sa anak.

"Yes, Mommy."

"You should obey your Papa Ethan and Mama Sydney there, okay?"

"Yes, Mommy."

"And lastly, don't fight with your brother and sister there, okay?"

"Yes, Mommy," magalang at paulit-ulit na tugon ni Eros sa kanya kasabay ng pagtango pa nito.

Ngumiti siya ng matamis sa anak. "Very good, Son. I love you! Always call me huh," bilin niya pang muli sa anak.

"I love you too, Mommy. Of course, I will!"

Ilang sandali pa ang nakakalipas nang magsimula nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. Finally, after 5 years ay nakabalik na siyang muli sa bansa.

Maayos naman ang naging pamamalagi nila ng limang taon sa New York. May maayos at stable siyang naging trabaho doon sa isa sa mga sikat at malaking kompanya. Kaya lang, iba pa rin ang saya kung nasa Pilipinas siya kasama ng kanyang mga kaibigan at ng kanyang mga magulang, kahit pa parang balewala siya sa mga ito.

Nang sa wakas ay nakababa na sila ng eroplano ay agad din naman nilang natanaw si Ethan kasama ang asawa nitong si Sydney, na matiyagang naghihintay sa kanila doon. Masayang kumaway ang mag-asawa sa kanila na agad naman nilang nilapitan.

"Papa!" masayang sigaw ng kanyang anak habang tumatakbo ito papalapit kay Ethan.

"Son!" Mahigpit na yakap ang iginawad ni Ethan sa kanilang anak dahil sa labis na pagkasabik nito sa bata.

Hindi ito ang unang beses na nagkita ang dalawa sa personal, dahil may mga pagkakataon na dinadalaw mismo ni Ethan at ni Sydney si Eros sa New York.

Mula nang ipagtapat ni Patrisha kay Ethan ang tungkol sa pagdadalang-tao niya ay nagtuloy-tuloy na ang communication nila para sa bata. Hindi niya ipinagkait ang kanyang anak kay Ethan at bukod doon ay palagi niyang ipinapaunawa sa kanyang anak ang tungkol sa relasyon at set up nilang dalawa. Nagkasundo din kasi sila ni Ethan na parehong magiging mabuting magulang para kay Eros. At bukod doon ay naging kasundo at kaibigan niya din si Sydney na siyang asawa na ngayon ni Ethan at ina ng dalawang anak pa nito. Walang bitter sa kanilang dalawa ni Sydney, lalo na siya dahil hindi naman naging sila ni Ethan. At sa halip ay naging magkaibigan pa silang dalawa.

Pagkatapos yumakap ni Eros kay Ethan ay yumakap din naman ito kay Sydney. Mama Sydney pa nga ang tawag ng kanyang anak kay Sydney, na siyang labis na ikinatutuwa ng babae.

"Welcome back, Trisha!" nakangiting bati ni Ethan sa kanya saka ito nakipagbeso sa kanya.

"Thanks!" tugon niya saka naman siya yumakap at bumati din kay Sydney. "Kayo na munang bahala kay Eros."

"Sure, Trisha! Ikaw? Paano ka?" tanong ni Sydney sa kanya.

"I'll stay with my friends. Si Nanay Lucy naman ay uuwi muna sa kanila," tugon niya.

"I see."

"Eros, Hijo, magpakabait ka sa Papa Ethan at Mama Sydney mo huh. Huwag kang pasaway doon," bilin ni Nanay Lucy sa kanyang anak.

"Don't worry, Nanay. I'll behave there. I promise!" tugon ni Eros saka ito mabilis na bumalin ng tingin sa kanya. "Right, Mommy?"

"Yes, Nanay Lucy! I already talk to him na and he promise that he will behave there," nakangiting pagsang-ayon niya sa kanyang anak.

"Mabuti naman kung gano'n. Very good ang baby namin," nakangiting sabi ni Nanay Lucy kay Eros saka nito ito hinagkan. Pagkatapos no'n ay bumalin ang matanda kay Patrisha. "O siya paano? Uuwi na muna po ako huh. Mag-iingat po kayo," bilin ng matanda.

Her Indecent LoveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu