Kailangan niyang mag take nang bagong gamot para sa kondisyon niya at hindi ko alam kung kaya ba nitong bawasan ang karamdaman niya.
Labag sa kalooban ni Dr.Jang na palitan ang gamot niya pero pinagpipilitan niya ito sa hindi ko malamang dahilan.

Wala namang sinasabi saakin si Dr.Jang tungkol doon at ang sabi lang niya ay gusto ni Taehyung na magpalit nang gamot.
Matagal na daw itong hinihiling ni Taehyung pero hindi niya maaprobahan dahil kailangan pa ni Taehyung na maobserbahan bago bigyan nang panibagong dosage ng gamot.

Kung ako ang tatanungin ay mas mabuti sigurong palitan nalang ang gamot niya kung hindi naman na umeepekto ang dating gamot nito,dahil lalong tumatagal ay nag-iiba din ang epekto nang gamot sa katawan nang tao.

Time Skips

Kalahating oras na kami dito sa salon at wala paring alam sina Sang Won at Jungkook na nandito kami.

Mahimbing ang tulog nila at si Taehyung ay umorder na nang snacks namin dito habang nasa treatment kami.

Wala akong balak na gisingin si Sang Won kahit nabuburyo na ako dito sa salon dahil sa sobrang tahimik at ito namang si Taehyung ay mukhang nakatulog na din.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko at tumingin sa malaking vanity mirror sa harap namin.

Taehyung: You Okay?

Nagulat ako't napatingin kay Taehyung nang bigla siyang magsalita.
Literal na napaurong ako sa gulat dahil sakanya.

Akala ko ay natutulog siya pero nakikiramdam pala siya sa mga nangyayari sa paligid.

"I-I'm fine".

Sagot ko habang nakatingin sakanya, maya-maya pa ay idinilat naman niya nang dahan-dahan ang mga mata niya at inihilig ang ulo sa direksyon ko sabay tumingin saakin.

Taehyung: You're lying.

Aniya at bigla naman akong nalito sa sinabi niya saakin.

"What makes you say that?".

Tanong ko naman sakanya nang nakakunot ang noo ko.

Taehyung: Anong iniisip mo?

Pagbalik nito nang katanungan saakin at nakaramdam ako nang pag-aalala nang sandaling iyon.

Napaisip ako nang idadahilan ko sakanya kaya ako nakaramdam nang kaunting kaba.
Umiwas ako ng tingin sakanya at tumingin sa salamin kaharap ang sarili ko.

"Kinakabahan lang ako para mamaya".

Pagsisinungaling ko.

Taehyung: Still can't get over it?

Tanong naman niya saakin at nilapatan naman nang therapist ng face mask ang mukha niya kaya siya muling napapikit.

"Yeah".

Simpleng saad ko.

Taehyung: Don't worry too much about it,hmm? You'll be fine out there.

Sabi nito saakin at pinalalakas ang loob ko.

Nakakatulong talaga ang encouragement niya saakin at mas lalo akong nagiging komportable kaya kahit na hindi naman talaga iyon ang iniisip ko ay nakatulong ito na palakasin ang loob ko para mamaya.

"I hope so, thanks for always making me feel better".

Napatingin ako sakanya at ngumiti.
He smiled back at me and held my hands that was resting on the massage chair's arm.

Taehyung: I'll always be behind your back...just like you always do,when I'm at my dramatic moments.

Aniya at tila nanlambot ang puso ko sa sinabi niyang iyon.
I remember those times that I became his drama partner, when he cried on my embrace and letting all of his burdens out with his tears dripping over me...I never thought that I would saw him broke down that moment.

Love Over A Thousand QuarrelsWhere stories live. Discover now