84|Love Over A Thousand Quarrels

48 10 0
                                    

DAINE's POV

Jungkook was really good at painting, he's such an Artist.
His painting looks so real and it was so pretty!
We really had a great time together on the Art's and Crafts Booth.

Pagkatapos namin sa Art's and Crafts Booth ay pumunta naman kami sa photo booth ni Lay Zshen at nag picture roon ng magkakasama.
Marami kaming nakuhang Polaroid pictures namin at tig-isa kami nito.

Jungkook and Sang Won seems to be getting along well and doesn't seem awkward at each other's company anymore.
I'm glad to see them like that.
It's a good start for the ship to sail.

Nag-order kami ng pagkain nung lunch time kasi ayaw ni Taehyung kumain sa Cafeteria,si Sang Won naman ang nagbayad ng lahat ng inorder namin.
Ang galante niya ngayong araw,eto siguro ang epekto ng isang Jeon Jungkook sakanya.

Kailangan ko na sigurong kumbinsihin si Jungkook na lumipat dito sa Konkuk para araw-araw manlibre si Sang Won.

Hapon na at kakaunti nalang ang tao ngayon dito sa field.
Nagsisi-uwian na kasi ang mga estudyante dahil buong araw rin itong school fair.

Nauna na ring umuwi si Jungkook at sinabi nalang saamin ang address ng pupuntahan namin mamaya dahil doon nalang kami magkikita...and guess what? Susunduin daw naman niya si Sang Won mamaya.

Gumaganun na sila ngayon hah!

Sa ngayon ay tinutulungan ko si Sang Won at Travis na magligpit sa Booth nila,si Taehyung naman ay out of sight din.
Mawawala siya tapos susulpot nalang din bigla-bigla.

Sang Won: Siya nga pala Teh,ano na ang ganap sa modeling thingy ninyo sa Bench?

Biglang tanong naman niya saakin habang nilalagay ang mga art materials sa box.

"Ayun, nag-aantay nalang kung anong araw exactly next week ang Fashion Runway Show."

Saad ko at napabuntong hininga ng maalala ang tungkol doon.
Wala parin kasing sinesend sina Leo at Kevin na exact date para doon.

Sang Won: Basta sabihan mo ako para naman makakuha kaagad ako ng invitation para dun,i won't miss the chance to see you cat walking on the runway!

Aniya at nakangiti pa saakin.

"Para sabihin ko sayo,hindi ako marunong nun atsaka nape-pressure ako dahil doon...ni hindi ko nga alam kung paano maglakad ng maayos eh... para akong siga sa kanto kung maglakad".

Sabi ko naman sakanya at isinarado na ang box na may mga gamit at binuhat.

Sang Won: Grabe ka naman teh! Gusto mong mag attend ng modeling class? May kakilala ako na nagtuturo nun.

Pag-aaya naman niya saakin at kinarga na rin ang box niya at lumakad na kami palabas ng tent.

"Hindi na noh,sayang lang sa oras yun atsaka nandiyan naman si Taehyung... sakanya nalang ako magpapaturo."

Ani ko at tinawanan naman niya ako kaya naman nakakunot-noo akong napatingin sakanya.
Wala namang nakakatawa dun ah!

Sang Won: Seryoso ka ba diyan?!

Natatawang tanong pa niya saakin.

"Oo naman! Ano bang problema doon?".

Walang kaalam-alam na tanong ko sakanya.
Tawa kasi siya ng tawa at hindi ko naman alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko.

Sang Won: Taehyung is a MAN Daine! Do you really think that he can teach you how to cat walk?

Napaangat naman ako ng kilay sa sinabi niya.
Iyon ba talaga ang iniisip ng babaeng ito? At tawang-tawa siya?
Hindi naman kasi iyon ang literal na ibig kong sabihin...kaya naman pala tawang-tawa ang baliw na ito.

Love Over A Thousand QuarrelsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin