Chapter 55

149K 3.4K 145
                                    


Kane's POV

Kring Kring Kring

"Hello."

"Hello babe! This is Kiara. Hindi mo na ko tinawagan simula nung may nangyare satin-"

Teka. Sino daw siya?

"Oh hi Ciara-"

"It's Kiara babe." Pagtatama niya.

"Oyea. Kiara babe can we talk later? I have something to do. Bye!" Binaba ko na agad yung phone.

Hahanapin ko na kase dapat si Gary ngayon kung hindi lang tumawag yung Tiara na yun.

Ni hindi ko na nga siya maalala e. Pati itsura niya.

Haaaay. Ang hirap talaga maging habulin ng babae. Tsk.

Kring kring

Tsk. Ang kulit naman ng babae na yun.

"Hello Liara babe. Diba sabi ko naman sayo na tatawagan-"

"SINLO YANG LIARA BABE NA YAN HA KANE?! HINDI MO KO TINATAWAGAN TAPOS NAMBABABAE KA LANG PALA?!" Nilayo ko ng bagya sa tenga ko yung phone.

Nakakabingi e. Pero patay ako nito. Huhu.

"Hello baby-"

"WAG MO KONG MABABY-BABY DIYAN HA! ANO NA NAMANG IPAPALUSOT MO NGAYON HA?" Shet ang hirap magka-gf.

Yes. GF talaga. Bakit may angal ba kayo ha? Wag kayo ha. Simula nung makilala ko si Karen nagseryoso na ko sa kanya.

Siya yung isa sa mga babaeng kasali sa auction. Naalala niyo pa ba yun? Basta tapos naging malapit na kami.

Alam na nga din niya ang pagiging Mafia ko at okay lang sa kanya.

Hindi na kaya ako tumitingin sa ibang mga babae. Oha!

"May utos sakin si Keisha baby e. Alam mo naman yung nangyare diba?"

"AT AKO? PANO NA HA? NANGAKO KA SAKIN LAST WEEK NA MAGKIKITA TAYO TAPOS HINDI NATULOY. NGAYON NA NAMAN? ITIGIL NA LANG KAYA NATIN TO KANE?"

"What? No! Alam mo na importante sakin tong trabaho ko. Mahalaga sakin to. Kaibigan ko si Zach at hindi ako papayag na hindi siya maipaghiganti." Gagawin ko ang lahat magbayad lang yang Levi Cruz na yan.

Papahirapan ko din siya kagaya ng ginawa niya kay boss.

Hindi ko sila titigilan kahit na ang pamilya niya pa. Nasaksihan ko kung paano naging ka-miserable si Zach nung mamatay yung mga magulang niya.

Puro galit at poot na nga lang ang meron sa puso nun kaya siya ganyan pero laking pasasalamat ko ng dumating si Keisha sa buhay niya.

Dahil kay Keisha unti-unting bumalik yung Zachary Dawson na kababata at kalaro ko noon.

Magkapit-bahay kami dati tapos isang araw nabalitaan ko na lang na namatay na yung mga magulang niya.

Dun na nagsimula ang pagbabago niya. Wala na siyang kinakausap.

Tinulungan siya ng mga magulang ko dahil kasama pala sila sa Mafia ng mga Dawson. Hindi siya pumayag na sa bahay namin tumira dahil sabi niya kaya niyang mabuhay mag-isa.

Inintindi namin siya. Siguro nga kailangan niya yun dahil masakit ang mga nangyari sa kanya. Sa murang edad pinagsabay niya ang pag-aaral at pamamahala ng kompanya nila.

Sinong mag-aakala na ang sampung taong gulang bata ay kakayin ang ganon?

Pero sinabay din niya ang pag-aaral ng tungkol sa Mafia. Lumapit siya sa tatay ko dahil napag-alaman namin na siya pala ang kanang-kamay ng Mafia.

Inalam niya ang mga dapat alamin ng isang mafia boss. Nagsanay siya. Nagpalakas dahil igaganti daw niya ang mga magulang niya.

Sa hindi inaasahang pagkakataon naaksidente ang mga magulang ko. Simula nun naging magkasangga na kami.

Nagpalakas kami ng sabay. Sumama ako sa kanya dahil sa paniniwalang sinadya ang pagkamatay ng mga magulang ko.

"ANO BA KANE?! KUNG AYAW MO WAG MO. SIGURO MAY MGA BABAE KA NA NAMAN ANO? HALAA SIGE DUN KA NA-"

Psh. Panira naman sa kwento tong babaeng to o. "Oo na baby. Susunduin na kita." Pagsuko ko.

Asa naman kaseng tigilan ako nito diba?

Tsaka matagal na din kaming hindi nagkikita dahil sa dami ng inasikaso namin ng mawala si boss.

Miss na miss ko na tong babaeng to e. Nababading din pala ang mga lalaki kapag na-inlove.

Nung nalaman kong mahal ni bossing si Keisha, pinagtawanan ko lang siya kase parang hindi bagay sa kanya. Ang bading tignan p*cha!

Na-uunder de saya e. Takot sa asawa. Ayoko kaya sa ganun!

Pero tignan mo naman ngayon, nasa parehas na kami ng kalagayan. Takot din kaya ako sa girlfriend ko.

Akalain niyo ba na ang mga gwapo, makisig, at kinakatakutang Mafia ng Dawson ay mayroon kanya-kanyang kinakatakutan?

Si Zach takot kay Keisha..

Si Val alam ko may girlfriend yun ayaw lang magsabi e.

Tapos ako. Takot ako kay Karen. Hindi lang pala takot, TAKOT na TAKOT.

Natatakot akong mawala siya dahil pakiramdam ko siya lang yung taong kayang umintindi sa mga kalokohan at katarantaduhan ko e.

Siya din yung taong tanggap kung ano at sino ako. Hindi niya ko hinusgahan.

Kaya iingatan ko siya at mamahalin. Ba yan! Nababading na naman ako. Itigil na nga natin tong POV na to!

Basta wag kayong magsusumbong kundi babarilin ko kayo.

Hindi naman siguro malalaman ni Keisha na hindi ginawa yung inutos niya.

ITIKOM NIYO BIBIG NIYO HA!

***

HI GUYS!!!! PASENSIYA NA KAYO KUNG ANG BAGAL KO PO MAG-UPDATE, SUNOD SUNOD PO KASE ANG EXAM KO. HUHU.

AT LEAST NA-UPDATE KO NA TO. HIHI.

GUYS!! HAPPY 11.8K READS PALA!! OMG! ANG SAYA KO SUPER UBER DUPER! NAALALA KO PA, I POSTED THIS STORY LAST APRIL 28, 2015. AFTER 17 DAYS, 11.8K READS NA SIYAAAA!! THANK YOU NG MARAMING-MARAMI! MAPA-READER KA MAN, VOTER, COMMENTER, AND SILENT READER. SALAMAT! ♡♡♡♡

BTW, KAHAPON PO MAY NAGTANONG SAKIN KUNG MAY BOOK 2 PO ITO. HINDI KO PO ALAM. ACTUALLY GUSTO KO NA AYAW KO.

GUSTO KONG GAWAN NG BOOK 2 PARA MAPAHABA KO YUNG JOURNEY NILANG LAHAT PERO NATATAKOT AKO NA BAKA WALA NG MAGBASA?

HUHU. SO GUYS, NASA INYO PO ANG DESISYON. COMMENT-COMMENT!! :)

BOOK 2? YES OR NO?

PS: MALAPIT NA PONG MATAPOS ITONG STORY SO PLEASE KEEP SUPPORTING PO! :)

PS ULIT:

MAY FACEBOOK NA PO SILA:

ZACHARY DAWSON!! (FINALLY)

KEISHA MONET DAWSON

KANE JAEJOONG

BLAKE SIWON

* PWEDE NIYO SILANG MAKAUSAP GUYS! AND MASASAKSIHAN NIYO PO KUNG PAANO MAGLANDIAN SILA ZACH AT KEISHA. AS IN PURO LANGGAM!! HIHI.

PS ULIT, LAST NA TO PROMISE: MAY NEW STORY PO AKO ENTITLED PWEDE BANG AKO NA LANG? MAGANDA YAN! HIHI. SUPPORT NIYO DIN MY LOVES!

PATI PO STORIES NG OPERATORS KO!! :)

*THIS ONE SIDED LOVE
*WHEN THE MEMORIES ARE BACK
by Ririlei

*THE PAST TEEN LOVE
by SakiMazukoshi11

*HIGHSCHOOL MEMORIES
by finny_yuuu

*CHANCE
*PAASA AT UMAASA
by Btchynigguh

~ craziestamongtherest

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon