"Whatever. Anyway, I'll perform later. Amphitheater at 4pm."

"Seriously? Anong mayroon?"

"Yes. I'll play guitar for Ariston's girl. Veterinary Students Assembly daw."

"Ah, okay. Is that okay with you?"

"Yes. Isa pa, I need to do it. Hindi man direktang sinabi ni Ariston, but he asked me to play for his girl."

"Okay then. I'll do my best to be there."

"No need. Just do you things."

"Ayaw ko. Gusto kong makita kang mag-gitara. I'll support you all the way. And for sure. That's going to be amazing. Anyway, I have to go now. Okay? See you later, Thiagobels. Ay Thiago ko. Bayeee." Pagkatapos noon ay pinatay na ni Paisley ang tawag.

"Thiago ko? What the hell? Kainis. Hindi na niya ako hinayaang makasagot," sabi ni Thiago habang nakangiti at nakatingin sa larawan ni Paisley sa messenger nito.

Tumayo si Thiago at naghanap ng maisusuot. At nagtagal siya doon. Buti na lang at wala ang professor niya sa huling subject kaya walang masasagasaan sa schedule niya. At matapos makapagbihis ay pumunta siya sa elevator para bumaba. Kukunin na niya kasi ang gitarang ipinakuha niya kay Mang Jerry. Papasok na sana siya ng elevator nang biglang may nagsalita sa likuran niya.

"Excuse me, good afternoon." Napalingon si Thiago at nakita niya ang isang hindi katangkarang binata na nakasuot ng kwadradong salamin sa mata. Hindi sumagot si Thiago kaya nagpatuloy ang lalaki. "I'm Kharlo Montereal, KH not C for Kharlo, and I am the head feature writer of Aurum Gazette."

Na-wirduhan si Thiago sa lalaki, pero sinagot pa rin naman niya ito. "Yes, how may I help you?"

"Uhm, you are Thiago Villaruz, right?"

"So?"

Halatang na-intimidate na ang lalaki kay Thiago, pero nagpatuloy pa rin ito. "Ano kasi. You... you were chosen as one of the faces of MU."

"What in the world is that?"

"Uhm... ano... It means, you're one of the most popular faces here in our university. We were able to get the scores through voting and you got 5th place."

"Okay then," tanging isinagot ni Thiago sabay talikod. Wala naman kasi siyang pakialam doon. Wala siyang pakialam kung gusto siya o hindi ng mga tao. Lalo na ng mga estudyante sa MU.

"There's going to be a pictorial later sa School of Music and Arts," medyo nauutal pang sabi ni Kharlo.

"I don't care."

"Uhm, actually we told the Office of the Dean about this. And they said it's going to be an extracurricular activity for all the School of Music and Arts students. You know, if they will join."

Muling napaharap si Thiago kay Kharlo dahil sa sinabi nito. "That Ms. Jang. Is she really making my life here miserable? Alright. I'll think about it."

"Oh my! Thanks, Mr. Thiago!" singhal ni Kharlo.

"I said, I'll think about it."

Matapos iyon ay biglang tumunog ang elevator at sumakay na si Thiago. Wala naman ng kibong hinantay ni Kharlo na sumara ang pintuan nito. Habang pababa ay napakamot ng ulo si Thiago. Iniisip niya kung paanong napasama ang pangalan niya sa faces of MU. Hindi naman kasi ganoon karami ang mga kakilala at kaibigan niya sa university para umabot siya sa panglimang pwesto. Pero kahit anong isip niya ay wala talaga siyang ideya kung paano nangyari iyon. Isa pa, talagang ayaw sumali sa pictorial.

Pagkakuha ni Thiago ng gitara kay Mang Jerry ay kaagad niya iyong itinono. Sa loob ng sasakyan niya iyon ginawa at pagkatapos ay dumeretso na siya sa amphitheater. Malapit na rin kasing mag-alas kwatro at baka hinihintay na siya doon ni Deyanne.

MU Series: The Snob Music Prodigy (Published)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum