Napansin ko na may sumisilay na ngiti sa labi ni Kaizer.




Bakit kaya? Parang bumibilis din ang pagmamaneho niya. Nagmamadali ba siya?


Nang makarating na kami sa tapat ng bahay ko ay agad na ding umalis at nagpaalam si Kaizer.





Bakit parang bigla siyang sumaya? Kanina badtrip na siya eh, pero bakit biglang-bigla na naging good mood siya?



Hay naku! Bipolar talaga!🙄



Pumasok na ako sa loob ng bahay para makapag-pahinga.




Sinubukan ko ng matulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Kaya naman pinili ko nalang na maglinis at ayusin ang kwarto ko para makaramdam ako ng pagod.





Hindi pa ako nakuntento ay nilinis ko na din ang buong bahay.



Kasalukuyan akong nakahiga at nagpapahinga na ng tumunog ang cellphone ko.




[ Phone rings: Calling…… Dad]📞📞


“Hello, Dad” sagot ko sa phone.


Oh di ba? Feel na feel ko ang pagtawag ng dad!😂


“Hello darling. Tumawag lang ako para kumustahin ka” sabi nito.


“Okay lang naman po ako. Kayo po ba?” tanong ko naman sa kanya.


“I am fine too darling, kahit maraming trabaho” sagot nito.



“Ahh Dad, pupunta ka po ba mamayang gabi sa event namin?” tanong ko dito.





"I'm sorry darling. Pero hindi ko alam ang about dyan. Wala naman sa akin sinasabi ang anak ko. Para saan ba yung event nyo?" Tanong ni Dad.




Grabe naman si Kaizer. Hindi man lang sinabi kay Dad.


"Big event lang naman po para sa Foundation Day po namin" sagot ko naman.


“Sorry darling, but I have a very important meeting pa mamaya at hindi ko alam kung anong oras matatapos” sabi nito. Nalungkot naman ako.

“Ganun po ba Dad? Okay lang naman po. Kapag may time nalang po kayo, panuorin nyo nalang po kami sa live streaming dad. Para na din po makita nyo ang gagawin nila Kaizer” sabi ko.


“Wait. Kasali ang anak ko?” takang-tanong nito.


So, hindi pala talaga sinasabi ni Kaizer ang about sa Big event namin at sa band nila? Ni hindi man lang ba proud na kasali ang banda nila para ipagmalaki ito kay Dad or much better to say sa daddy niya?




“Yes po Dad. Member po si Kaizer at siya po mismo ang vocalists ng Heartthrobs, yun po ang name ng band nila” sabi ko.


“Really? He didn’t told me about that. I have no idea. Kung alam ko lang sana ng mas maaga ay sana na-reschedule ko ang meeting ko” sabi ni Dad na may panghihinayang.



“I’m sorry po, akala ko po kasi nasabi na ni Kaizer sa inyo eh. Pero pwede nyo naman po mapanuod ng live. Ise-send ko nalang po sa inyo yung mga links kung saan ang live streaming namin mamaya Dad” sabi ko.


“Sige darling. So I think I have to go na, para na din makapagpahinga ka na kasi may gagawin pa pala kayo mamaya. Bye darling and goodluck sa inyo mamaya” sabi nito.

Listen To Your Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon