Nang magising ako kinabukasan ay wala na si Mr. Romano sa aking tabi. Nang maalalang nasa ibang bahay ako ay agad akong bumangon at inilibot ang paningin sa paligid. Lalaking lalaki ang kwartong ito, puro itim at gray lang ang kulay pati ang mga beddings, Romanong Romano ang dating. Nilingon ko ang kama kung saan ako mahimbing na nakatulog na yakap yakap niya. Napangiti ako, ang saya talagang gumising kapag mahal mo ang katabi mo sa pagtulog. Mahal? Sigurado na ba ako? Sa tingin ko, sigurado na ako. Kagabi pa lang nung makita kong siya nasa tabi ko na natutulog ng mahimbing, alam ko na sa sarili kong siya uli ang nagbukas sa puso ko para matutong magmahal muli.

Dahan dahan akong nag inat ng mga kamay, dahil pakiramdam ko ay masasakit pa ang aking mga kalamnan, sa tingin ko ay may kaunti pa akong sinat. Pero kaya ko na ito. Kaylangan ko na ring umuwi dahil sigurado akong hinahanap na ako ni Chichi. Inalis ko ang makapal na kumot na nakabalot sa aking katawan at napansin kong iba ang suot kong damit. Puting Tshirt at grey na pajama, agad akong pinamulahan ng mukha ng maisip kung sino ang nagbihis sa akin kagabi. Santisima, nakita na niya? Nahawakan na niya? malamang mahahawakan niya dahi siya nga ang nagbihis sayo! Sigaw ng kontra kong isip. Napatakip ako ng mukha ng maisip pa kung anong ginawa nito. Diyos ko naman Daniah! Ito ba ang unang beses? H-hindi nga. Pero nakakahiya pa rin dahil wala naman akong malay ng mangyari iyon. Haaay!

Tumayo na ako at ng tangkang hahakbang na ay dere deretsong nahulog ang pajama sa aking paa. Santisima! Anong klaseng beywang ba meron siya? Itinaas ko itong muli, ngunit muling nalaglag. Sinipat ko ang suot kong tshirt, hanggang tuhod, kaya ko na sigurong ilakad ito? Luminga linga ako, umaasang makikita ang mga damit ko. Wala. Paano ako uuwi? Nagpasya akong lumabas ng nakayapak mula sa kwarto para hanapin si Mr. Romano. Siguro naman ay nariyan lang siya sa sala, o sa kusina. Kaylangan ko lang makuha iyong mga damit ko ng makapa palit na. Panay ang hila ko sa laylayan ng damit, pakiramdam ko kasi ay nakikita ang buong kaluluwa ko. Mula sa kwarto iyon ay ilang halbang pa para makarating sa hagdan. Tinunton ko lamang ang maiksing pasilyo at maingat na bumaba ng hagdan. Kung nakakahanga ang view sa itaas, ganun din namang kinaganda dito sa ibaba. Ganun pa rin ang kulay, madilim ang ambiance, pero elegante naman ang pagkakaayos ng mga furniture at napaka linis pa. din para sa bawat parte ng bahay, una kong nadaanan ay ang sala, kung saan naroon ang tv, sofa, at ang napakalaking salamin na bintana. Akmang hahawakan ko na sana ang isa sa mga ito ng may marinig akong nagbubulungan. Saglit akong nakiramdam at nakinig. Malabo ang usapan ng mga ito, bago tuluyang lumapit sa kinaroroonan ng mga boses ay muli kong sinipat ang ng suot ko. Nakakahiya kung magpapakita ako sa kanila ng ganito lang ang suot. Paano lung importanteng bisita niya iyon? Sumilip na lang muna kaya ako? Nag aatubiling naglakad ako atungo sa kusina, nahaharangan iyon ng isang division kaya hindi agad makikita ang kabuuan nito, ng makalapit sa pader nito ay dahan dahan akong sumilip.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla sa tagpong nabungaran ko. Si Mr. Romano ay nakatalikod mula sa kinaroroonan ko, wala itong suot na damit kundi ang nakatapis lamang na tuwalya sa beywang nito. Mayroon siyang kahalikang babae na siyang nakaharap sa akin, nakaupo ito sa counter top, at nakayapos ang mga bisig sa batok no Mr. Romano. Pakiramdam ko ay nawasak ang puso ko. Bumigat ang ulo ko at napasandal ako sa dingding na iyon. Mabilis ang paghingang tinakpan ko ng dalawang kamay ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko nasaksihan ko. Tatakbo na sana akong muli palayo roon ng mabangga naman ang kanang bahagi ng katawan ko sa isa pang division.

"Ah...!" Hindi sinasadya ay impit kong sigaw. Tinakpan kong muli ng aking bibig at pilit na tumayo mula sa pagkabagsak. Ngunit huli na.

"D-Daniah? Hey! What are you doing here?" napahinto ako ng mabosesan kung sino iyon. Hindi ako lumingon, dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon.

"Why is she here?" tanong nito, na kahit hindi ko nakikita ay alam kong si Mr. Romano ang tinatanong nito. Eh ikaw? Bakit na nandito? Balik na tanong ng isip ko.

My Heart's Angel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon