2

7 0 0
                                    


"O? Bakit hindi ka pa umaalis? Alas otso na oh, Pham"

Itinapat ni Lorie ang kanyang wrist watch sa aking mukha para ipakita ang oras.

Alas otso kasi ang oras ng pasukan namin. Kung dati ay masaya ako kapag papasok na ng paaralan, ngayon hindi na. Nawalan na ng saysay ang pagpupursigi ko.

Kung noon gusto kong mag aral para maging proud sa akin sina mama at papa.

Kung noon gusto kong matulungan si papa na bumangon sa lahat ng nagawa niyang pagkakamali at para magsimula muli.

Kung noon ponong pono ako ng pangarap.

Ngayon, wala na akong pamilya. Iniwan nila ako.

Iniwan ako ni mama kay papa pero iniwan din ako ni papa para sa iba kong kapatid.

Piniling sumama ni papa kay Niña, iniyakan lang sya ng dalwang bata agad nya akong iniwan.

Bakit ganun? Iniyakan din siya nina mama, Reese at Densel pero hindi nya pinigilan?

Kami naman ang legal niyang pamilya bakit parang kami pa yung hindi nya totoong pamilya?

Hinawi ko ang kamay ni Lorie saka kinuha ang sling bag ko.

"May problema ka? Ang lungkot mo. Miss mo ulit mama at mga kapatid mo no?" ani Lorie saka tinap nya ang aking kamay.

"Babalik din yun kaso baka may tinatapos pa? Hayaan mo, mahal ka naman ng mama mo eh. Walang ina ang hindi nakakatiis ng anak. Imagine 9 months ka nyang inalaagan sa kanyang sinapupunan." dagdag nya.

"Its not about them. Iniwan ako ni papa"

Naitulak ako kunti ni Lorie sa kanyang gulat sabay bulalas ng "HA?!"

Inikotan ko sya ng mata.

"Sumama sya sa kabit nya at anak nya sa labas" matabang kong wika.

Sumiksik ulit sa gilid ko si Lorie saka mahinang sinabi ang "Kaya pala yung isang araw may babaeng may bitbit na dalwang bata panay tanong sakin kung saan ka nakatira. Yun siguro yung sinasabi mo"

Niyogyog nya pa ako.

"Oo yun kabit nya"

Naitulak nanaman nya ako ng mahina sabay bulalas "WHAT!"

Sino kasi ang d magugulat eh yung papa ko nasa 50's saka yung babae nasa 30's pa.

"Mauna na ako" Akmang aalis na ako ngunit nahawakan agad ni Lorie yung sling ng bag ko kaya napatingin uli ako sa direksyon nya.

"Ano nanaman ba, Lorie?" inis kong tanong sa kanya.

Baka uutusan nanaman ako ng hinayupak na Lorie na ito. Nga pala si Lorie Tieves anak ni Nieva Tieves na amo ko. Tindera ako ng prutas, sila ang may ari ng fruit stand. Magaling na negosyante si Maam Nieva at si Lorie. Magkasundong magkasundo kami pwera nalang sa attitude nya na pala utos, naiinis ako.

Tulad ngayon, ganyang ganyan sya kapag may iuutos sya sa akin kapag paalis na ako eh dun pa mag uutos kaya minsan nale-late ako sa klase.

"What if umuwi ka sa lolo at lola mo?" tanong nya.

Gusto ko man pero ayoko baka sakin pa ibunton ang galit nila kay papa.

"Wag na. Ayoko ng pati sila mamoblema pa sakin saka 25 na ako, hello"

Tinulak nanaman ako at pinaalis.

"Alis na. Bahala ka. Shoo!"






















"Mrs. Reyes, Sir Jun, ano pong atin?"

Halos dalwang oras ang biyahe ko pauwi at ang madadatnan ko ay ang may ari ng boarding house na nirerentahan ko. At si Sir Jun na nautangan ni papa ng 5,000.

Feel So WretchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon