Kabanata 2

1.4K 35 0
                                    

Lumabas ako ng gate namin pagkatapos kong magpaalam kay Tatay. Susunod na din naman siya, nag aayos lang mga gamit. Sa bayan pa kasi ang presinto kaya kailangan pang sumakay ng jeep.

Ang kapatid ko ay ewan ko kung kailan pa yun aalis. Late na naman panigurado ang batang yun. Ang tagal kasing gumising, nakapaglinis na ako ng bahay pagkagising ko, siya ay tulog pa din. Prinsesa kasi. Prinsesang walang pera.

Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ang motorsiklong papalapit. Kita ko na rin ang mukha ni Gregorio na akala'y walang tulog. Lukot na lukot kasi habang nag da-drive.

"Arabella!" tawag niya sa akin ng tumigil siya sa harapan ko.

"Kay pangit ng umaga mo, Gregorio!" puna ko at umangkas sa motorsiklo niya.

"Paki mo!" sagot niya at pinaandar ang motorsiklo.

Hindi ko nalang siya kinulit pa. Baka nakasagutan na naman niya ang mga ate niya.

Malapit lang ang bahay namin sa paaralan pero sinusundo pa rin niya ako paminsan-minsan.

"Kamusta naman ang tulog mo?" tanong niya ng makababa kami pareho sa motorsiklo at sabay na naglakad papunta sa classroom namin na malayo layo pa ang lalakarin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "May kailangan ka?" tanong ko sa kanya.

"Nambibintang ka na, Arabella!"

"Bakit ba? Wala ka sa mood kanina tapos ngayon tatanong tanong ka kung kamusta ang tulog ko? That's not you! May nakain ka bang allergic ka?! "

Tiningnan lang niya ako.

Masasabi ko nang may kung ano talaga sa lalaking 'to dahil bigla na lamang niyang hinila ang bag ko paitaas. Suot ko pa ito kaya halos maiangat na din ako.

"Ano ba?!" reklamo ko ngunit wala yatang pakialam ang loko loko.

"Tinanong kita kung ayos lang ba ang tulog mo tapos pagbibintangan mo akong may kailangan ako?!"

Tumigil ako sa paglalakad at hinubad ko ang suot na bag dahilan ng pagwala ko sa pananakit niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya habang siya ay bumuntong hininga at binitbit na lang ang bag ko.

"Salamat sa pagdala, Gregorio!" masayang sabi ko at patalikod naglakad na nakaharap sa kanya.

"Nagkasagutan na naman ang mga kapatid mo ano?"

"Watch your steps!"

"Ayos lang 'yan! So, ano?"

"Tsismosa mo!"

Tinawanan ko siya. Bakit bawal bang magtanong? Galit galitan siya kanina tapos ngayon ewan ko na. Galit pa ba siya?

"Sumbong kita sa Tatay mo, nangingialam ka sa buhay ng ibang tao!" pambabanta niya.

"Takot na takot ako! Sa sobrang takot ko gusto mo ako na magsabi sa Tatay ko?!"

Tumawa siya ng mahina at halos ihampas na sa akin ang bitbit niyang bag ko. Ang harsh naman.

Edi tumawa na siya. That's the power of Kate Arabelle Hernandez, ang baguhin ang mood ng kaibigan niya.

"Baliw!"

"Ikaw din! Baliw ka din. Birds with the same feather flock together!"

"We're not birds!"

"I know rig--aw!" reklamo ko ng may mabangga ako dahilan ng pagkatumba ko.

Misguided Affection (Highschool Romance Series #2)Where stories live. Discover now